WARNING: SPG🙈
----------------------------------------------
Chapter 16
Ang sarap-sarap namang matulog. Ang lambot-lambot ng kama tapos ang lamig pa tapos ang daming unan tapos... Teka. Bakit parang may matigas tapos mainit? Unti-unti akong dumilat at bigla namang nanlaki ang mata ko. Fuck. Bakit naman andito tong si Adonis ay este si Elmo? Shit. Hindi kaya... Agad kong chineck kung nakadamit pa ko. Okay. Meron pa. Wooh! Walang nangyari kagabi. Sure na yan. Pero bakit siya andito? Tsaka asan nga uli kami? Nagulat pa ko nang biglang magring ang phone ko.
"H-Hello?"
"JULIE ANNE! NASAAN KANG BABAE KA HA? KANINA PA KO TAWAG NANG TAWAG SAYO. SI NINANG MARICAR NAG-AALALA NA DAHIL WALA KA DAW SA INYO. ASAN KANG BABAE KA? KAPAG DI KA NAGSALITA IPAPASEARCH AND RESCUE NA KITA SA AIRFORCE, NAVY AT ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES!!! HINDI KA MAGSASALITA HA?! HA?!"
"Maq, paano naman ako makakasagot kung dire-diretso ka kakadakdak diyan?"
"Aba at nanisi ka pa ha? Asan ka ba kasi ha?"
Sumilip ako sa bintana at walang nakita kundi puro puno at bundok. Ah. Oo nga pala. Nasa Tagaytay nga pala kami.
"Andito ako sa Tagaytay." tipid na sagot ko.
"Tagaytay? Anong ginagawa mo diyan? Don't tell me, sleepwalker ka! Nako bes ha? Tigilan mo ko sa mga ganyang sakit mo!" aniya.
"Gaga hindi!" sabi ko. "Tsaka wag kang masyadong magsisigaw Maq kasi tulog pa si Elmo. Tumatagos sa phone ko yang boses mo."
"Eh paki ko kung tulog si Elmo... Teka. Si Elmo? Julie Anne kasama mo si Elmo?! I kennot with you!!! Nagtanan na ba kayo?! Sabi mo saken wala kang balak magkajowa tapos nakipagtanan ka sa lalaking yan?! Siguro kaya kunyare tume-Temple Run ka kasi para linlangin kaming lahat no! Siguro planado niyo na talaga to simula nung una. Siguro naghanap ka lang ng magandang pagkakataon para magtanan kayo. Siguro buntis ka no?!"
"Maqui ang OA mo!!!" di ko mapigilang di sumigaw. Pano kasi, tila nanaman siya machine gun na walang tigil kakaratrat saken ng sermon. Napalingon ako sa kama at nakitang gumalaw na si Elmo at unti-unti nang nagmumulat ng mata. "Ayan. Nagising na si Elmo."
"Oh anong gusto mong gawin ko ha? Pamisa? Hoy bes, ipapaalala ko lang na wala pang isang linggo ang lumipas mula nung nanligaw yan ha? Reminders lang po, dearest bestfriend na hindi basta-bastang sumasama sa mga ganyan ha? Di mo pa lubos na alam likaw ng bituka niyan tapos sama ka nang sama. Siguro nung bata ka hindi ka nangingilala no? Bwiset. Umuwi ka na! Anong oras na oh. Kawawa yung mga estudyante mo!" sabi niya. "At hoy! I deserve an explanation ha? I deserve an acceptable reason!" pahabol niya bago tuluyang tinapos ang tawag.
"Hey. Good morning." ani Elmo. Lumingon ako sa kanya saka ko siya nakitang nakangiti.
"May nangyari ba saten kagabi?" tanong ko.
"Huh? As far as I can remember wala naman. You were just crying all night kaya you told me not to go away. Tapos yun. Nakatulog ka kakaiyak and nakatulog naman ako kakanuod sayo matulog." sagot niya.
Naalala ko na. Kaya ako nasa Tagaytay dahil tinawagan ko siya kagabi at nagpasundo ako sa kanya. Naiintindihan ko kung bakit ganun yung sinabi ni Maqui kanina. Alam ko naman na hindi ko pa naman talaga kilala si Elmo. Pero wala naman na kong ibang matatawagan eh. Ayoko naman kay Maq dahil masyado nang marami ang iniyak ko sa kanya kahapon. At kilala siya ng lalaking yun kaya may posibilidad na kapag nanghingi ng tulong si ninang eh dun sila kanila Maqui magpunta. Kaya si Elmo ang tinawagan ko. Dahil wala pang may kilala sa kanya maliban kay Maqui. At alam kong hindi magsasabi agad si Maqui kahit na anong mangyari.
![](https://img.wattpad.com/cover/28085180-288-k39785.jpg)