Chapter Fifteen

72 5 0
                                    

Im Confused with him

Geovy's P.O.V.

Ayos na ayos na ako at tumataas na confidence ko sa sarili ko. Para bang sa sobrang taas alam kong magiging successful itong confession na ito. Napatingin ako sa mesa ko at nakita ko ang ginawa kong mga message in a bottle na puno ng paper stars.

Ginagawa ko yung mga iyon nung nagsisimula akong nagkakagusto sa kanya kaya agad ko itong kinuha saka lumabas na ng bahay at nakisabay ako kay Rellane papunta sa birthday party ng Lola ni Paolo.

"R-Rellane.. Paano mo nalaman?" Tinanong ko siya habang nakayukong linalaro ang regalo ko na mga sulat.

Tumawa siya ng mahinhin at sinabing "I know the look of a woman who is falling in love" sabi nito with her calm voice.

"Pero hindi ba.. Girlfriend ka niya?" tanong ko ng pagtataka.

She smiled and said "Ex-girlfriend and now a friend of his"

Napatango na lang ako at tumigil na ang sasakyan saka tinignan ko si Rellane. "A-Ang daming tao dito sa hotel ah?" sabi ko

"Of course.. Lahat ng family and friends ng Lola ni Paolo nandito" sabi niya at lumabas na sa kotse.. She wears a light pink dress and a black high heels.

Pinagbuksan niya ako ng pinto pero nag alinlangan akong lumabas. Hinigpitan ko ang hawak ko sa regalong hawak ko para kay Paolo.
"P-Pwede bang h-hindi na ako pumunta at wag ko na ito ibigay?" sabi ko na halatang may kaba sa boses ko.

Hinila niya ako palabas ng kotse at pumasok na kami sa hotel. Lahat ng mata nasa amin at laking gulat ko na lang na lumapit si Rellane sa kahawig ni Paolo at si Paolo hindi ko naman makita.

Tumingin-tingin ako sa paligid at lumapit kina Rellane dahil baka nandoon si Paolo pero mali ako ng akala kaya napatingin ako sa kabilang direksiyon. Nagkatinginan kami ni Paolo pero bigla siyang tumakbo kaya ko siya hinabol ng hinabol habang lumuluha ang mata ko.

Nang halos wala na siyang matakbuhan sa gilid, lalagpasan niya sana ako ng parang walang nangyari. Ang bigat ng dibdib ko nung hinawakan ko ang kanyang braso saka tinititigan ko ang kanyang mata.

Yung mata niya ay naguguluhan tila hindi niya alam na magsasabi ako ng aking nararamdaman pero bago ko mabigay ang anking munting regalo bigla siyang nagsalita.

"Bibitaw ka ba o Bibitaw?" sabi niya na walang emosyon kaya napatulo na lang ang aking luha.

Hindi ko magawang manatili doon kaya lumabas ako at sinundan naman ako ni Rellane para patahanin.

"R-Rellane, pabigay na lang nito sa k-kanya, uuwi na ako" sabi ko pagkatapos ibuhos ang aking iyak kahit na nararamdaman ko ang titig ni Paolo.

Tahimik ako umalis sa hotel na yun at hindi ko na siya ginambala pa.

Ms.Bakla Meets Mr.TomboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon