Chapter Twenty Five

44 2 0
                                    


Paolo's P. O. V.

Tingin ko naka move on na talaga siya sa nangyari dati pero may lugar pa rin sakin na naniniwalang iba ang ngiti niya pag ako kasama niya at hindi si Sensui.

Hindi niya nakwento sakin na may manliligaw na pala siya at hamak namang mas bagay kami kahit tanungin niyo pa sa iba.  Hindi ni Sensui, kundi ni Geovy.  Wala naman ako magawa nung umuwi na sila nung araw na iyon.  Hindi ko din alam kung tama bang ichat ko siya o hintayin ko siya magchat sakin.  Si Rellane naman ayun panay chat at kwento ng tungkol kay Sensui. 

Nagsasabi ng magagandang bagay tungkol kay Sensui kesyo reynang reyna daw at babaeng babae ang turing niya kay Geovy kahit na ganun siya umasta at manamit.  Sinusuyo daw saka sinasabihan ng I love you araw-araw. Binibilhan ng kung anong mga bagay. Hindi ko maintindihan kung mabuti ba yun o hindi kasi naniniwala ako na yung pag uusap na masinsinan saka pagkain, yun lang makakakuha halos ang loob ng mga tao.

Sa dami ko pa namang napagdaanan, hindi ito ang unang beses na nagmahal ako ng babae at hindi din si Rellane ang una.  Yung pinaka una kong minahal na babae parang me and her against the world.  Pa romeo and juliet ang peg kaso ayun namatay siya ng maaga. Hindi ko alam kung paano bumangon noon hanggang sa nakakita ako ng mga kaibigan na maaasahan saka ko nakita si Rellane. 

Kay Rellane ako natuto magpaka corny kasi ang corny niya din pero ang light kasama. Pati pala medyo makulit.

Chat conversation.

Rellane: Ichat mo na kaya si Geovy?
Ako: Bakit naman?
Rellane: Magpapatalo ka ba kay Sensui? Buti ako lagi ko kachat si Geovy.
Ako: Kung akin siya edi akin at di lang naman social media ang buhay nun
Rellane: wowwww naalala mo pala yung ugali at gawain niya?
Ako: sira,  ikaw lang naman ang di ganun ka busy kasi mayaman ka.
Rellane: excuse meeee, busy din ako sa lovelife ko ano..  Ito nga at kachat kita saka si Geovy. Malay mo may love story tayong tatlo.
Ako: Ewan ko sayo Rellane.  Goodnight

Two is a company,Three is a crowd.  Kaya nga laging si Geovy lang ang sinamahan ko noon para hindi ako mahirapan makihalobilo at sobrang motivational din kasi niyang tao..

Kung ano man ang darating sana maganda lahat katulad ko. Joke hahahaha sana maganda lahat katulad niya. Gustong gusto ko na siya makita ulit kaso magkaiba naman kami ng eskwelahan. Paano kaya mapalapit ulit sa kanya?

Kung kumilos na kaya ako?

Ms.Bakla Meets Mr.TomboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon