Paolo's P. O. V.
Nakapag desisyon na ako ngayong araw na ito, yayayain ko siya lumabas.. Pero hindi syempre para umamin.. Para lang makasama siya. Mas maganda kasi yung kaibigan na muna kesa ligawan o relasyon. Kung tutuusin doon mo talaga makikilala yung tao o masasabi mong get to know stage.
Pumunta ako sa bahay nila Geography. Nagulat ako kung paano siya manamit.
Hindi na katulad nung nakilala ko noon na pants at shirt okay na, nakaskirt at blouse. Pabiro ko tuloy sinabi sa kanya na "Nasan po yung Geography bakit parang michelle ang kaharap ko" sabi ko sabay tawa. Nanlaki ang mata ko dahil naka skirt nga siya at above the knee, sarap hilahin pababa para hindi siya mabosohan. Bagay naman sa kanya yun with matching braids pa na hindi niya ginagawa dati. Lagi ko kasi siya naaabutang naka bun dahil mainit daw. Hindi ko napansin na nakatingin ako sa braids niya na dalawa na malapit sa may kanang banda ng tenga niya.
Naka earings din siya para bang ready na ready mang asar at manghusga kung bakit ako pumunta dito. Joke "hahaha" normal earings lang naman yun maliit lang.
Babae nga pala ito, boyish lang o tomboy talaga ang style dati. Napatawa siya bigla kasi pagkatapos ko tignan earings niya tumawa ako. Napatingin ako sa kanya at ngiti. Syempre naka porma din ako, maayos na puting shirt at pantalon tapos puti din na sapatos. Nagkataon na parehas kami na nakaputing pang itaas, yung shirt at blouse, kulay puti, hindi ako nagbabra okay?
Geovy's P. O. V.
Tinapik ko na ang kanyang balikat niya para maalis ang tingin niya sakin ng mata sa mata. Matutunaw na ako pero syempre hindi ko pinapahalata ano. "T-Tara na nga, okay naman itong suot ko di ba? " tanong ko at agad na naglakad para maiba ang timpla ng mood ko.
Kesa ma awkward kami parehas ng dire-diretso dun sa position na iyon. Sinundan niya naman ako at pumasok kami sa tricycle para makapuntang mall. Malapit lang sa bahay namin halos ang mall, kahit kina Paolo, malapit lang iyon.
"Sino ba ang reregaluhan mo? " tanong ko kasi wala naman talaga akong idea kung may bagong tropa o kaibigan ito sa kolehiyo at magkaiba kami ng unibersidad. "Babae, ideya lang naman hinihingi ko" sabi niya ng tipid.
Matipid na sa salita ang lolo niyo. Ano ito pa mysterious type? Gaya-gaya ng traits ganern? "Hahaha" bigla akong napatawa at napatingin siya.
Bumaba kami sa mall saka pumasok sa entrance. " Anong nakakatawa? " tanong niya ng may halong pagkalito.
"Hindi ka obvious Paolo ha, may Rellane tayong kaibigan bakit ako ang hinihingian mo ng tulong? " tanong ko.
" boyish din kasi iyon tulad mo" sabi niya ng nakangiti at medyo nahurt ako. Nahurt? Baka mamaya wala naman yun.. Pero paano pag may kilala talaga siyang ganun?
"a-ah ganun ba?, sige sige.. Kung boyish lang pala bakit hindi mo bigyan ng keychain o kaya ng panyo na lang" bigla kong sabi sa kanya pagpasok ng isang store.
Pumunta kami sa pinakadulo ng store na may keychains tapos mugs. Pagkakuha ko ng keychain dahan dahan siyang lumapit sakin at napahawak sa shelf ng mugs. Tumingin sa mata ko saka sinabing.
"Gusto ko ng mugs, yun na lang kung gusto mo ko bilhan sa birthday ko" nagtitigan kami at napayuko na lang ako. Iba ang nababasa ko sa mata niya, napapabilis nito puso ko, pakiramdam ko tuloy may feelings pa siya. "A-Ah okay sige, so ayaw ba niya ng key chains? Tara doon sa mga gamit dun sa kabilang store. " sabi ko at nauna naman siya maglakad.
Ano ba? Seryoso bang regalo sa iba?
BINABASA MO ANG
Ms.Bakla Meets Mr.Tomboy
Fiksi RemajaStorya ng isang babaeng boyish namely Michelle Geovy G.Flores at isang lalaking girly namely Paolo Vrant B. Sarmiento. Matututo kang mag isip ng todo at protektahan ang sarili dahil sa kanilang naranasan ng sila ay nagrkakilala at hanggang sa... Bas...