Chapter Sixteen

66 5 0
                                    

Bibitaw ka o bibitaw?



Paolo's P.O.V.

Hindi ko alam kung bakit ko nasabi ang bagay na yun sa harapan niya. Nung mga panahon na kasama ko siya gusto ko makita siyang babaeng babae pero ngayon na babaeng babae siya gusto ko ako lang nakakita. Hindi ko alam kung ano mas masakit.. Yung inaasar ka niyang bakla ka o yung ideya na may magbabago sa dahil sa pangyayaring ito. Hindi ko gusto ito pero wala na akong magagawa kung bibitaw talaga siya. Ang alam ko lang ngayon, nasasaktan ako ng sobra habang nakikita ko siyang umiiyak sa balikat ni Rellane. Simula nung araw na iyon, hindi na namin cinecelebrate ang friendsary namin dahil hindi na namin sigurado kung hanggang matalik na magkaibigan na lang ba kami.





Geovy's P.O.V.

Simula nang araw na iyon, madalas ko ng kasama si Rellane at napag alaman ko na hindi naman daw iyon, malambot dati na pagirl ba..  Hindi ko alam kung may gusto din sakin si Paolo pero hinayaan ko siya mapag-isa at bumalik ako sa dating ako na masiyahin at pilya. Ayoko maging nega sa buong buhay ko no.. Hindi na nga maganda magiging nega pa edi wala na akong maihaharap ganun?

Minabuti kong mag-aral na lang ng maigi at makipagsalamuha sa ibang tao lalo na pag tungkol sa projects para naman hindi nila masabi na snobber ako. Medyo weird kasi nakakasalubong ko ang mga naging kaklase ko dati at hinahanap sakin si Paolo pero nasanay na din ako kasi may point naman sila.. Halos araw-araw kami magkasama noon ni Paolo kahit ako ay nagtataka kung paano namin natitiis ang isa't isa.

Dumating na ang dalawang buwan may bago na akong mga kaibigan kasama doon si Rellane saka siya lumapit sa akin at may dalang box na may Hello Kitty na wrapper na kulay pink at may mga pagkain sa ibabaw nito sa may ribbon nakadikit. Lumapit si Paolo at nilapag yun saka ngumiti sakin at sinabing "Merry Christmas!" napangiti na lang ako ng malawak at sinabi ding "Salamat" hanggang sa inaasar na siya ni Rellane at sinamahan itong maglakad ng palayo sa akin.

Ms.Bakla Meets Mr.TomboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon