Chapter Seven

102 5 0
                                    

Something is weird

Geo's P.O.V.

May nagbago bigla sa kilos ni siopao. Yung dating matining na boses nagiging normal voice na lang.

Ang hirap na asarin siyang bakla dahil hindi siya kumikilos bakla.. Sa halip nagiging parang clown siya.

I suddenly remembered Gabri's story.. She falls in love because of humor and some words. Should i step back or stop seeing him since he is acting weird?

Hindi ko maintindihan ang kilos niya ngayon lalo na nung pumunta kami sa favorite place na kainan namin ng pancit bihon. Paborito ni siopao yun..

Umupo kami at nakaharap ako sa kanya. "Alam mo kaya ayoko magkagirlfriend kasi ako halos ang nanglilibre." sabi niya at napatawa siya.

"Hoy kung may pera lang ako ililibre kita lagi pero alam mo din namang may mga kapatid ako at ako yung panganay" tawa ko pabalik.

Hindi naman sa hindi ko siya linilibre pero kasi mahilig siya magyaya kumain sa labas kaya ganyan. Yung medyo pricey pa..

Kaya ayan ang repay ko na lang sa kanya its either keychain or something small. Para fair di ba? Mahilig ako sa keychain edi binigyan ko siya nun tapos siya mahilig kumain kaya kumakain kami sa labas.

Habang tumitingin ako sa paligid nagtanong siya "Ikaw ba anong balak mo sa buhay?"

Napatingin naman ako sa kanya at ngumiti "madami"

"Ang tipid mo naman magsalita. Pag nasa college na tayo bibili ako ng kotse tapos hahatid kita dun sa university mo" sabi niya

Tumawa ako kasi Grade 12 na kami nun at isang taon na lang magcocollege kami "Sige ba hahaha pero saan ka ba mag-aaral? Kung malayo sa pag-aaralan ko wag mo na ako ihatid.. Kaya ko na mag-isa." sabi ko na may self confidence sa sarili pero parang mali yung sinabi ko dahil kumunot noo niya pero ngumiti din naman agad.

"Talaga? Tulungan mo na nga lang akong ubusin to" sabi niya sakin at tumango naman ako agad saka kumain.

Laging ganito kasi.. Siya yung madaldal tapos ako yung nakikinig. Alam ko kasi medyo matalas dila ko kaya bihira lang ako magsalita at kung magsalita man ako para protektahan ang sarili ko.

Ayoko bigyang kahulugan lahat ng bagay agad-agad kasi ayokong masaktan katulad ni Gabri na hindi maintindihan kung anong susunod niyang gagawin.

Pero seryoso.. That moment is so weird.

Ms.Bakla Meets Mr.TomboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon