After 3 days...
Umaga na naman. At wala na naman akong gagawin kundi ang magintay ng trabaho na dumating sakin. Kaasar talaga to. Nakakatamad lang talaga.
calling...
Unknown numberSino kaya to ang aga aga eh.
"Good morning,sino po sila?" habang naglalakad papuntang kusina biglang tumawag to
[Good morning. Sa Sylestris company po ito at pinapasabi po na magstart na po kayo ngayong magtrabaho]
"What?!?! Thank you po. Thank you po" nagmamadali akong magpalit ng black dress at black na flats
Mahirap na baka kung ano-ano pala ginagawa ng secretary hahaha. Para madali lang edi flats na lang...
"Kuya Robert pahanda po ng sasakyan ko. Yung jaguar na lang ulit!!" dumampot na muna ng cookies
Sumakay na ko at nagmadali. Nakaligo na ko kanina pa. Kaya bihis agad.
"Sh***t. Traffic pa. Epal naman oh!" Epal kasi yung nasa unahan. Baka magasgasan pa yung maganda kong jaguar. Mahirap na
After ng traffic na nangyari...nakarating din. This time medyo may mga vacant na parking lot na.
"Ayan na si ganda"
"Amputi pa nya"
"Ang sexy nung nakablack oh"
Ayan na naman yang mga bulong nila. Nakakatense kaya. Di ko alam kung saan pupunta. Kasi puro tingin tapos bulong gagawin nila. Maraming nagsasabi na maganda daw ako tapos sexy at package na. Pero ewan ko. Trip ata nila ko eh. Kasi malaki yung ano ko..yung bandang harap kaya sexy ko daw
"Calling Ms.Espinosa,please go to Mr.Sylvestris office. Again,calling Ms.Espinosa,please go to Mr.Sylvestris office. Thank you"sabi nung mic sa taas. Kaya umalis na agad ako
Eto na kaya yun?? Kakatok na nga lang ako.knock!knock!knock!
"Excuse me Mr.Sylvestris,this is Ms.Espinosa" hawak hawak ko na yung doorknob para ready na kong magbukas hahahaha. Nagmamadali ako eh sorry naman
"Come in." full of autorithy. Nakakatakot lang ha. Para kasing ipapahiya nya ko kapag may nagawa akong mali. Eklabu naman
"Sir?What can I do?"nakatayo ako habang nasa may pinto pa. Ganito kasi yung format ng office....pagpasok mo ng office,table agad ni boss yung makikita mo tapos sa right nun may isa pang table na makikita pero mas maliit ng konti...black gray and white ang motif nya kaya ang classy tingnan
"Sit down." titig na titig parin siya sa papers nya
Sit down daw kaya mauupo ako sa sahig. Eh andun pwesto nakakahiya naman lumapit. Pa-upo na ko sa sahig tapos bigla siyang nagsalita
"What are you doing?"sabi niya na parang nababaliw ako sa ginagawa ko. May mali ba dun??eh hnd ko nga alam kung saan ako pepwesto eh.
"Sorry naman boss----" hindi ko pa natatapos ay tinitigan nya agad ako ng masama...sorry ha!!!buti sana kung sinabi mo na table ko yung nasa kanan mo...diba??kaasar lang ha "----I mean sorry Sir"
"That is your place. So you better arrange your things now." Ang galing nya magenglish ha. Kala ko british eh. Pero muka naman kasi nga foreigner tingnan.
Nagayos ayos na ko. Puro folders lang naman yung nakikita ko at ang nag-iisa kong phone na PINK...kaya wala na naman akong gagawin
"Can I go out first sir?" Baka mabeast mode na naman tong pogi na to
Tiningnan niya lang ako kaya...silence means yes at umalis na ko. Hindi naman siya nagsalita kaya ok na yan hahaha
Sumakay na ko sa kotse ko para umuwi
Sa bahay
"Manang pakuha nga po ng tatlong pink na photoframes" nagkuha kuha na ko ng mga gamit gamit na puro pink hehehe. I love pink eh. Sorry naman.
"Eto na ma'am. Iba iba po yung design nyan" Nagthank you na ako at umalis na rin
Balik office na ulit ako. Bale isang kahon na pink ang dala ko. May tela,magic pillow,photo frames,folders,at mga pwdeng pandesign. Guess what!!! They are all PINK hahahaha. Ang inspiring talaga kapag ganto ang kulay.
Naglalakad na ko papasok sa office tapos..
"Ms tulungan na kita"sabi ng isang lalaki na di ko kilala. Syempre bago lang ako dito. Baliw ba ako hahaha
"Wag na po. Salamat" nginitian ko na lang siya
"Uy ngumiti sayo Lawrence"sabi nung kasama niya. Di ko na sila narinig kasi nasa tapat na ko ng office
Kumatok na ulit ako "Sir may I come in?" Pumasok na agad ako kahit hindi siya nagsasalita
"Lalala~~~lala~~" lagay ng tela sa lamesa
"Lalalala~~~la~" lagay ng mga frames
"La~lala" lagay ng pink na folders
"Lalala~~" ayan tapos na ko!!!Ang ganda!! Ngiting ngiti ako habang nakatitig sa table kong PINK. Literal na pink. Yung picture ko,ako at kapatid ko,at yung family ko. Ang ganda talaga
Kaso pagtingin ko kay boss....parang mangangain ng buhay. Yung nakakatunaw na titig. Hindi nakakatunaw sa kilig pero nakakatunaw kasi halos mamatay na ko
"So-sorry p-po sir" napatakip ako ng bibig. Nakakahiya. Rinig na rinig yung lalala kong kanta. Baka mapatalsik agad ako neto. Kaasar. Dapat nag teacher na lang ulit ako. Hayyyy..
Nagbukas bukas na lang ako ng folder ko at tiningnan....
-----------------------------------------------------------------
Author's note:Thank you po sa nagbasa,nagbabasa,at magbabasa pa lang. Sana talaga suportahan niyo ako hanggang huli
BINABASA MO ANG
Ang Boss Kong Bitter
RandomIsang jolly na babae at isang bitter na lalaki....ano kaya ang mangyayari kung maging sila? O magiging sila nga ba? Do you want to know the reason behind his bitterness??? Read 'Ang Boss Kong Bitter' (ABKB)