Im sorry.
Paolo's P.O.V.
Hindi ko maintindihan sarili ko.. Nung kasama ko siya natutuwa ako ng sobra, nung nakita ko mas close na siya sa ibaang tao parang nagagalit ako. Hindi ko maintindihan kung bakit ganito ang nararamdaman ko at bakit parang mahalaga itong gusto niya ibigay sakin.
Siguro nga mahalaga kasi nakita ko din siya umiyak na para bang nabroken hearted siya.. Hindi kaya?
Agad-agad akong umuwi para makita kung anong laman ng kahon na ito. Pagkaupo ko sa aking higaan nakita ko ang isang bote na may mga parang capsules.
Hindi kaya may mga mensahe sa loob nito? Hindi naman siguro ganun ka cheesy yung Geovy na yun.. Linagay ko sa table kung saan nag-aaral ako.
Tinititigan ko ito ng matagal dahil kung hindi yan naglalaman ng sulat bakit iyon iiyak? Mahilig pa naman yun gumawa ng sulat.
Dahan-dahan kong kinuha ang kahon at doon linagay yung mga capsules na maliliit saka ito isa isang binuksan.
Napasubsob na lang ako sa mesa ko, nung naiintindihan ko na kung bakit parang weird o may spark na ang paligid naming dalawa.
Hindi ko alam sasabihin ko pagkatapos nito kundi "Im sorry, pinaiyak kita Geovy... Parehas pala tayo ng nararamdaman" napatingin na lang ako sa mga binigay niya at napabuntong hininga.
Hindi pa rin ako sigurado kung kaya ko ilevel up ang meron kami. Baka mawala lang siya sa buhay ko at ayoko mangyari yun. Masyado na siyang especial para sakin.
Didistansya na lang muna siguro ako para mas lalo ko maintindihan itong nararamdaman ko at kung talagang sa kanya lang ako sasaya.. Gagawa ako ng paraan para ipadama sa kanya kahit na alam nating lahat na nasaktan ko na siya.
Yung ginawa niyang sulat, yun ng pinaka sincere na nabasa ko at pinaka selfless dahil gusto lang niya maging masaya ako kahit hindi na siya ang dahilan.
Kailan ba natin malalaman kung siya ang para satin? Naguguluhan na ako sa sarili ko pero ayoko naman magbigay agad ng motibo dahil hindi ako sigurado.
Kaya imbes na lapitan ko siya, simula nung insidenteng yun.. Iniwasan ko siya para sa aming dalawa, para sa sarili ko dahil hindi ko alam na mahuhulog ako sa ginawa ko.
Araw-araw nakakasalubong ko siya pero hindi na siya akin nakatingin at tumatawa. Napapalibutan na din siya ng mga bago niyang kaibigan na masasabi kong naaasar ako at natutuwa para sa kanya. Hindi lang isa ang lalaki na kaibigan niya kundi dalawa at minsan apat pa ang kasama nila dahil tatlo din ang bagong kaibigan niyang babae.
Laking gulat ko lang talaga na nagbago siya bigla, pero wala akong magagawa ako ng nakasakit ng tao kaya nagbago. Hindi ko alam ang nangyayari pero sa tuwing nasa canteen ako lumilingon lingon ako sa paligid para lang makita siya at marinig ang kanyang tawa.
Yung tawa niya ang nagpapasaya sakin ng napagtanto ko iyong sinabi ko kagad ako umalis ng nagkatinginan kami.
Lalo mo lang ginugulo ang buhay ko,Geovy. Tumahimik na ang mundo ko, hindi ko alam kung bakit wala na akong gana magpatawa ng ibang tao. Hindi ko nga ba talaga alam o sadyang ayoko lang tanggapin?
Sinubukan ko gumawa ng sulat para sa kanya at totoo nga pag nagsusulat ka, lumalabas ang totoong nararamdaman mo.
Lumalabas kahit na ayaw mo, kaya iyon ang binigay ko sa kanya.Kaso sa pagkakataong ito, wala na siyang oras para sakin.
BINABASA MO ANG
Ms.Bakla Meets Mr.Tomboy
Ficção AdolescenteStorya ng isang babaeng boyish namely Michelle Geovy G.Flores at isang lalaking girly namely Paolo Vrant B. Sarmiento. Matututo kang mag isip ng todo at protektahan ang sarili dahil sa kanilang naranasan ng sila ay nagrkakilala at hanggang sa... Bas...