Chapter 30
Last day na naming mga teachers sa school ngayon. Last week ay nagstart na ang bakasyon ng mga bata at kami naman ay ngayon dahil tapos na ang encoding of grades.
"Hay! Hallelujah! Bakasyon na bes!!" masiglang sabi ni Maqui pagkalabas namin ng school gate. "Naiimagine ko na yung sarili kong nasa puno ng santol sa Pampanga. Sasama ka diba?"
"Oo naman. Nagpaalam naman na ko kay ninang. Pero Maq, kailangan nating bumalik bago magbirthday si Harry ha?" sabi ko.
"Oo naman. Hello? Papalagpasin ko ba yung birthday ng kapatid mo? Bibisita lang naman ako kay lola dun eh. Bago pa mag-ulyanin." halakhak niya.
"Gaga ka talaga." sabi ko.
Napahinto ako sa may kanto nang makita ang GTR ni Elmo na nakapark dun. Nakahalukipkip siya habang nakasandal sa hood ng sasakyan niya. Nakasuot siya ng navy blue na polo shirt na kitang-kita ang hubog ng katawan niya. Ang muscles niyang gustong kumawala sa sleeves ng shirt niya at ang dibdib niyang bakat na bakat sa sobrang kakisigan. Nakasuot rin siya ng khaki shorts at rubber shoes na Nike at naka aviator shades. Napalingon siya sa amin at agad na napangisi nang makita ako. Napansin kong wala na ang band-aid sa may labi niya. Tuluyan na nga sigurong gumaling yung sugat niya dun.
"Mataas ang araw?" pagtatakang bulong ni Maqui sabay tingala.
"Wag kang basag trip. Gusto niya yan." sabi ko naman saka na nagpatuloy sa paglalakad.
"Hey..." utas niya saka umayos ng pagkakatayo.
"Anong ginagawa mo dito? Akala ko ba may training kayo ngayon? It's Wednesday, Moe. You have a race in Cebu on Friday. And I'll be with Maqui sa Pampanga bukas hanggang sa Tuesday." sabi ko.
"That, Ms. Sungit, is why I'm here. I want to spend time with you before you go on a vacation." aniya saka hinawakan ang kamay ko.
"Wow. Di pa pala bonding yung kaclingyhan niyong dalawa ha?" asar ni Maqui. Tumawa lang naman si Elmo sa kanya.
"Kasi I won't be able to see Julie starting tomorrow. Bukas na din kasi flight namin to Cebu because we'll have a conference pa with the organizers and bloggers daw."
"Di ko naman tinatanong yan Elmo." irap ni Maqui.
"I was just explaining..." nanlilit ang boses na sambit ni Elmo.
"Ang taray mo Maq. Bitter pa din?" tanong ko sa kanya.
"Julie Anne, di ako bitter. At bakit naman ako papakabitter eh wala namang lovelife. Umayos ka nga!"
"Wala daw. Pero nahuli kitang may katext kaninang nasa faculty. Susunduin ka ba?" asar ko sa kanya. Namula naman siya saka nag-iwas ng tingin. "Huli ka balbon. May date kayo no?"
"Kapal mo ha! S-sino namang idedate ko eh wala ngang nagtatangka!" palusot niya pero halata sa boses ang pagkakautal. Tumawa na lang ako saka na lang tumingin kay Elmo.
"Bakit ka nga uli andito?" tanong ko. Ngumiti siya sa akin saka ako kinabig palapit.
"Kasi nga I want to spend this day with you."
"Pero may training ka diba?" tanong ko. Tumango naman siya kaya pinagtaasan ko siya ng isang kilay. "Eh bakit gusto mo pa kong makasama?"
"I can train while you're with me." sagot niya.
"Hay jusmiyo marimar. Naglampungan na po sila." narinig kong sabi ni Maqui. "Mawalang galang na po ha? Uuwi na ako at mag-iimpake pa ko. May malapit na motel dito. Dun na lang kayo kaysa naman sa kalsada pa. Badjao lang?"
"Grabe ka Maq!" sabay na sabi namin ni Elmo.
"Ewan ko sa inyo. Ge na. Julie Anne, bukas ha? Magkita na lang tayo sa terminal. Uwi na ko." paalam niya at saka na tumawid para makasakay ng tricycle.