Chapter Six

122 8 0
                                    

We Dont Know

Geo's P.O.V.

Hindi ko alam kung kailan naging big deal para sakin yung tingin ng ibang tao kasi ang tingin ko lang sa kanya ay tropa.

Kaso tropa nga lang ba? Ang weird nila kasi halos araw-araw o pag nagkikita nila mag kasama kami, lagi nila sinasabing sana kami na lang dalawa. 

Anong masasabi ko dun? Syempre deny lang ako ng deny kasi di ko naman alam type nung binabaeng lalaking yun pati baka tropa lang din ang tingin niya sakin.

Tapos kumportable lang talaga siya sakin na nagagawa niyang hawakan ang kamay ko, yakapin ako at akbayan.

Walang malisya naman dapat di ba kasi halos mag tropa na ang tinginan naming dalawa pero bakit ganun? Nagsisimula na akong magduda sa pagkakaibigan namin.

Masyado na kaming close na unti-unti ko ng nakita na lalaki siya talaga.

Pao's P.O.V.

Medyo naaasar na ako sa mga kaklase namin dati at sa mga kaibigan ko.

Biruin mo pag nahihiwalay ako kay Geo na yun sakin nagtatanong kung nasan siya? Hindi lang yun tinutulak nila akong ligawan ko daw si Geo. 

"Seryoso ba kayo? Kaibigan ko lang yung si Geo"

"Nako ka... Naniniwala kang pwede lang maging kaibigan ang babae at lalaki? Ligawan mo na bago pa mawala" sabi nitong mokong na si Kevin.

Kung alam ko lang... Nag-sisisi lang ito dahil masaya yung Gabri na tinutukoy niya sa kwento niya dati ng wala siya.

"Pero wala nga akong nararamdaman sa kanya! comportable lang ako maging ako at ayoko lang siyang makitang malungkot" sabi ko at tumango nalang sila

"Sige magtago ka pa pare" sabi ni Lance.

Hindi ko na alam ang gagawin ko kasi pag dumadating yung araw na magkikita kami ang saya ko tapos pag wala siya ang lungkot ko..

Ano ba talaga to? Crush ko ba o iba? Ang hirap lang kung anong gagawin sa susunod na magkikita kami.

Sino bang may sabing hindi kinakabahan ang lalaki at laging proud lang? Hirap din isipin na baka mali lang lahat ng pinagsasabi nila.

May nakikita din kasi akong ibang magkaibigan na lalaki at babae pero di tulad ng kwento nina Kevin. Pwede din naman siguro na hanggang kaibigan lang kami.. Sana hanggang kaibigan lang kami.

Ms.Bakla Meets Mr.TomboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon