Okay lang talaga.
Geovy's P. O. V.
Alam mo yung tipong napayuko ka na lang kasi hindi mo mabasa yung emosyon na nakita mo sa mata niya. Maiintindihan ko pa sana kung gulat yung ekspresyon o takot kaso halo.
Halo ng pangamba,tuwa at gulat dahilan para ibahin ko ang usapan at naglakad na. Hindi lang naman ako yung nakakapansin ng ganung emosyon sa kasama nila di ba? Hindi lang ako yung tipong nalalaman kung nagsisinungaling o may iba pang iniisip yung tao? Kung tatanungin ko siya magmumukha akong shunga... Mas mabuting siya na ang magkwento, kung hindi ngayon.. Hihintayin ko kahit kailan pa, sana malaman ko ang dahilan.
Dire-diretso akong naglalakad sa gilid ng kalsada ng biglang hinila niya ang pulsuhan ko para hilahin ako dahilan para mas tumabi ako sa kanya at napatingin ako sa kanya. "B-Bakit? " tanong ko para hindi mahalatang lumilipad ang isip ko.
"May dumaang bike, nag patunog na ng bell pero di ka nakatingin sa kanya" sabi niya at inalis ang hawak niya sa pulsuhan ko. Napatingin ako sa pulsuhan ko at naglakad na ulit. "Salamat" sabi ko at ngumiti ng malawak saka pumunta sa tindahan na malapit dito sa court.
Paolo's P. O. V.
Hindi ko alam kung matutuwa ako sa tanong niya kung magkaibigan ba kami, Hindi ko nasagot ng diretso kasi kahit ako ang alam ko lang masaya ako pag kasama siya saka ayokong mawala na naman ang ganitong pakiramdam dahil naramdaman ko na ito dati at napakalungkot ng pangyayari. Mula sa malayo nakikita ko na yung nagbibike at itong Geovy na ito naka tingin sa kotseng nakaparada sa malayo, imbes sa bike na papunta sa kanya.
Nagkaroon ako ng mind battle kung anong gagawin ko, hihilahin ko ba yung kamay niya o yung pulsuhan na lang? Parang mas okay yung kam-
Biglang nasa harapan na namin ng mga apat na metro yung nagbibike kaya imbes na mahila ko sa kamay hinila ko sa pulsuhan. Kamay dapat, paano pag nasaktan yan? Nag rason ako sa kanya kung bakit ko siya hinila tapos napatingin siya sa pulsuhan niya at biglang naglakad saka humarap sakin ng saglit at ngumiti para magpasalamat.
Hindi ko alam kung anong mahika yang ngiti niya at napangiti din ako habang sinusundan siya. Hindi pa sa ngayon ang tamang oras at halos 2nd year pa lang tayo sa kursong sigurado akong magaling siya at makakaya ko naman.
Hindi ako sigurado kung hanggang dulo pero.. Napatingin ako sa kanya hawak ang ice cups na binili niya at sumigaw "Ito na yung vanillaaa mooo". Ngumiti ako sa kanya at naglakad.
Pero sa ngayon kahit walang label panigurado akong ramdam mo na mahal kita. Hindi ko alam kung permanente ito pero masaya ako nakilala kita. Nakapunta ako sa harap niya at dali dali naman niyang binigay sakin ice cup ko at kain siya ng kain ng ice cream niyang strawberry.
Ang cute niyang kumain. Parang yung anime sa palabas na matakaw pero nandun pa din yung katauhan ba. Kaing akala mo mauubusan pero halatang sarap na sarap. Basta ang cute ng batang ito.
Kaya bata? Mas bata siya sakin. 22 ako tapos siya 20 pa lang. Kakainin ko na nga tong ice cream bago pa ako pagalitan nito.
BINABASA MO ANG
Ms.Bakla Meets Mr.Tomboy
Teen FictionStorya ng isang babaeng boyish namely Michelle Geovy G.Flores at isang lalaking girly namely Paolo Vrant B. Sarmiento. Matututo kang mag isip ng todo at protektahan ang sarili dahil sa kanilang naranasan ng sila ay nagrkakilala at hanggang sa... Bas...