Chapter Seventeen

71 4 0
                                    

Will I be happy?

Geovy's P.O.V.

Nung binigay niya sakin ang kahon na yun hindi ko alam kung matutuwa ako o magagalit kasi dire-diretso lang niya inabot yung regalo niya samantalang ako, hinanap at hinabol pa siya. Nakaalis na si Paolo at napatingin naman sakin si Rellane. "Hindi mo yan bubuksan?" tanong niya.

"Mamaya na sa bahay ko na bubuksan" sabi ko at itatago ko na sana sa bag pero mabilis ang kamay ni Rellane at kinuha ang kahon na yun at binuksan. Puro pagkain na strawberry flavored, medyo natuwa ako kasi paborito ko yun pero may sulat din na agad ko kinuha bago pa ako unahan ni Rellane.

"Uy sulat! ang sweet ah.. pwede ko bang mabasa?" tanong niya pero nginitian ko lang siya at sinabing "Read alone ang nakalagay sis" sabi ko sa kanya at linabas ang dila ko. 

Napatitig na lang ako sa sulat na ito bago ko linagay sa bag ko at magsidatingan ang iba ko pang mga kaibigan. Binigyan ko sila ng cupcake at inuwi ang ibang strawberry flavored foods kasi akin naman talaga yun binigay.

Agad akong umuwi sa aking bahay para basahin ang sulat na kanyang ginawa.

To: GEOgraphy

In this moment I am going to tell you about something. I want to tell you that I've been always happy with our friendship before and those experiences are all ended. I accepted the fact that you love me as your friend and i love you too for that. I didn't know that I'm falling in love with you but instead of telling it, i choose not to while you in other hand expresses it freely which i didn't reply back. I didn't respond to you because you keep asking me if I'm gay "Pao Bakla ka ba?". It hurts me most and i left your life not because i wanted to but because of the situation that we are in.

Friendship is the most i wanted in a relationship status.Sorry, If I leave you don't worry there will be always a second chance for you in my heart. Don't let this chance go to waste okay?

-SioPAO

Nung binasa ko ang sulat niya, hindi ko alam kung friendzoned ako,kung umaamin siya, kung nagsosorry o ayaw niya lang ako mawala kaya may second chance? Pagkatapos ko mabasa yun, hindi ko alam ang gagawin sa sinabi niyang chance. Nagsisimula na kasi akong mabuhay ng sarili ko na lang at bagong kaibigan ko ang nasa paligid ko. Hindi ko alam kung paano ibabalik sa dati kahit na sabihin nating gusto niya makipag-ayos. 

Halos isang taon din kaming hindi nagkikibuan ni Paolo. Hindi ko rin alam kung saan patungo itong love story na ito. Hindi ko alam kung kami ang bida o katulad sa isang kanta na "Pinagtagpo pero hindi itinadhana". Madaming katanungan pero mahirap sagutan, animo'y mahirap pa sa math.

"Geovy Michelle Flores, gusto ko maging matatag ka pa lalo kaya mo ito". Sinabi ko yun sa aking sarili, sa harapan ng salamin. Agad na din akong gumawa ng mga gawaing bahay pag katapos para makalimutan ang kadramahan sa sarili kong buhay.

Ms.Bakla Meets Mr.TomboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon