Chapter Twenty Two

52 4 0
                                    

His Friends

Paolo's P.O.V.

Laking pasasalamat ko talaga na hindi hinayaan ng mga kaibigan ko na matapos tong araw na ito. Yung mga kaibigan ko may halong lalaki at babae pero syempre ang kaclose ko talaga yung mga babae.

Wala eh medyo aminado din ako na mas magaan talaga loob ko sa mga babae kesa sa kapwa kong barako. Oo, ngayong kakaiba talaga tama ko kay Geovy, Barako na talaga ang tingin ko sa sarili ko.

Bigla ding lumapit samin si Rellane at aba yumakap sa braso ni Geovy. Nako kung hindi lang talaga ito babae hays. Hindi kaya babae na type ni Geovy? Madami pa naman siyang kaibigang babae pati lalaki. Possible kaya?

Natapos ang pag-iisip isip ko nung makikipagbeso na yung mga kaibigan kong babae at muntikan na din makipag beso yung iba na lalaki.

Geovy's P.O.V.

Parang timang lang talaga itong si Siopao.. Bigla ba naman hinarang sarili niya sa harap ng mga kaibigan niyang lalaki para hindi ako makipagbeso. Mag mumukha pa tuloy na may gusto siya sakin. "Ayiieee, mukhang gusto ka pa rin ni Paolo" bulong ng kunsintidora kong kaibigan.

"Hindi pa tayo bati, dapat ikaw na lang nag imbita sakin kung nandito ka din naman pala" sabi ko ng mahina saka tumawa kami parehas at nakatingin lahat sa amin ni Rellane nung nasulyapan ko sila.

Hinawakan ni Rellane ang mukha ko at linapit niya mukha niya. "A-Anong ginagawa mo?" tanong ko.

Rellane's P.O.V.

Sa pagkakakilala ko sa dalawa, parehas silang open sa mga transgender pero di ko sigurado kung straight sila o ganun lang talaga silang dalawa kumilos. Oo, may ginagawa na naman po akong kakaiba hahaha para naman hindi boring. Malay ba natin baka ang ending nito.. Kami pala ni Geovy o kaya ni Paolo.

"A-Anong ginagawa mo?" tanong ni Michy
Napatitig ako sa mukha niya at unti- unti kong nilapit ang mukha ko nung dalawang inches na lang ang pagitan biglang may sumingit na kamay sa gitna naming dalawa.

Yung palad niya nakaharap sa labi ko at napadikit doon ang labi ko saka ko nakita na mariing pumikit si Geovy at sinundan ng tingin ko kung kaninong kamay iyon.

Panlalaki ang kamay na ito, pagtingin ko nagulat ako. Napaatras ako. "Anong ginagawa mo dito?"

Ang nakita ko yung laging umaaligid na lalaki kay Geovy. Ngumisi siya at sinabi. "Susunduin ko lang si Geovy" pagkasabi niya nun napatingin ako kay Geovy na gulat na gulat din sa laki ng mata at halatang nalilito. Hala anong ipapalusot ko dito baka hindi na kami pwede mag kaibigan nito..

"Uhmm, Geovy hehe sa cheeks lang naman kita hahalikan" sabi ko ng palusot saka may humila sa pulsuhan ko dahilan para mapaatras ang lakad ko at mabungo si Paolo.

"Pagpasensyahan mo na si Rellane, Geovy alam mo namang pasaway ito" masamang tingin ang binigay niya sakin.

Ngumiti si Geovy at nagsalita "Wag mo lang uulitin baka totohanin ko hahaha joke, eto nga pala si Sensui. Half japanese at Half filipino kaya ganun pangalan niya"

Nag bow naman si Sensui at umakbay kay Geovy saka sabing "Future Boyfriend niya nga pala, paano ba yan? Una na kami?" Ngumiti siya ng pang asar sakin saka kay Paolo na pinagtataka ko.

Umalis na ang dalawa at binitawan na ni Paolo ang pulsuhan ko saka nagtanong sakin. "Bakit mo ginawa yun?" napangisi ako

"Ayaw mo umamin, edi ako aamin" sabi ko. Na may tunog ng paghahamon.

"Babae si Geovy, Hindi ka niya magugustuhan." sabi niya

"Bakit? Ganun ba ang ka kitid si Geovy na hindi niya kayang tanggapin na gusto ko siya?" nakapameywang pa ako para convincing.

"Bahala ka sa gusto mo" Ngumiti siya ng wagi saka umalis na din kasunod nina Geovy.

Sus, Tuwang tuwa ang mokong. Porket gusto pa din siya ni Geovy at pumayag na sumama sa kanya. Tsk Tsk. Wag ka makampante.

Ms.Bakla Meets Mr.TomboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon