Chapter 18
Nagising ako dahil sa ingay na nanggagaling sa labas ng kwarto. Matinis na boses. Obvious na obvious na kung sino yun. Sino lang ba ang kaibigan kong maagang nambubulahaw dito maliban kay Maqui diba?
"Ninang, asan na yang babaeng yan?! Aba lokong to ah. Hindi man lang nagtext na nandito na?!" rinig kong sabi niya. Nagulat na lang ako nang magbukas ang pinto sa kwarto at tumambad sa akin ang nagsusungit na si Maqui. "Julie Anne, anyare na sayo? Ha? Buti inuwi ka ng jowa mong hilaw. Nakailan ba kayo ha? Nakakaloka ka ha. Pavirgin effect ka pa."
"Maqui, pwede konting bawas ng volume? Baka marinig ka ni ninang." bawal ko sa kanya habang nagkukuskos ng mata.
"Gaga. Di naman ako kagaya mo na boba no? Malamang wala si ninang dito. Nagpuntang palengke kasama si Harry. Oh ano na?" tanong niya saka umupo sa kama ko. "Anak ng kamote. Usog konti naman bes! Bawal makiupo?!"
"Tss. Bakit ba kasi andito ka? Sabado ngayon diba?"
"Oh kaya nga. Sabado ngayon. Sabado is chismis day. Kaya go na! Anong nangyari sa inyo ni Elmo? Oh my gosh ka! I kennot with you talaga? As in? Seryoso?! You and him? Chumuchu uli?!"
"Wow Maqui ha. Infairness kung makaconclude ka wagas ha?" sabi ko saka umupo. "Walang nangyari okay?"
"Weh?" aniya na halatang di naniniwala. "Lokohin mo na si ninang, wag lang ako Julie Anne. Alam ko likaw ng bituka mo eh. On the outside, ikaw si Distancia Amigo. Pero on the inside? Ay shet ka bes. Anastasia Steele!"
"Hoy!" saway ko habang nagpipigil ng tawa.
"Oh gago. Bakit ka nagpipigil ng tawa ha?! Tama ako no?! Ano? Nakailang rounds? Nako talaga bes ha? Umayos ka!" sabi niya habang dinuduro ako. Hinampas ko yung kamay niya saka nagdiretso ng upo.
"Walang nangyari okay? Kaya kami ginabi ng uwi dahil pinipigilan ko siya na iuwi ako. Ayoko pa sana talagang bumalik dito dahil parang any moment dadating nanaman yung lalaking yun dito. Walang nangyari." sabi ko.
"Ako talaga di ako naniniwala eh." sabi niya. Tinignan ko naman siya at pinagtaasan ng kilay. "Tanong mo naman ako kung bakit. Wala ka talagang pakisama. Buti di ka naging artista. Kabog mo si Kristen Stewart sa pagkapoker face eh. Pesteng to."
"Hahahahahaha. Oo na. Oh bakit naman di ka naniniwala?" tanong ko.
"Kasi, blooming ka. Alam mo yun? Para kang nahilamusan ng sampung beses gamit yung gatas ng baka. Diba sabi nila nakakaganda daw ng kutis yun? Oh yan. Ganyan ang itsura mo. Tamo bes oh!" sabi niya sabay pakita pa saken ng salamin. "Oh diba? So I therefore conclude na may nangyari sa inyo not just once, not just twice, but many many times!"
"Gaga! Wala nga eh. Anong parte ba ng wala ang di mo magets, bes ha?" sabi ko.
"Mas gaga ka! Anong parte ba ng ilong mo ang nagsasabi ng totoo? Ha?"
"Ilong? Anong connect ng ilong ko sayo ha?"
"Shunga ka. Kapag nagsisinungaling ka nanlalaki butas ng ilong mo. Kasinglaki ng piso, bes! Piso!"
"Hoy ang OA mo! Grabe ka!" sabi ko.
"Kahit na. Di ka pa din nagsasabi ng totoo." pagtataray niya.
"Maqui, alam mo bang nakakaturnoff daw ang pagkikiss and tell?" sabi ko sa kanya.
"Wow ha! Lalaki ba ko para maturnoff? Bestfriend mo ko. Tsaka anong nakakaturnoff sa kiss and tell. Eh sex ang tinatanong ko. Gagang to." sabi niya pa.
"Ugh. Bakit ba walang filter yang bunganga mo ha?" inis na tanong ko.
"Paki ko? Tayong dalawa lang naman ang magkausap dito." sabi niya. Hinampas-hampas niya ang hita ko saka pa sumiksik lalo sa akin. "Dali na. Magkwento ka na kasi."