Chapter Thirty Eight

35 2 0
                                    

Tagalog/Normal



Paolo's P. O. V.



Gusto pa kaming gawing katrio sa paghahanap sa mokong na yun. Bakit hahanapin ang ayaw magpahanap? Saka kung mas maganda pag mas mahal ka kesa mahal mo. Isang oras na ang nakalipas, imbes na gumawa ako ng Ppt para sa presentation namin sa isang subject, naiirita ako dahil bukod sa mga tanong na nasa isip ko. Sino ba kasi ang mga pasaway diyan? Hindi pa rin tuloy matapos ang pandemya. Sarap maging Levi ng AOT, buti na lang at hindi ganun kahaba ang buhok ko at mainit dito sa Pinas.

Ginagawa ko na yung Powerpoint at sa taong ito, opo 3rd year na ako. Anong program? Hulaan niyo. Joke lang, nagagawa ako ng ppt at pagkatapos nun nag bukas na ako ng notebook. Kakausapin kayo syempre, I mean siya (Lord). As if naman na may makikinig na madaming tao sa side ko, sa kung anong meron man samin ni Geovy, alam kong ako yung may pagkakamali kaya nga sinubukan ko mag sorry. PERO MASAKIT DIN, yung tipong ang nasa isip niya ako lang ang may mali kaya nag aalinlangan din ako kung okay na ba talaga kami, kung napatawad na ba niya ako. Kung tutuusin hindi talaga ako mahilig magsulat pero nung nakilala ko siya parang nagpalit kami ng personalidad.


Nung unang pagkikita namin ako yung sinasabi nilang extroverted pero nakadikit sa kanya kasi may awra siyang mysterious at yung tipo na alam mong may opinion siya sa lahat ng bagay kaso ayun hindi niya napapakita kasi tahimik lang siya. Isa yun sa dahilan kung bakit ako dumikit sa kanya. Maganda na siya kahit laging nakabun ang buhok at nakangiti ng walang make up pero nakakaasar din kasi kung maganda na siya sa lagay na yan paano na pag nag ayos pa? Syempre sinabi ko yun sa kanya noon at hindi naman yun para sakin kundi para sa kanya.


Kaso ang tigas ng ulo, sabi niya "Bakit ko kakailanganin?". Seryoso natahimik ako sa oras na iyon at napansin ko ang ginagawa ko. Dati kasi nabubully ako, sinasabi sakin na magbago ako at hindi bagay sakin, yung pag aalaga ko sa sarili ko, para sa mga babae lang daw ang ganun, pero heto ako nakahanap ng katapat, mas simple pa sakin at minsan mas kaya niya pa mag-isa.


Hindi kami nag uusap ng matino ni Geovy kasi nga sa mga gawain namin ngayong College. Marketing ang kinukuha ko dahil natutuwa ako pag nagbibigay ng opinion sa produkto para mahikayat bumili ang mga tao. Nachallenge ako sa tanong niya nung panahon na yun kaya eto, hindi pa naman akong nagsisisi na kinuha ko ito kahit sa puntong ito hindi ko na siya nakikita.


Madami lang din kasi ako natututunan sa kanya kahit na mas bata siya kung ituturing sakin, dahil siguro panganay nga siya kaya medyo iba ang kanyang maturity. Ako kasi pangalawa sa aming magkakapatid, pantay pantay kaming minamahal ng aking pamilya pero alam kong mas mabigat ang responsibility ng panganay kasi may kuya pa ako tapos kapatid na kasing edad ni Geovy saka bunsong 3 years old. Buti na lang talaga at medyo parehas pa kami ng pag iisip ni Geovy pero paano kaya kung hindi pala si Geovy ang makakatuluyan ko. 


Hindi ko alam kung anong label namin kaya hanggang wala pang klaro gagawa ako ng isa pang acct para makakilala ng iba pang tao bukod sa kanya. Maganda siya, matalino, makulit pero parehas pa kaming hindi sigurado.


Ms.Bakla Meets Mr.TomboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon