34

7.6K 106 12
                                    

WARNING: SPG 🙈

----------------------------------------------

Chapter 34

Nasa Manila na uli kami. Mula nung Sabado ay di ako masyadong kinikibo ni Elmo. Ewan ko anong pinuputok ng butchi niya basta di niya ko kinikibo. Bahala siya diyan. Malaki naman na siya.

"A-Ate! B-birthday na bukas ni Harry!" sabi sa akin ni Harry gabi ng Martes.

"Oo nga eh. Anong wish mo sa birthday mo?" tanong ko.

"Laruan! Robot!" aniya.

"Sige. Bibili tayo bukas ha? Tsaka cake gusto mo?" pumalakpak naman siya at saka pa tumango.

"Yehey!!! Thank you a-ate!" sabi niya.

Pagkatapos nun ay pinatulog ko na siya. Masyado nanaman kasing hyper dahil sa mga pasalubong namin ni Maqui sa kanya kaya ayan.

Humiga na rin ako sa kama matapos kong maligo at magbihis. Nakakapagod ang byahe. Hinatid ako ni Elmo pero nakakapagod pa rin. Idagdag mo pa na hindi niya ko kinikibo? Hay. Ewan ko ba dun. Tinignan ko ang phone ko, nagbabakasakaling may mababasang text galing sa kanya pero wala. Nubayan! Tampururot pa din.

"Ang drama naman ng gwapong to." sabi ko saka na naisipang magtext.

Me:

Galit ka pa din ba? Uy, sorry na. 😞

Halos isang oras bago ako nakatanggap ng reply sa kanya. Grabe naman to magalit! Kabog!

Elmo:

Hindi ako galit. Matulog ka na, Julie Anne.

Me:

Julie Anne? I missed you calling me baby. Nasanay na siguro ako. 😞 Sige. Good night, Moe. I'm sorry kung ano man yung nagawa ko.

Elmo:

I'm just tired, baby. See you tomorrow. It's Harry's birthday na. I still love you don't worry. Good night.

"I still love you tapos galit? Namo din eno?" sabi ko bago naisipang matulog. Fine Elmo. Kung yan ang gusto mo edi go.

Nagising ako kinabukasan dahil sa mga sigaw ni Harry. Hay. Okay naman sanang magsisigaw kung di lang ako medyo nabadtrip kay Elmo kagabi. Nako! Wag na nga isipin. Birthday ng kapatid ko ngayon. Kailangan ko pang magpunta sa palengke para sa mga handa niya.

"Yehey!! A-aalis si Harry!" narinig kong sabi ni Harry.

Napakunot ako ng noo. Bakit siya aalis? San lakad? Binuksan ko ang kwarto ko at nagulat nang makita sina Ninang Maricar at Harry na bihis na bihis. Pagkakita nila sa akin ay nagliwanag lalo ang mukha ni Harry.

"A-ate! L-ligo ka na. Aalis daw tayo!" excited na sabi niya sa akin.

"Aalis? Saan naman tayo pupunta?" pagtataka ko.

"I told you ako ang bahala sa birthday ni Harry. Kaya maligo ka na." nagulat ako nang nagsalita si Elmo galing sa may pinto. Andito siya sa bahay? Hindi siya ngumiti sa akin. Tagos lang ang mga titig niya kaya nag-iwas na lang ako. Ganito pala ang feeling kapag magkaaway kayo ng taong gusto mo no? Sakit pala.

Para akong robot na nagtungo sa banyo at naligo. Pagkatapos ay nagbihis na ko at nag-ayos ng sarili. Kailangan magbati na kami ni Elmo ngayon. Mukha kayang tanga kung di kami mag-uusap. Nakakahiya kay ninang.

"You ready?" tanong niya kay Harry nang makalabas na ko ng bahay. Tumango naman ang kapatid ko saka na niya ito pinagbuksan ng pinto. "Alright! Happy Birthday, Harry!" bulalas ni Elmo nang makasakay na sina ninang sa pick-up niya.

The Story of UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon