Chapter Five

121 8 0
                                    

My Way

Geo's P.O.V.

Halos mag o-one month na din na di ko kaklase yung bi na lalaking yun. Ang tahimik tuloy ng mundo ko at buti na lang friendsary na namin. Actually nag kayayaan din kami ng mga kaibigan kong mga babae.

Naisip ko sumama na lang kaya siya? Para di ba? Kasama ko n siya pati sila? Di na ako mamimili. Siguro naman papayag yun, magaganda naman yung mga yun eh.

Nakausap ko na siya sa text at wag n kayo mag tanong kung anong reaksyon niya kasi yung mokong na yun game na game basta daw libre ko yung pagkain niya.

Nagkita naman na kami at naglakad na medyo natatawa pa nga ako kasi ang dami niyang kinukwento sakin na  kalokohan niya.

Ganun lang pag uusapan namin hanggang sa naglalakad na ako ng patawid ng kalsada.

Pao's P.O.V.

Tawang tawa itong babaeng to sa mga jokes ko at grabe lang talaga biglang tumawid kaya hinila ko nga pabalik sa gilid ko. Nakakaimbyerna bigla parang bata lang na walang pakielam sa mundo.

Nag sorry naman siya pero tingin siya ng tingin sakin at heto ako naiimbyerna pa rin sa kapabayaan niya.

"Hoy Pao! Siopao! Sorry na uy! Hindi ko alam na haharurot yun at salamat din! Hindi ko na uulitin promise! " sabi niya habang nakangiting tumitingin sakin.

Ako lang ba ito o parang bigla atang gumaganda tong bruhang to? Masabunutan nga sarili ko mamaya

Tumawa lang siya ulit. " Yiiieeee.. Bati na kami niyan .. Ayiiieee Di ako matitiis niyan.. Sige ka wala kang libre."

Dahil sa sinabi niyang yun nagbati na kami at kasalakuyang papasok na sa bahay nung frenny niya. Nakakahiya kaya ang nangyari.

Imbes na parang girl ako mag sabi ayern nagpakalalaki ako very light pero andun pa rin ka clingyness ko kay Geography. Mahirap na baka takasan ako.

Geo's P.O.V.

Hinila ako paupo ng iba kong kaibigan habang kinakausap si Pao ng dalawa sa labas.

"Kayo na ba? Hindi mo naman sinabing may itsura din naman pala yang kinukwento mo" sabi ni Gabri

Kinibit balikat ko lang siya at tumawa. "Buti nga lalaki siya ngayon eh" sabi ko

"Lalaki ngayon?" sabi ni miss model na kaibigan ko

"A-Ahm hahaha kasi bisexual siya tapos magaling magbakla baklaan kaya.. " sabi ko

"Hindi kaya nag babakla baklaan lang yan para mapatawa ka? Ayiiieee ang haba ng hair" sabi ni Gabri

"P-Para mapatawa ako? A-ano ako emotionless na tao?" sabi ko

Tinignan ko siya mula sa bintana at napatingin siya sakin saka ngumiti.

"Girl, alam mo ibig sabihin namin wag kang mag painosente diyan. Pero sige kung ngayon friends or bestfriends kayo basta sa susunod update mo kami ah baka progressing na sa iba yan" tawa ni Gabri

Napangiti na lang ako ng medyo naiilang bago kami matapos sa kinakain at umuwi na.

May bagong iisipin na naman ako. Paano nga ba pag paraan lang niya yun para magpapansin?

Ms.Bakla Meets Mr.TomboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon