Chapter Fifty

21 0 0
                                    

Geovy's P. O. V.

Dito lang kami sa malapit at kung lalayo kami baka hindi kami makaabot sa flight pauwi.

"Uuwi ka ba sa Pinas? " tanong ni Rellane kay Sensui.

"Soon" sabi nito

Umupo na kami dito sa seven eleven magkakasama kaming apat na kumain ng riceballs at strawberry milk.

"Paolo okay ka lang? " tanong ko kasi naka kunot ang noo nito
"Medyo, may problema kasi sa thesis namin, sakto uuwi na tayo" sabi nito

Nasa eroplano na kami pero nakatutok pa din si Paolo sa cellphone niya.

Kaya nanahimik na lang ako umupo sa tabi ng pwesto niya habang sa harap ay si Rellane. Sana thesis nga lang medyo kinukutuban kasi ako.

Hindi kami gaano clingy sa isa't isa kaya iniisip ko baka sa iba niya makita yun.  Sana mali hinala ko.

Matutulog na lang ako dahil bago pa ako magtanong kung kamusta thesis nila, nauna na siyang matulog.

Rellane's P. O. V.

I am so happy na i met him here but also sad kasi we will uwi na. I don't know how many weeks or months before he go back to our beloved country.

I will wait for him.

Paolo's P. O. V.

Medyo patapos na ako sa thesis namin, hindi ko na sinabi kay Geovy kasi baka wala naman siyang pakielam. Lagi ko nakakausap mga thesis mates ko pero dahil lang yun sa mga chapters na kailangan irevise.

Sige na nga aamin na ako may nangungulit sakin pero kay Geography pa rin ako kahit di ko talaga sigurado kung kami na. Kailangan ko bang tanungin ng will you be my girlfriend?

Nananaginip akong napangiti dahil nakarinig ako ng "oo sinasagot na kita" sa panaginip ko at si Geovy nagsabi. Kinikilig ako, sana totoo pag dilat ko at tingin sa kanya naka pikit naman siya.

Geovy's P. O. V.

Napagising ako at tulog pa rin siya habang nakakunot noo. Napansin ko na naman ang mahaba niyang pilikmata at mapupulang labi. Naisip ko paano kaya kung may kaagaw ako sa kanya? Magpapaagaw ba siya o ako lang mamahalin niya? Lumapit ako sa may bandang tenga niya at binulong ko ang mga salitang takot ako sabihin kasi baka sa una lang siya magaling. "oo sinasagot na kita" napangiti ako sa pwesto ko kasi kita sa labi niya ang pagporma ng isang ngiti tapos gumalaw siya dahilan para mataranta ako at natulog ng kunwari.

Tama ako.. Narinig niya pero pinikit ko lang talaga mata ko dahil nakakahiya ang ginawa ko. Kahit na totoo yun, bihira lang ako umamin sa lalaki kasi unang beses ko pa lang ito naramdaman.

Ramdam ko ang titig niya at bumulong siya "sana totoo yung nasa panaginip ko,  sinabi mo ng sinasagot mo ko, mahal kita Geography" sabay pitik ng mahina sa ilong ko.

Naramdaman ko naman ang pag alis niya sa upuan kaya dahan dahan ko ding binuksan ang mata ko at agad na kinuha ang salamin ko at tumingin doon. Buti na lang di ako nagblush pero ang bilis ng tibok ng puso ko.
Pag tingin ko kay Rellane nakatingin din siya sakin kaya napatawa siya at sabing "tulog tulogan ka pa dapat pala kayong dalawa na lang ang umuwi para may kiss na" sabi nito

"baliw walang mangyayaring ganun" sabi ko
"sus di mo alam ang lalaki kaya wag ka matulog para magkaalaman na, ang sweet niyo pala pag magkasama" sabi nito
"dati pa kaya" dagdag ko
"puro bangayan lang kayo dati o away ngayon lumilinaw na,  congrats" sabi nito

Ms.Bakla Meets Mr.TomboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon