Chapter Fourty Five

35 0 0
                                    

Tagalog/Normal

Saang aabot ang special mo?

Geovy's P. O. V.

Ang dami ng mga araw na lumipas pero hindi ko pa rin kabisado ang kalendaryo, para bang mali para yun sa iba sapagkat sakin iyon ay okay lang.

Hindi ko kasalanan kung ang utak ko ay malikhain at hindi ko kasalanan kung mataas ang standards ko sa lalaki o sa partner ang kasalanan ko sa dulo ako pala talaga ang talo kasi di ako naglaan ng oras para isipin ang kapakanan ko kung ano talaga ang gusto ko sa buhay.  Akala ko dapat puro feelings lang ang paiiralin pero dahil nga mahirap na lumabas,  mahirap na din makahinga ng maluwag kaya eto nag babasa ako ng bagay na alam ko makakasagot para sakin.

Bible and Values education.

Yep yan lang pinagkukuhanan ko ng lakas.  Subukan mong basahin ang bibliya kung di ka man, ma tanggap ng iba tapos yung values education para maalala mong may pamilya at edukasyon, kaibigan ka ding bigyan ng oras para maging masaya.

Ewan ko kung bakit tuwang tuwa akong balikan ang ganyang mga libro,  sabi nila hindi naman daw nakakatuwang basahin. Pasok sa tenga, agad na labas sa isa kasi sabi ng magulang ko yan.

Ang gulo ng buhay ano?  Nagsusulat lang ako sa papel akala mo nag iisip ako sa utak.  Kakaiba talaga ang imahinasyon kaya sana umayos ang ating henerasyon. Pati ang mga normal na tao nababahala na kung ano aking sinasabi.  Sana talaga dumating sa dulo.  Ang tingin natin sa isa't isa ay tao.

"Nangangarap ka na naman ate" sabi nung pangalawa kong kapatid.
Agad kong tinago ang aking notebook.  "Hehehe bawal ba mangarap? Ang boring naman kasi dito kaya gumagawa ako ng sarili kong tula" nagsabi ako ng totoo, sa totoo niyan yun lang naman din ang gusto niyang malaman.

Yung totoo kasi sa mundo ngayon, bilang na ang totoong tao na makatao.  Kaya sana kung may makarinig.  Isang importanteng paalala.  Maging Makatao ang iyong husga at maging simple lang ang iyong tingin dahil hindi yan ang gusto ng ating mga magulang at mga kaibigan saka ng ibang tao.

"Ah sige, tapusin mo na ate at may gagawin pa tayo mamaya" sabi niya

Nakakatuwa di ba?  Bumalik ang respeto at ang tunay na kahulugan nung bagay na iyon.  Wag mo sanang kalimutan kung saan ka pinagmulan para malaman mo na tama ang daan.

Tumango lang ako at ngumiti.  Teka nakalimutan ko,  nagnotes ba ako kanina uy, wag naman sana makalimutan yung naisip ko sa sarili ko.  "Hayyy" debale na nga, magbabasa na ako ng libro.

Paolo's P. O. V.

Hindi ko alam kung anong sinasabi ni Geovy,  ilang araw kami di nag usap sa chat o nawalan ng koneksyon.  Para sakin hindi ko siya linalagyan ng ibang label sapagkat magagalit ang Diyos na pinaniniwalaan naming dalawa.  Ang hirap niyang kausapin pero ang saya niyang kasama. Hanggang saan kaya matutulong ko sa kanya?  Maiintindihan niya kaya ako.

Nagaayos lang ako ng mga papel para makita ko kung kailan ang pasahan,  malayo pa naman ang pasahan pero mahirap na baka biglang di ko matapos tapos tatakbo ang oras edi yari ako sa Professor namin.

Ms.Bakla Meets Mr.TomboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon