Chapter 49

150 9 1
                                    


Bae's POV

"I'm sorry Archan ngayon lang dumating si kuya. Sorry ngayon lang ako dumating ha. I'm now here."

"Ian pasensya na pero magulo pa kasi sitwasyon sa ngayon. Hindi pa ata ito yung tamang oras na sabihin natin kay Archan ang tungkol sa totoo niyang pamilya. Pasensya ka na talaga. Sana maintindihan mo."

"Naiintindihan ko. Sadyang nag-aalala lang ako sa kanya. Kaya sana pagbigyan mo ko na mag-stay muna dito. Kahit isang araw pa."

"Pero Ian kailangan mo rin magpahinga. Isang linggo ka ng naghihintay sa paggising ni Archan."


Nakikinig lang ako sa usapan ni kuya Cobalt at nung tinatawag niyang Ian. Kapangalan nung nakausap ko sa facebook dati hehe. Ilang araw na pala akong tulog siguro dahil sa pagbalik ng alaala ko. Akala ko normal lang na hindi ko maalala yung buong childhood ko pero hindi pala. Now I understand kung bakit protective sakin si kuya Cobalt but I remember now na hindi naman kasalanan ni Kevin yung nangyari sakin. Kaya ako naaksidente ay dahil hinabol ko si Kevin noong tumakbo siya. Tumakbo siya nun para iligtas yung pusa sa kalye na muntik nang masagasaan. Pero ayun, ako yung nasagasaan hahahah bakit ako natatawa sa katangahan ko. Hays.

Gets ko naman na yung mga nangyayari pero anong totoong pamilya sinasabi ni kuya Cobalt? May pamilya naman talaga ko kaso bakit kaya parang hindi ko naririnig ang boses nila mommy at daddy?


"Hayaan mo na sana kami nila mommy at daddy ang magsabi kay Archan ng totoo. Kung ayos lang sana Ian?"

"Sige po. Mauna na muna ako pero balitaan niyo na lang ako kung anong update sa kalagayan ni Archan. Salamat sa pag-aalaga sa kanya." bago pa umalis yung kausap ni kuya Cobalt ay sinubukan kong gumalaw

"K-Kuya.." napuputol pa boses ko. parang dry yung lalamunan ko

"Archan/Bae!" sabay sila nagsalita, eh si kuya Cobalt lang naman tinawag ko hindi yung Ian. Binangon ako ni kuya at inayos niya yung upo ko saka tumawag ng doctor

"Hi Archan" sabi nung Ian

"Ahm hello po?" kamuka niya yung sa kachat ko sa FB dati. Siya kaya yun?

"Ok ka lang ba? Wala namang masakit sayo?" makatanong naman to kala mo kakilala ko siya. Dumating na yung doctor at may ginawa lang na kung ano-ano sakin na hindi ko alam.


"Kuya Cobalt sino siya?" bulong ko kay kuya, nakakahiya baka maoffend kapag hindi ko siya kilala. Eh bumalik na nga alaala ko eh

"Hintayin muna natin sila mommy kasi nastuck sila abroad simula pa nang nasugod ka sa ospital. Pero nasa airport na sila. Rest muna and I will tell you everything later." tinuro ko yung orange para ipagbalat niya ko dahil sabi naman niya na rest daw muna


"Uwi muna ako Cobalt. Nakita ko naman na okay na si Archan. Salamat ulit." sabi nung Ian at umalis na siya pagtapos niya kong tingnan na parang nagpapaalam

"BAEEEEEEEEEEE!!!!!!!!!" biglang binuga ng pinto si mommy at daddy. Iyak nang iyak si mommy hahahhaha mommy talaga eh

"Don't cry na mommy. I'm fine and I can now remember my childhood" sabi ko habang nakangiti. Napahinto naman si mommy ng iyak at parang naging seryoso silang tatlo nila daddy at kuya

"Archan are you really ok?" tanong sakin ni daddy habang hinahawakan yung kamay ko

"Yes daddy, nothing to worry. And kuya Cobalt, wag ka na magalit kay Kevin dahil hindi niya kasalanan yung nangyari." bumuntong hininga lang si kuya, mukang sisisihin niya pa rin si Kevin mylabs ah

"By the way kuya, sino ba yung kausap mo kanina?" tinanong ko na ulit si kuya kasi curious ako eh

"I think it's time for you to know Archan" sabi ni mommy. Ang ano kaya?

"Pero mommy kagagaling lang niya" sabat ni kuya

"She needs to know it now Cobalt" sabi naman ni daddy kay kuya

"My precious daughter died due to miscarriage. I really wanted to have a daughter kaya laging may space tayo sa family picture." kaya pala ganun kami magpicture lagi kawawa naman si mommy

"Namatay si baby Angela and sobrang nadepress ako. Alam ng daddy at kuya mo yun kaya we have decided to adopt a baby instead dahil hindi na raw ako pwede pang magbuntis dahil sobrang sensitive ako magbuntis. Baka maulit lang ang nangyari or mas malala ay pati ako ay mawala"

"Daddy is sorry for not telling this to you up until now. We are not your real parents." niyakap ni daddy si mommy at umiyak sila nang umiyak

"Kaya Archan we understand kung ano man ang sasabihin mo at kung gusto mong lumayo muna samin" sabi ni kuya habang nakatingin sa mga mata ko at parang nalulungkot. Kaya pala grabe magalala si kuya sakin dahil para na rin kay mommy

"Mommy, daddy, anong nangyari sa totoong magulang ko? Bakit ako nasa ampunan?"

"Namatay ang totoo mong nanay nang ipanganak ka at ang tatay mo naman ay nagdrive habang lasing. Kaya walang naiwan na guardian for you and your brother." explain ni mommy

"The guy a while ago is your true brother." dagdag ni kuya Cobalt

Let me process muna. So, hindi ako tunay na anak. Kaya pala...

"Mommy, daddy, kuya, can I get a hug?" niyakap naman nila ko kaya tinuloy ko na sasabihin ko habang nakayakap sila sakin

"Thank you for taking care of me. Sa lahat ng oras at taon na sinamahan niyo ko, pinalaki, at pinag-aral, sobrang thankful po ako. Dahil hindi niyo pala ako tunay na anak pero sobra-sobrang pagmamahal ang binigay niyo sakin. Pero kasi..." lalong lumakas ang iyak ni mommy

"kayo na po ang kinalakihan kong pamilya. We can still be a family even if we are not blood-related. And never ko pong naramdaman na iba ang trato niyo sakin. Thank you po sa lahat ng ito mommy and daddy" kumalas ng yakap si kuya Cobalt

"Are you really sure na hindi ka galit samin Bae?" ulit ulit naman tong si kuya hahaha


"Nasan nga pala si Kevin mylabs. Bakit di niya ko binibisita dito sa ospital huhuh"

"Kevin mylabs?" oh no di ko pa pala nasasabi kila daddy na may bebe na ako hihi

"Nasa office siya ngayon dahil ilang araw na siyang di pumapasok kakabantay sayo. Mamaya dadaan yun dito don't worry" sabi ni kuya pero parang galit pa rin siya kay Kevin mylabs

"Anong Kevin mylabs ang sinasabi mo Betrilliana Archanny?" hala bat tinanong ulit ni daddy huhu

"A-Ahmm kasi ano po d-daddy--" 

"I'm her boyfriend Sir" naputol ang sasabihin ko nang biglang dumating ang poging nilalang na hinahangin pa yung buhok ^O^ ampogi naman nitoooo

Kaso WAAAAAAHHHHHHHHHH bat sinabi niya agad kay daddy nahihiya pa ko kay daddy ehhh huhuhuh

"Boyfriend huh? Let's talk privately." wahhh daddyyyy huhuh Kevin mylabs goodluck sana di tayo paghiwalayin ni daddy wahhh

"huhu Kevin mylabs pwede pakiss muna bago ka sumunod kay daddy" tiningnan ako nang masama ni kuya eh bakit ba namiss ko siya ehhh huhu pero tiningnan lang niya ako nang baliw-ka-ba-look

"Please Kevin mylabs" sabi ko habang nakanguso at nakapikit kaso narinig ko na lang ang pagsara ng pinto. Sabi ko ikiss muna ako eh tss


Sana maging boto si daddy kay Kevin mylabs kung hindi, magtatampo ako T^T Ano kaya sasabihin ni daddy huhu ito pang si kuya inaasar pa ko eh kabado na nga ako


-------------------------------------------------

Author's note:

Hello sa mga nagbabasa pa rin ng ABKB hanggang sa chapter na to. Last chapter na yung next kong update kaya please don't forget to vote. Thank you sa mga nagbabasa pa rin hanggang ngayon!!Heart Heart^///^

Ang Boss Kong BitterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon