8

4.1K 109 9
                                    

Chapter 8

Biyernes nanaman. Ibig sabihin, maagang uuwi ang mga bata ngayon. Kapag Friday kasi ay sinasakop ng grades 4 to 12 ang lahat ng gym at classrooms dahil sa club activities. Kaya ang pre-school hanggang grade 3 ay umuuwi ng alas tres ng hapon.

"Okay class, who wants to read her assignment first?" tanong ko sa mga estudyante ko. Pinagawa ko kasi sila ng assignment kung saan kukuha sila ng picture sa isang magazine o libro at pagkatapos ay sasabihin nila kung bakit yun ang napili nila.

"Me!! Pick me! Pick me!" masiglang sabi ng mga bata. Tumingin ako sa paligid at nakitang lahat sila ay excited magrecite.

"Okay. Bernice, why don't you go first."

"Yeheeey!" bulalas ni Bernice saka na siya tumayo sa gitna ng classroom. "This is a picture of a dog. My mommy said that this is called a Bulldog. I like this picture because the dog is cute and I want to have one for my birthday!" sabi niya sabay ngisi.

"Okay very good! Who's next?" tanong ko. "How about you, Charles?"

Tumayo si Charles saka siya humarap sa mga kaklase niya.

"This is a picture of me and my bike. My kuya gave me this bike and he teaches me every Saturday and Sunday."

"Very good!" masiglang sabi ko. "Next?"

Muling nagtaas ng kamay ang mga bata kaya nagtawag uli ako. Sunud-sunod silang nagbahagi ng mga homework nila hanggang sa may isang bata na lang ang naiwan. Si Lexine.

"Lexine, do you want to share your homework with us?" tanong ko.

Matamlay siyang tumango saka na naglakad papunta sa harap. Pinakita niya ang picture saka humugot ng malalim na hininga.

"This is a picture of a girl and her daddy." she said. "When I grow up, I wish that my daddy and I will finally be with each other because I miss my daddy so much."

"O-okay. Very good, Lexine." sabi ko.

"Thank you, teacher." aniya.

Matamlay siyang naglakad pabalik sa upuan niya saka na lang nagsimulang magdrawing uli. Alam kong nangungulila siya sa ama at nakausap ko na rin naman ang mommy niya. Kaya di ko din naman masisisi ang bata kung gusto niya talagang makilala ang daddy niya. Isa pa, karapatan niya naman yun. Hindi dapat pinagkakait sa kanya ang makilala ang ama niya.

"Oh. Lungkot-lungkutan ka nanaman diyan. Pasan mo nanaman yung mundo?" tanong ni Maqui nang maupo ako sa tabi niya sa faculty room.

"Ha? Hindi naman." sabi ko.

"Teka huhulaan ko ha? Si Lexine nanaman yan no?" aniya. Hindi ako kumibo kaya napabuntong-hininga na lang siya. "Iniisip ko lang bes ha? Bakit parang sa lahat ng estudyante mo, si Lexine ang pinakapinoproblema mo? Anak mo ba siya?" tanong niya.

"Gaga!" sabi ko. "Naaawa ako sa bata eh. Gusto niyang makilala yung tatay niya pero parang di naman nangyayari."

"Ay teka. Inggit ka ba? Kasi siya, typical na anak na nangungulila sa amang lumisan. Tapos ikaw, matigas ka pa sa bato pagdating sa papa mo?"

"Ewan ko sayo. Yung bata ang usapan, ililipat mo saken? Ibang klase ka talaga bes." iiling-iling na sambit ko. Tumayo na ako saka na inayos ang nga papel at itinabi ito sa isang side ng mesa ko. "Ano? Tara na. Nagugutom na ko."

"Teka." sabi niya saka na rin inayos ang mga papel na chinecheck niya.

Lumabas na kami sa faculty room saka na naglakad palabas ng school nang may makita akong bata na nag-iisa sa playground. Nakaupo lang siya sa may sandbox at nakapangalumbaba.

The Story of UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon