Chapter 29

647 22 0
                                    

Archan's POV

Goodmorning sunshine!!

Ansaya ng araw ngayon. Haha. Kasi kahapon nag holding hands kami tapos niyakap niya ko tapos tinawag niya kong babe ahihihi^____^

Ano kayang mangyayari ngayon???

Asan na kaya si Kevin mylabs?? Wala siya dito sa tabi ko eh. Mag-isa nga lang ako sa kama eh. San yun??

Tiningnan ko sa CR pero wala. Wala siya sa buong kwarto. Asan yun?? Umalis na?? Matawagan nga

Ring ring

Andito yung phone niya eh. Asan na yun?? Makapagluto na nga lang ng breakfast. Bacon saka fried rice. May mini kitchen kasi dito eh. Saka may ref kaya no worries.

Nakakapagod naman. Maka-upo na nga lang muna sa sofa. Asan na kaya si Kevin mylabs?? Iniwan ba naman ako?!?!

"Hmmm!!" Hala ano yun?? Parang gumagalaw yung upuan ko

Saka bakit may kumot na nakabalot sa sofa?? Hala ka!! Multo ba to?!?!?!

Umalis ako tapos kumuha ng unan sa kama. One....two...three

"Yah!!!" Pinaghahampas ko ng unan yung multo. Mahirap na nohh. Baka kung ano pang mangyare sakin

"WAHHH!!!!"O__O Hinawakan ako ng multo. Ano gagawin ko??? Hawak niya yung dalawang kamay ko. Pinikit ko na lang yung mga mata ko.

Hanggang dito na lang ata ako. Byebye Kevin mylabs. Byebye Jared baby. Byebye din Lawrence,Joerence at Terrence kahit di ko pa kayo ganun kaclose. Byebye world!!T_____T

"Archan!! You're crazy. The f*ck!!" Wait?? Si Kevin mylabs ba to??

Nakakahiya..super!! Saka bakit siya nasa sofa?? Adik ba siya??

"Sorry hehe. Kala ko multo. Saka bakit ka andito sa sofa?" Nakakahiya talaga. Hinampas ko pa siya


"May multo ba kapag umaga? Crazy."

"Sorry na. Saka bakit ka dyan natulog?" Kawawa naman siya. Dyan siya sa sofa samantalang ako nasa malambot na kama

"Lalaki ako Archan" sabi niya sabay pulot ng mga unan na nahulog

"And so??o__O" ano naman meron kung lalaki siya

"Gutom na ko" lah! Problema niya? Di sinagot yung tanong ko

Kakain na nga lang din ako. Di pa pala ako kumakain eh. Haha. Kaso pagdating ko dun ubos na. Wala na. Ubos na yung fudz. Mamamatay na ko. T______T

OA naman. Syempre di pa ko mamamatay. Gutom muna bago dedok.

"Mag-order ka na lang ng sayo" ang sweet niya. Grabe!!!

Bahala nga siya!! Di na lang ako kakain. Since madami naman akong kinain kahapon eh. Hehe

Di ko na lang muna siya papansinin. Baka makain ko pa siya. Kitang gutom ako eh. Haha xD

"Bili tayo ng damit sa baba" yes boss. Kinuha ko na yung wallet ko saka phone narin. Tapos sumunod na ko sa kanya

Ano kaya susuotin ni Kevin mylabs?? Gagayahin ko na lang haha. Para couple kami. Kunyare lang naman. Haha.

Kumuha siya ng pants saka t-shirt na black. Edi pants narin sakin saka black na shirt.

"Uy parehas tayo oh^_^" sabi ko sa kanya haha. Syempre para hindi halata haha. Kaso tiningnan niya lang ako-__-

Maliligo na nga lang ako. Syempre ako nagbayad ng susuotin ko. Ano ako?? Pabebe?? Eh beastmode ako dun diba. PMS ata eh

Antagal naman ni Kevin mylabs maligo. Parang isang oras na ata siya dun. Kahit naman maligo yun parehas parin yung amoy niya. Haha. Parehas paring mabango!!>__

Paglingon ko sa pinto ng CR....

*0*

Penge ng kanin. Nagugutom na talaga ako. Malapit na sakin yung ulam. Dali. Magkakamay na lang ako para mas feel ko. *O* parang mahuhulog na ata yung panga ko dito eh. Tapos yung ulam lumalapit sakin!!!! WAHHH!! Yung abs ni Kevin mylabs lumalapit sakin. What to do?!?! What to do!?!?

"Archan. Why are you blushing?" Nasa harap ko na yung six pack ng abs. Omeghedd. Hinahatak niya ko

"Earth to Archan!!" Sabi nung abs hawakan ko daw siya. Wah!! Nababaliw na ata ako

"ARCHAN!!!" hala si Kevin mylabs niyuyugyog ako. Natauhan ako dun ah.

"B-Bakit?" Tingin sa mukha. Mukha. Lang. Steady. Mukha. Lang.

Syettt yung abs niya. Archan!! Yung mukha ang tingnan.

"Sabi ko iabot mo sakin yung t-shirt ko. Nilalamig na ko" ayoko nga!!! Gusto ko pa makita eh.


"S-Sorry hehe^_^" nakakahiya naman kaya inabot ko na yung t-shirt niya. Byebye abs T.T

Lumabas na siya kaya lumabas na din ako. Nakakahiya naman kung maglaway pa ko dun haha

Papunta siya sa GYM ata. GYM nga siya. Don't tell me na magwo-work out siya ng nakapants??

Ay hindi pala kami sa GYM pupunta haha. Joke lang. Dun kami sa may event place ata.


Best photo of the day


Wow. Andaming mga pictures dito. Mga lugar dito sa hotel. Pero mas nakakagulat yung nakita ko. Ako at saka si Kevin mylabs na naka-upo sa bench tapos nakaholding hands kami at nakasandal ako sa balikat niya. Wahh. Nakangiti kami parehas sa picture. Pano yun nangyareee?? Kaya ako nakangiti kasi kinikilig ako eh. Eh pano si Kevin mylabs??

"Ang galing naman ng picture natin Bee" Bee daw?? Ano yun?? Ako ba yun??

"Ha? Ay..oo nga. Naka-smile tayo parehas" ngumiti lang siya tapos sabi niya selfie daw kami dun. Dahil crush ko siya kaya pumayag ako hahaha. Sorry na. Ang haliparot ko

Nagugutom na talaga ako. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Tanghalian na eh. Di ko na carry

Growl----tunog ng gutom na tyan

Napalingon sakin si Kevin mylabs. Nakakahiya naman. Yumuko na lang ako saka sumunod sa kanya. Di ko alam kung san siya pumasok kasi nakayuko ako diba. Pero may naaamoy akong fudz. Yehey!! Kakain na

Ubos na yung mga pagkain pero tahimik parin siya. Ako din naman eh. Busy ako kumain eh ^_^

"Sorry. Nagutom ka tuloy"

"Okie lang^__^" basta ikaw ba mylabs haha

Naglibot libot na lang kami sa hotel kasi aalis na din naman kami maya-maya.

Wala pa pala kaming picture ni Kevin mylabs dito. Pano ko kaya sasabihin na magselfie kami??

"Kevin...ang ganda dun oh. Selfie tayo dun" yess. Ang talino ko talaga haha. Pumayag naman siya.

Nagdikit kami para kasya kami sa camera. Tapos ang background namin yung mga payong sa pool.

Happy memory # 1
With Kevin mylabs at Sylvestris Hotel

Yes!!! Masaya na ko nito haha. Pinalitan ko yung wallpaper ko ng picture namin haha. Sorry kayo. Kasi crush ko siya. At siya ang aking one and only labs



---------------------------------

Sana magkaroon ako ng followers and supporters. Thank you sa mga nagbabasa. Sana may magbasa nito hanggang matapos. Thank you:***

Ang Boss Kong BitterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon