Chapter Thirty Two

30 1 0
                                    

That hurts.

Paolo's P. O. V.

Hoy.. Ano itong naabutan ko? Ang sakit naman nun pero teka bakit nandito pati si Rellane? Bakit nandito kaming tatlo? Napatigil ako sa paglalakad nang nakita kong nakayuko si Geovy. Narinig ko lahat pero parang napaurong din ang lakad ko.

Napatingin sakin si Sensui at binangga ako sa may balikat ng mahina.  Si Rellane nakafocus lang kay Geovy at ako sinundan ko si Sensui palabas ng court.  "Bakit ka nandito? " yun talaga ang tanong ko kahit kakarinig ko lang ng rejection ni Geovy sa kanya.

"She called me and said it was serious,  take care of her..  If you lose her again..  Someone might take her away..  She is the most hardworking woman that I know and most loving too especially on her friends." sabi ni Sensui bago umalis at sumakay sa motor niya.

Seryosong usapan daw..  Seryoso nga..  Pero bakit damay ako?  Kakakita lang ulit namin?  Paolo, for the first time kinabahan ka bukod sa school work. Kinakausap ko sarili ko sa may gate at napansin ko bigla.. Ito yung pinuntahan namin dati ni Rellane.

Rellane's P. O. V.

That was so.... Sad.  The tension was very intense. Okay nag english na naman ako hahaha ang intense nung pagreject ha pero ang cute talaga ni Geovy pag sincere napapaiyak eh hahaha.  Binigyan ko ng panyo si Geovy ng napansin ko parang pamilyar din ang suot niya. 

"Parang nakita ko na yang suot mo? "sabi ko na ikinangiti naman niya pagkatapos niyang punasan ang pisngi niya.

"Ah oo" naglakad siya papunta sa bola na nasa upuan.  "Yang bola! " sabi ko nung naalala ko na dito kami unang nagkita ulit ni Paolo at friends na lang  talaga..

"Bakit mo ko pinatawag dito? " tanong ko tapos lumapit sa kanya at napangiti siya.

"Anong oras na ba? " tanong niya sakin.
"hmm 2:50 pm na.." sabi ko.
"Bakit mo natanong? " tanong ko sa kanya kahit narinig ko din kanina na may pumasok pang isang tao.

Mukhang hindi siya papasok hanggat nandito ako. "Pinapunta ko kayong tatlo dito kasi may gusto akong ilinaw sa inyo ng one on one" sabi niya habang nakangiti na.

Okay..  Di kaya mag coconfess siya sakin?  Hala very wrong nasa labas lang si Paolo.

Geovy's P.O.V.

Kita sa mukha ni Rellane na naguguluhan siya.  Ang cute naman hahaha ang sasabihin ko lang naman sa kanya yung mga bagay sa tingin kong hindi niya alam tungkol sakin.

"Unang una, madaming pagkakaiba ang gender, tulad ng boyish girl na tulad ko,  girlish boy na tulad ni Paolo saka bakla at tomboy pati iba pa..." tumango siyang nakikinig

"Pangalawa, May sarili kang kwento kaya wag ka ng mangungulit o gawin yung lumalapit ka sa mukha ko. Respeto sa the one mo" sabi ko at napapout siya. Aapila pa sana siya "Per-"

"Pangatlo,  Hindi ko nababasa ang isip mo pero ang kilos mo napapansin ko.  Kung may problema o trip ka kailangan ipaalam mo muna sakin..  Bakit pa tayo naging magkaibigan? " tanong ko sa kanya na ikinatawa niya

"Ouch naman, hahaha meron pa ba? " sabi niya ng sarcastic

"Pang apat,  alam naman nating dalawa ang totoo..  Hindi ka naaakit talaga sa babae." Napangiti siya at lumapit na sakin. Tumigil na ako sa pagsasalita.

"Panglima,  Alam mo na din ito Geovy.. Wag magsalita ng tapos" Nagwink siya sakin tapos napatawa kami parehas.

Gets ko ang wink na iyon at oo alam kong siya ang nasa labas. "Tara libre kita ng Ice cream" Aya ni Rellane.

"Wag na may hinihintay pa ako..  Salamat kanina at sa pakikinig" Ngiti kong sabi bago siya tumalikod sakin at naglakad na paalis.

Nakakuba ang lakad niya na para bang malungkot pero hindi ko sigurado kung totoo dahil hindi ko naaninag ang mukha niya.

Ms.Bakla Meets Mr.TomboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon