Chapter Fourteen

82 5 0
                                    

Someone Entered Our Lives

Writer's note:

May mga tao talagang dumadating na lang sa buhay natin kahit ayaw natin, kahit hindi pa tayo handa, kahit bata pa tayo pero ang mahalaga sa bawat hakbang na ating gagawin gusto ko lagi niyong tatandaan na ang buhay ng tao ay limitado lamang. Dapat lagi tayo gumagawa ng tama, magbigay inspiration,sumuporta sa mabuting gawa ng mga tao at magpahalaga kung anong meron tayo.

Madaming estado ng buhay ang nariyan sa atin paligid pero kung aakalain mo na nasa iba ang sagot para maging masaya ka, ikaw ay nagkakamali dahil ang pinakamasayang estado ay matutunan mong magmahal ng iyong sarili at mahalin saka ingatan ang mga taong lagi nasa iyong tabi,

Ang storyang ito ay ginawa ko para magbigay ng aral sa inyo na bawat tao ay may dahilan sa buhay niyo. Meron ka lamang isang buhay, para alamin kung ano ang tunay na halaga mo sa mundo. Wag ka sana manglait ng kapwa tao sapagkat ang paglalait ay walang magandang idudulot sa iyong sarili at sa ibang tao.

Kung may ayaw sa daloy ng kwentong ito, ako po ay nanghihingi ng paumanhin dahil ang kwentong ito ay hango sa totoo kong naranasan at halo ng aking imahinasyon. Kung kaya wag niyo po sana magmasamain at sana tanghilikin ang aking gawang kwento.

Ms.Bakla Meets Mr.TomboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon