24

4.8K 99 3
                                    

Chapter 24

Bukas na ang araw ng kasal ng kuya ni Maqui. Abala na kami dito sa condotel na tutulugan namin dahil sa paggawa ng mga table numbers at bouquets. Kanina, kinuha na namin ni Maqui yung mga bulaklak pagkatapos namin sa school.

"Maq, ribbon." sabi ko habang hinahawakan ang mga bungkos ng pinagsama-samang dandelions at daisies.

"Oh." aniya sabay abot ng ginupit na ribbon. "Bes, paabot nga yang gunting. Iccut ko lang tong sa number." utos niya naman.

"Ito oh." sabi ko.

"Uhm, Maqui yung sa souvenirs ba okay na yun?" tanong ng kuya niya.

"Itatali na lang yung tags, kuya. Wag kang magulo nagcoconcentrate ako maggupit!" saway niya sa kapatid.

"Nagtanong lang!" ani Kuya Earl.

"Bawal magtanong!" sabi naman ni Maqui habang abala sa paggupit.

"Bwiset na to. Diyan na nga kayo. Julie, yang bestfriend mo ha?"

"Ako bahala sa kapatid mo, kuya. Magrelax ka lang diyan at baka pumanget ka sa kasal mo bukas. Hahahaha."

"Bes, panget na yan. Wala ng mapaglalagyan." sabi saken ni Maqui.

"Hoy narinig kita!" sabi ni Kuya Earl na nasa labas na ng kwarto namin.

"Pikon! Pikon! Pikon!" asar naman ni Maqui sa kanya. Tumawa na lang ako at nagpatuloy na sa paggawa ng mga bouquet.

"May future pala tong si Julie eh." sabi ng bestfriend ng hipag ni Maqui na si Charm.

"Charm, may future talaga yan. Laki nga eh. Hahahahahaha." ani Maqui.

"Gaga!" sabi ko naman sabay bato sa kanya ng ginupit na stem ng bulaklak. "Bunganga mo ha!"

"Utak mo please! Sinabi ko bang yang boobs mo ha?! Lumooooot!"

"Mukha mo! Palusot ka pa!" sabi ko. Tawa lang naman ang ginawa ni Charm.

"Julie, yung boyfriend mo hindi ba kasama bukas?" tanong ng pinsan ni Maqui.

"Hoy, Victoria. Anong boyfriend?! Walang jowa yan. Hilaw pa. Magtigil ka nga!" ani Maqui.

"Sus. Inggit ka lang eh. Kasi bukas invited si Gino tapos di ka nanaman papansinin." asar sa kanya ng pinsan. Namula si Maqui at nanahimik na lang.

"Pupunta bukas si Gino?!" tanong ko sa kanya.

"Oo, Jules." sagot ni Vic. "Nakasama siya ni Kuya Earl sa gig nila dati diba? Dun sa open photoshoot. Ayun. Naging tropa kaya invited."

"Ayiie! Maq, magbabalik na ba ang tunay na pag-ibig?" asar ko habang sinusundot pa ang tagiliran niya.

"Julie Anne tantanan mo nga ako! Paano magbabalik eh naudlot nga." aniya.

"Oh. Edi matutuloy na ang naudlot na pag-ibig. Ayiiie. Bes kinikilig ka. Wag mo na kimkimin masakit sa panga yan! Hahahaha."

"Ayiie si Maqui, balik Gino! Hahaha." gatong pa ni Vic.

"Sino si Gino?" tanong naman ni Charm.

"Si Gino yung blockmate namin sa college ni Maqui sa ibang minor subjects. Saan nga yun, bes?"

"Humanities at Consti." sagot ni Maqui na kunyaring walang paki sa usapan.

"Oh yun. Dun nga tapos yung si Gino kasi medyo machics yun nun eh. Basta gets? Gwapo kasi tapos matalino pa. Habulin talaga ng babae. Eh itong si Maq, may HD sa kanya pero di siya yung nagkakandarapa ganun. Pademure lang si Maqui nun. Tas hanggang sa naging sila yung partners sa Case study namin sa Consti. Tapos lagi silang magkasama kasi nga ginagawa yung final requirements tapos hanggang sa itong si Gino, lagi na nagpapapansin kay Maq mga ganun. Until one day, umamin si Gino na gusto niya si Maqui. Eh itong gagang to, natakot ata dahil nga kilala si Gino na babaero tapos lahat ng babae pinapaiyak. Kaya ayun! Basted de kalimot." kwento ko.

The Story of UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon