Chapter Fourty Eight

24 0 0
                                    

Geovy's P. O. V.

Gabi na dito sa Japan nung pumunta kami sa starbucks para uminom ng paborito kong cold coffee saka strawberry cake. Nag order din sila ng paborito nilang pagkain at inumin. Nag uusap kami about sa buhay buhay.  Mahirap para sakin pagsabayin ang pag aaral saka trabaho kaya tumigil muna ako sa pag aaral at agad na naghanap ng trabaho.  Buti na lang tong si Rellane, may sariling business kaya ayan siya ang nanglibre para lang hanapin si Sensui na walang ideya.. Mukhang meron namang ideya na may gusto sa kanya si Rellane.

"Geovy,  diretsahang tanong, itutuloy mo pa ba ang kursong bs psychology?" tanong ni Rellane

"itutuloy ko pa din,  pangarap ko kasing makapagtapos nang pag aaral tulad ng ibang mga pinsan ko." sagot ko

"Ikaw,  itutuloy mo ba ang fashion? May business naman na kayo sa fashion industry di ba? " tanong ko pabalik.

Yung dalawang lalaki pabalik balik lang ang tingin samin.

"oo naman mag aaral pa rin ako kahit may business na kami,  gagawa din ako ng bagong linya ng fashion in the future kaya humanda kayo..  Gagawin ko kayong model ko basta wag niyo ko kalimutan ha" sabi nito

"Kayong dalawang lalaki anong balak niyo sa buhay? "tanong ni Geovy kina Paolo.

"Plano ko din makapagtapos ng pag aaral tapos magtrabaho din tulad ng sayo" sabi ni Paolo

" ako nagtatrabaho na ako,  magaaral na lang ako pag nakaipon na..  At dito ako mag aaral sa japan. " sabi ni Sensui na ikinapout ni Rellane

"Sa pilipinas na lang,  ako na bahala sa tuition fee mo" sabi ni Rellane

"Isa Rellane,  sobra sobra na yung ginawa mo para makita lang siya, wag mo na pilitin kung ayaw niya talaga sayo" sabi ko

"Hindi ko pinipilit,  binibigyan ko siya ng choice para makasama ako,  panigurado yan din ang gusto ni Paolo para sa inyong dalawa" sabi niya

Napatingin kaming lahat kay Paolo

"pwede ba Rellane,  wag mo ko ibuking..  Dati ko lang naman nasabi yun na gusto ko siya mag aral sa ibang school na kasama ako para mabantayan siya" sabi nito

Kinilig ako dun ng very light at medyo mainit ang pakiramdam ko sa mukha ko..  Nagblus-

"yieee kinikilig si Geovy" asar ni Rellane

"H-Hindi ah,  medyo lang,  bakit kasi kailangan bantayan ako? " asar ko kunwari kay Paolo na nakangiti ng malawak.

"babae ka, kailangan bantayan este protektahan pala yung tamang term" sabi ni Paolo.

"Mukha ba akong tuksuhin para kailanganin pang protektahan?  Ang lakas ko kay-" bigla ako siniko ni rellane

Binulungan ako "Magthank you ka na lang,  para ka namang naghahanap ng away ng ganyan eh" bulong na sabi ni Rellane at tumawa kasi biglang nabilaukan si Paolo sa kinain niya.

"Isa ka pa,  halatang halata na di kayo sanay magcompliment sa isa't isa. Parehas kayong palaban masyado.  Hinay hinay lang, single pa ako..  Ayaw pa sakin ni Sensui" sabi ni Rellane na ikinatawa naming apat saka kumain na kami nang tahimik.

Pare parehas kami nabusog at hinatid kami ni sensui sa sakayan pabalik sa condo namin.

Paano ba talaga maging sanay magbigay ng compliment?

Ms.Bakla Meets Mr.TomboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon