Chapter 20
Pagod na pagod akong nilapag ang mga gamit ko sa table dito sa faculty room. Ngayong araw kasi ay last day na ng 4th quarter exams ng mga 4th year highschool students. Last week ay ang grade 6 students naman ang nag-exam. Next week naman ang simula ng exams ng mga lower years.
"Ayoko na." buntong-hininga ko sabay tingin sa isang nakangiting si Maqui.
"Arte mo bes ha? Di ka ba naeexcite? After next week graduation na lang ng mga bata ang aasikasuhin natin!"
"Maq, pagod na pagod na ko." sabi ko pa.
"Ulol mo. Nag-iinarte ka lang dahil isang linggo na kayong di nagkikita ng jowa mong hilaw. Asan na ba kasi yun? Naabduct na ng aliens?"
"Gaga. Nasa Malaysia sila ng mga teammates niya kasi may race daw sila dun." sagot ko.
Last week kasi ay nagpaalam siya sa akin na may laban daw sila sa Malaysia. Simula kasi nang mapasama siya sa drag racing team ng Pilipinas ay mas naging aktibo na siya sa ganitong gawain. Tsaka kung kani-kaninong mga bigating racer na rin sila nakikipaglaban at ngayon nga ang una nilang laban sa labas ng bansa.
"Eh kailan ba balik nila?" tanong ni Maqui.
Naglalakad na kami paakyat sa mga classroom ng mga bata.
"Mamayang gabi. Samahan mo ko? Susunduin ko siya sa airport."
"Ay. Wag na bes. Sayang moment niyo. Sabihin mo nanaman saken na kontrabida ako." sagot niya. Umirap na lang ako saka na lang nagsimulang magcheck ng mga papel kung tama nga ba ang nadala kong exam. "May tanong ako."
"Ano?"
"Hindi mo pa ba siya sinasagot? Kasi parang kayo na kung umasta kayo pag magkasama eh."
"Hindi pa. Hindi pa ko sigurado sa nararamdaman ko."
"Antaray naman! Hindi ka pa sure sa lagay na yan ha?" sarcastic na sabi niya. "Di daw sure pero clingy naman. Gaga din to eh." bulong niya pa.
"Ansabe mo?" tanong ko.
"Wala. Sabi ko ang ganda mo. Mana ka saken." irap niya saka na huminto sa tapat ng classroom ng St. Veronica kung saan siya ang proctor. "Dito na ko. Saan ka?"
"St. Catherine ako assigned eh." sabi ko. Tumango siya kaya naman nagdiretso na ako sa kabilang side ng building kung nasaan ang classroom ng St. Catherine.
"Good morning, Ms. San Jose. Benedicite." sabay-sabay na bati ng mga bata.
"Good morning class. Okay, put everything in front except for your ballpens." utos ko sa kanila. Dahil last day na nga ng exams, Advanced Algebra at English ang magiging exams nila.
"Miss, can we use pencils for the computation?" tanong ng isang estudyante.
"Yes you may but final answers should be in ink. No erasures on the answer sheet. You have separate scratch papers for the solutions. Ang also, box your final answers in the scratch paper because your solutions will be checked too." sabi ko. Nagsiupo na silang lahat matapos mailagay lahat ng bag at reviewers nila sa harapan ng classroom. Sinimulan ko na rin idistribute ang test papers at pagkalipas ng limang minuto ay pinagsimula na sila.
Tahimik sa buong highschool building. Tanging mga yapak lang naming proctors at ang paglipas ng oras ang maririnig. Paminsan-minsa'y may lalapit na estudyante upang magtanong tungkol sa naulit na choices o kaya naman sa medyo malabong pagkakaprint ng mga questionnaires.
"Last 15 minutes." sabi ko pagtingin ko sa timer na nakalagay sa teacher's table. Maririnig ang mga buntong-hininga ng mga bata at ang dali-daling pagssolve sa papel.