Chapter 4
Ang saya panoorin ng mga estudyante habang nagpperform sila para sa mga magulang nila. Lahat ng paghihirap nila at pagod ay napalitan ng saya. Lalo na ang mga estudyante ko sa nursery.
"Bes tawag ka saglit ni Sister Alexis." untag ni Maqui.
"Huh? Bakit daw?" pagtataka ko.
"Ewan ko lang." sagot naman niya. "Pero chillax ka lang. Good mood naman siya eh. Baka may itatanong lang sayo."
Tumango na ako saka naglakad papunta sa office ni Sister Alexis. Kumatok muna ako saka dumungaw sa pinto.
"Come in, Julie." rinig kong sabi niya. Pumasok ako saka ako naglakad palapit at nagmano. "Maupo ka."
"Uhm... Pinatawag niyo daw po ako?" tanong ko.
"Yes. It's about your student. Si Lexine Magalona." umpisa niya. "I heard you had a talk with the child's mom kahapon?"
"Ah. Yes po sister."
"Bakit? Bumabagsak ba ang bata?" tanong niya.
Halata sa mata ni sister ang pag-aalala. Syempre naman. Bilang ikaw ang principal at directress ng school, ayaw mong may mga estudyanteng bumabagsak.
"Hindi po sister. Pero nag-aalala po ako sa bata." sagot ko.
"Bakit?" pagtataka niya.
"Apektado po siya sa nangyayari sa kanila. Alam ko naman sister na parte talaga ng buhay ang problema. Pero naaawa po ako sa bata. Iniisip niya po na kaya wala ang daddy niya ay dahil ayaw nito sa kanya. Iniisip niya po kasi na galit ang daddy niya kaya hindi nila ito kasama. Tsaka sister, apektado din ang bata dahil sa madalas na pag-aaway ng mommy at ng tito niya. Kaya po nag-aalala ako kasi baka kapag nagpatuloy ang pag-iisip niya ng ganun ay baka bumaba ang grades niya. Matalino pa naman po siya."
Napabuntong-hininga si sister habang marahan na tumatango.
"So? Anong sabi ng mom niya sayo?"
"I learned na kaya po pala wala siyang daddy kasi po si Ms. Magalona nabuntis lang nung boyfriend niya. Eh ayaw po ni Ms. Magalona na magkaroon ng sagabal sa pag-aaral ng boyfriend niya kaya po yun. Nakipaghiwalay siya even before pa lumaki yung tyan niya."
"That's sad to hear. Anyway, atleast you told her about Lexine's performance in school."
"Yes. Nagpapasalamat nga po sa akin si Ms. Magalona dahil po dun." sabi ko. Sister Alexis smiled and held my hand.
"You're a good teacher. Salamat dahil may mga kagaya mong sobra-sobra ang concern sa mga estudyante nila." ngumiti ako sa kanya saka na nagpaalam.
"Thank you po sister." sabi ko.
Paglabas ng office niya ay bumalik na ako sa auditorium. Mga kinder students na ang nagpeperform. Sayang. Hindi ko man lang natapos ang performance ng mga estudyante ko. Pati ang ballet students ng nursery.
"Ansabe ni sister?" tanong ni Maqui.
"Wala. Kinamusta niya lang yung tungkol sa pag-uusap namin ni Ms. Magalona kahapon." sagot ko.
"Ah. Sabi sayo good mood yan si sister eh. Tsaka di ka papagalitan nun. Isa ka sa favorite nun eh." sabi niya.
"Psh. Hindi ah." sabi ko naman.
"Onga pala. May pogi akong nakita kanina." sabi niya.
"Huh? Ikaw talaga basta lalaki ang bilis ng mata mo eno? May jowa ka diba?"
"Gaga! Jowa ka diyan?! Imbento ka minsan eno? Sarap mong gulpihin eh. Tsaka hindi kami bagay nung poging nakita ko. Kaya ko lang sinasabi sayo kasi parang bagay kayo. Feeling ko nga pwede na kong matchmaker eh." proud na sabi niya. Umirap naman ako at natawa siya. "Psh. Oo na. Pinapantasya mo pa din yung nakaano sayo. Eh paano yan di mo naman alam number niya? Runaway virgin ka din eno?" asar niya.
![](https://img.wattpad.com/cover/28085180-288-k39785.jpg)