Chapter Twenty Three

51 4 0
                                    

Triple Kill

Geovy's P.O.V.

Whooo. Nakatakas sa halik ni Rellane. Kinabahan ako dun ha? Pero shet ang ganda niya pala talaga pag malapitan mapapa sis sana all ka tapos mapapatanong ka talaga na bakit sila nag break ni Paolo, bagay naman sila. Teka nga ano ba naman yan. Reunion ba ang pinuntahan ko bakit nandun din si Rellane saka ang bilis dumating nitong lalaking ito. Akala ko mamaya pa.. Susulyap pa sana ako kay Paolo kaso hinila na niya ako palabas ng venue at nagpahila din ako kesa masaktan ako.

Sumakay na kami sa motor niya at humawak ako sa balikat niya. Hahawakan niya sana ang kamay ko pero bigla kong inalis "Dito ako hahawak para hindi awkward." sabi ko.

Kung iisipin mo talaga, parang ang haba ng buhok ko sa eksenang nangyari kanina. Si Paolo nandun, si Rellane kasama ang kalokohan niya tapos itong hapon na ito. Mukhang kailangan ko na magpagupit. Pero siyempre joke lang, hindi pa naman talaga ako sigurado kung may feelings sakin si Paolo at Rellane.

Parang gusto ko na lang magpakain sa lupa. Dumating kami sa bahay ko ng yun ang nasa isip ko. Tinignan ko si Sensui Takashi.

Si Sensui Takashi ay nasabi ko na nga kanina, kalahating Hapon at Filipino kaya may angking kagwapuhan kaso ayun nga ang problema natin. Gwapo nga pero hindi alam ang salitang tigil kung tigil.

Ilang beses ko na yan binasted, paano ba naman gusto niyang iparating sakin na kaya niya bilhin ang lahat ng hihingiin ko kasi may trabaho na siya.

Mas matanda siya sakin pero hindi niya alam kung paano talaga manligaw pero heto nga kasama ko pa din. Nagbabakasakaling baka mahalin ko siya at hindi na si Paolo.

Itsura? Idetalyado ko pa? Wag na hahaha matangkad na payat pero may muscle at maugat ang kamay o braso. Sa ibang babae matur-turn on sila doon pero ako hindi.

Laking pagkakaiba namin kasi lalo na sa katawan parang pag magkasama kami imbes na cute kasi mukhang couple, nagiging stick at baboy ang magkatabi.

Paano ko namang naisip na may gusto sakin si Rellane? Hindi lang iyon ang unang beses na inaakma niya akong halikan.

Kaya minsan sarap niyang sabunutan at pumikit talaga ako kanina kasi madaming tao tapos ganun siya. Buti na lang talaga at bigla itong sumulpot.

"Salamat Sensui, Bukas na lang ulit at gabi na.. Ingat sa byahe ha" sabi ko at akmang papasok ng bahay at hinawakan niya yung balikat ko.

"Geovy, Hindi ba pwedeng ako na lang?" tanong ni Sensui. Napabuntong hininga ako at sinabing "Please wag mo sirain ang araw ko Sensui." Bago tuluyang pumasok ng bahay at diretso sa kwarto.

Ngiting ngiti akong humiga at lumilipad ang isip papunta kung saan hanggang sa nakatulog na ako.

Ms.Bakla Meets Mr.TomboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon