Chapter 32
Sabado na at sobrang enjoy pa rin kami ni Maqui dito sa kanila. Ang saya kasi kasama nung mga pinsan niya. Sila Vic andito din dahil nagleave siya sa trabaho. Pati yung mga batang kambal na pinsan ni Maqui na sina Mico at Matthew.
"Ate Maqui!!!" narinig naming sigaw nina Matthew at Mico galing sa labas. Tumakbo sila papasok ng bahay at malalaki ang ngisi.
"Problema niyong dalawa?" tanong ni Maqui na abala sa paghihiwa ng lulutuin namin.
"May naghahanap sayo sa labas. Ang gwapo ate!" ani Matthew.
"Sino?" pagtataka ko.
"Ayaw magpakilala ate eh. Pero ang gwapo!" sabi naman ni Mico. Sumilip si Vic mula sa bintana dito sa sala saka siya natawa.
"Haha. Maq, labasin mo na. Kawawa naman oh. Nagpapogi pa naman." aniya.
Tumakbo ako palapit kay Vic saka sumilip din. Nakita ko si Gino na nakatayo sa may sasakyan niya at nakadungaw mula sa gate ng bahay nila Maqui. Napangisi ako dahil nang makita niya ako ay kumaway siya sa akin. Sumenyas naman ako ng saglit lang saka tinawag si Maqui.
"Maq, labas na dun. Wag mo na paghintayin ang grasya." sabi ko. Nagtawanan sina Vic at ang kambal.
"Sino ba kasi yun? Pag nalaman kong pinaglololoko niyo lang ako uumbagan ko kayo isa-isa." iritang sabi niya sabay punas sa shorts niya habang naglalakad papunta sa main door nila. "Sino ba yung sina--"
Napahinto siya at nakita ko ang pag-awang ng bibig niya. Lumingon siya sa amin ni Vic at ngumiti lang naman kami sa kanya.
"Pogi no?" asar ni Vic.
"Papapasukin na namin ate ha?" sabi ng kambal saka na tumakbo palabas ng bahay at agad na binuksan ang gate.
Pinanuod namin kung paano mataranta si Maqui habang papalapit si Gino sa bahay nila. Hindi niya alam kung anong uunahin niyang gawin. Kung mag-aayos ba ng buhok, magpapalit ng damit o kung ano man.
"Good afternoon." bati ni Gino pagkapasok niya. "Hi, Cheska."
"Uh... Teka." sabi ni Maqui sabay takbo paakyat sa kwarto niya.
"Gino, upo ka muna." sabi ni Vic sabay mwestra sa isang sofa.
"Teka ikukuha kita ng juice." sabi ko naman saka na naglakad papunta sa kusina. Bumalik rin agad ako na may dalang juice at meryenda para kay Gino.
"Nino yng bisita mu? (Sino yang bisita mo?)" tanong ni Apong Sila pagkalabas niya ng kwarto niya kasama ang nurse niya.
"Apo, bata po nang Ate Maqui. (Lola, boyfriend po ni Maqui.)" sagot naman ni Vic sa kapampangan.
"Nino? (Sino?)" tanong uli ni Apong Sila.
"Y Gino po, apo. (Si Gino po, lola.)" ani Vic.
"Ah. Itang masanting a bata na? (Ah. Yung gwapong boyfriend niya?)" aniya.
"Opo, la. Siya po." sabi ko naman.
"G-Good afternoon po, Lola Sila." bati ni Gino saka pa nagmano sa kanya.
"Ot kasanting mu talaga ne? Nanung gagawan mo keni? (Ang gwapo mo talaga no? Anong ginagawa mo dito?)" tanong niya.
"Apo, eya byasang Kapampangan. (Lola, di siya marunong mag Kapampangan.)" sabi ni Vic saka pa natawa.
Natawa na rin kaming lahat dahil dun. Si Apong Sila naman ay tumingin lang samen na may pagtataka sa mata.
"Tinatanong ni Lola Sila kung ano daw ginagawa mo dito." sabi ko kay Gino.