Chapter Fourty

36 1 0
                                    

Tagalog/Normal

Paolo's P.O.V.

Ako lang ba ang nakakapansin na parang mas bumagal ang mga oras dahil nasa bahay ka lang? Wala, Hindi ko natiis ako na nagchat ang sabi ko "RAWR" nadiskubre ko na ganyan daw ang ibig sabihin ng ILOVEYOU sa dinosaur. Hinihintay ko ang sagot niya ang sabi naman niya " Ano ka Dinosaur?" Medyo napahiya ako dun pero bumawi siya "Joke lang, Iloveyoutoo". So.. Ito na ba yung pwedeng umasa? Kaso parang pilit kasi hindi tulad ko na diretso magchat. Pero aminado ako nakakakilig.

Biglang pumasok ang kapatid kong lalaki sa kwarto kaya bigla ko ding linapat yung tab kasi nakakahiya at namumula ako dito. Hindi lang babae ang kinikilig saka malakas mag asaran pag nakikitang namumula kaya ayan tatahimik muna ako hanggang sa umalis ang kapatid ko at ngumiti ng malawak sa convo namin. Ang simple ng mga salita pero lakas makapag bigay ng ngiti sakin.



Geovy's P.O.V.


Pagkatapos ng convo namin ni Paolo, nakipagkita ako sa kaibigan kong si Casspi. Sineen na naman ako nung lalaking yun, ano yun ganun na lang? Tapos hindi na naman siya makikipagchat? "Hoy Geovy!" pumalakpak siya sa harapan ko habang nakaupo kami sa kanto para manood ng mga nagbabadminton.  "A-Ah bakit?" Nauutal kong sabi.

Pag may iniisip akong iba pa mahuhuli mo kasi nauutal ako. "Anyare na sa inyo?" tanong niya.

 "Maka inyo, wala ngang kami, hindi ko nga alam kung tama ang nararamdaman ko sa kilos niya o paramdam" saad ko dito

"Kasi?" dagdag na tanong niya

"Kasi pwedeng kaibigan lang ulit ang tingin niya sakin at wala ng iba. Ang hirap Casspi, yung tipong masaya ka sa kanya, comportable ka, parang narerecharge ka pag kausap mo siya pero walang malinaw na usapan kung anong meron sa inyo" sabi ko ng dire-diretso.

"Bakit niyo pa kasi pinahihirapan sarili niyo? Pwede naman magtanong?" tanong niya.

"Casspi, sawa na ako magtanong, sawa na din akong umasa kasi nagawa ko na yun dati at ang sagot niya sakin? Kaibigan lang, pagkatapos ano? iniwasan pa ako? Pinatawad ko naman na siya pero tama bang sa pangalawa o pangatlo mang pagkakataon na ito ako na naman ang mag iintindi?" Napabuntong hininga kaming parehas pagkatapos ko magsalita.

"Same sis, Same. Ganyan din ako pag sa girlfriend ko, ako yung sumusuyo tapos siya hinahayaan niya lang ako kasi alam niyang magiging matalas ang dila ko pero nananatili pa rin kami sa isa't isa kasi nararamdaman ko ng siya na eh" sabi niya 

Naglakad na kami papunta sa bahay niya para ihatid ko siya kasi mas mukhang kailangan niya ng titingin kung uuwi siya ng ligtas at mas babae ang suot niya sakin. Naglalakad ako pauwi sa bahay namin pagkatapos nung convo namin physically ni Casspi. Sabi nila maghintay ako, pero dati hindi ako naniniwala doon.

Mas naniniwala akong ako ang gagawa ng sarili kong Tadhana kaya grabe ang pagsubok ko para lang naman maramdaman yung nararamdaman ng ibang tao at tinatawag nilang pag-ibig.



Paolo's P.O.V.

Ano ba ang sunod na itatanong o sasabihin sa ganung convo? Rereplyan ko ba agad o maghihintay pa ako ng 3 minuto o mas madami pa? Nakakaasar naman ito, medyo nakakastress din mag isip kung paano mag papa pansin sa isang Psych Major.

Biglang nagchat ang isa sa mga kasama ko sa research at gumawa na kami ng isang part ng research na kailangan ipasa.

Ms.Bakla Meets Mr.TomboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon