Chapter Thirty Three

40 2 0
                                    

Oops.

Paolo's P. O. V.

Ako na ba ang papasok at maheheart broken part 3? Medyo kinabahan ako kasi mabibigat din yung narinig ko na sinabi niya kay Rellane. Nakita ko si Rellane kasi nasa may kabilang side ako ng pintuan. "H-Hi" sabi ko ng makita niya ako. Lumapit siya sakin at tumawa saka binulong sakin. "lagot kaaa ikaw na sunod" sabi niya at naglakad na paalis.

Wala naman akong kasalanan na ginawa.. Ano kaya ito.. Pumasok naman ako agad sa court at dire diretso papunta sa kanya. Nagtapang tapangan ng tono o di kaya binabaan ko boses ko. "Hi" sabi ko na ikinatawa niya. Anong nakakatawa?

Geovy's P. O. V.

Natatawa ako kasi halatang kabado siya sa gagawin o sasabihin ko sa kilos niya. Masyadong straight ang likod niya na para bang magsasaludo sakin na parang ako yung kapitan o mas nakakataas na sundalo.

Hindi ko napigilan ang tawa ko na dapat nasa utak ko lang. Nagtataka siguro siya kung bakit ako tumatawa. " upo tayo" sabi ko at pat ng upuan sa tabi ko. Umupo na ako nung naglalakad si Rellane paalis pa lang.

Umupo naman siya at tumingin sakin. " Bakit ka natawa? " tanong niya

"Halata kasi na kinkabahan ka, hindi naman ako nangangain ng tao ano ba? " sabi ko at tumawa ng mahina.

Pinapagaan ko ang hangin para hindi na siya sakin nakatingin.

"Halata ba? Bakit mo ko pinatawag?" tanong niya.

Kahit kailan mas straightforward ito sakin. "Gusto lang kita makita, Makasama o makita lang kasi kita masaya na ako" sabi ko ng seryoso at tingin sa kung saan dahil alam kong titingin na naman siya sakin.

"Ang weird nitong nararamdaman ko kahit na nasaktan mo ko, mukhang napatawad ka nito" turo sa puso ko. "pero hindi ko maintindihan kung bakit simula nung may naramdaman akong kakaiba, parang hindi na ako kumpleto pag wala ka. " sabi ko at inalis ang bun ng buhok ko saka gulo ng sariling buhok at tumingin sa kanya.

"Baliw na ba ako? Hindi ko kasi alam kung love yung tinutukoy ko.. Kung mahal kita kasi kahit kailan hindi ko pa naman naramdaman ito" sabi ko sa kanya na may halong iiyak na.

"Minsan pag hindi ako makahinga sa dami ng gawain.. Lagi ko lang dating ginagawa ang magdasal sa Diyos kasi siya lang karamay ko sa lahat pero bakit nung nakilala kita? Bukod sa Diyos pati ikaw iniisip ko? " napabuntong hininga ako at tumayo.

"Siguro nga mas maganda munang mag chill tayo.. Hindi ko ito mamadaliin pero hindi ko rin siya seseryosohin kasi hindi ko naman alam kung anong klaseng damdamin ito baka isang pagkalito lang o dahil kaibigan kita. Kaibigan nga lang ba tayo? " Napatingin ako sa mata niya at napaiwas siya ng tingin.

Napakagat labi akong yumuko at pinat niya ulo ko saka nagsalita. "Kung anong meron tayo, hindi ko rin alam pero ang alam ko lang nandito ako para sayo Geovy." Ngiti niya ng malawak.

Napangiti na lang ako at siniko siya ng pabiro. "Tara Ice cream tayooo" niyaya ko siya at naglakad na kami palabas ng court.

May mga bagay talaga na panahon na lang ang makakapagsabi kahit ano mang gawin natin.

Ms.Bakla Meets Mr.TomboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon