50

3.7K 83 1
                                    

Chapter 50

"Julie?!" halatang nagulat si Maqui sa biglaan kong pagdating. Yumakap lang ako agad aa kanya at umiyak. "Hoy problema mo?" tanong niya.

"Maq..."

Tinignan niya ako at halata sa mukha niya ang pagtataka at pag-aalala.

"Anong nangyari?" aniya.

"Si Elmo..."

"Bakit? Anong ginawa niyang jowa mo?!" tanong niya.

"Kasi... Kasi kaninang nasa kanila ako. May dumating na bisita. Nagpakilala bilang Mina. Tapos... Tapos nalaman ko na ex ni Elmo yun. P-pero sabi niya hindi naman daw. Pero Maq... Maq halata sa mata niyang minsan niyang minahal yung babaeng yun. Halata sa kanyang nasasaktan pa rin siya Maq..." hagulgol ko.

Umupo si Maqui sa tabi saka ako inalo. Matagal siyang nanahimik habang hinahayaan lang naman akong umiyak.

"Ex ni Elmo?" tanong niya maya-maya.

"S-sabi nung babae, ex daw siya."

"Eh sabi ni Elmo?" aniya. Umiling ako saka muling umiyak. "Kanino ka mas naniniwala?" tanong niya.

"H-hindi ko alam..." hagulgol ko.

"Julie Anne, sino sa kanila ang mas kilala mo? Si Elmo na boyfriend mo o yung Mina na kakakilala mo pa lang?"

"P-pero Maq... Minahal ni Elmo yun..."

"Julie, minahal niya lang. Importante pa ba yung nakaraan kaysa sa ngayon? Nakaraan na siya, bes. Bakit kailangan pa siyang intindihin kung mas masaya si Elmo sa ngayon. Sa iyo."

"P-pero..."

"Julie Anne, ano bang sinasabi niyang puso mo?" tanong niya.

"N-na mali ang di ko siya pakinggan."

"At?"

"At mahal ko siya at sa kanya lang ako maniniwala."

"Oh. Eh anong kagagahan yang pag-iyak mo diyan ha? Gusto mo saktan kita ng literal?! Magaling ako dun! Nanalo ako nung highschool sa Taekwondo." aniya. Medyo natawa na ako sa sinabi niya. Tama siya. Hindi ko dapat sinabihan si Elmo ng ganun. Dapat, inintindi ko siya at hinayaang magpaliwanag. Dapat, pinakinggan ko siya. Dapat hindi ko siya iniwan.

"Sorry..." sabi ko. Umirap si Maqui at saka pa ako kinurot sa patilya. "Aray!"

"Bakit saken ka nagsosorry?! Ako ba si Elmo?! Shunga ka talaga. Grabe!" irap nanaman niya.

"Eh nahihiya ako kay Elmo..."

"Tapos saken hindi? Walangya ka talaga bes. Ikaw na ang choosy ang hiya. Edi wow!!"

"Maqui naman eh..."

"Bahala ka diyan. Gaga ka eh. Ang arte-arte mo nagpapaliwanag tong tao bigla mong iiwan. Natatae ka ba ha?!"

"Hindi... Sadyang naguguluhan lang ako nung oras na yun. Pero... Pero narealize kong mali nga ang iwanan ko siya dun. Mali." iiling-iling na sambit ko. "Mahal ko siya kaya dapat pakinggan ko siya. Nagmahal ako kasi handa na akong magpakatanga at masaktan. Kaya dapat sa mga ganitong challenges na dumadating sa amin, dapat kinakaya ko."

"Eh bakit ngayon mo lang narealize yan? Gaga ka talaga..."

"Akala ko kasi... Akala ko mangyayari sa akin yung nangyari kay mama. Natatakot ako Maq eh. Di mo naman maiiwasan yun."

"Alam ko takot kang iwanan. Pero Julie, kasama sa pag-ibig yan. Nagmahal ka eh. Let's just be realistic okay? Wala naman talagang forever. May possibilities talagang naghihiwalay ang mga nagmamahalan. Pero kung gusto niyong tumagal, dapat may tiwala kayo sa isa't isa."

The Story of UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon