Nagmadali na ako dun sa room na para sa mga magaaply. Andaming nagaantay sa labas. Mga nakapila. Grabe. Nakakakaba pala to....Ayun may lumabas na isang ate galing sa room.
"Excuse lang po,nakakakaba po ba sa loob? Ano po tinatanong sa inyo?" Pero tiningnan nya lang ako na parang ate-anong-trip-mo-sa-buhay-magantay-ka-na-matanong-nila-look. Tapos umalis na din. Taray ha.
Magteten na pero di pa ko natatawag. Tatlo na lang sila sa harapan ko. Isahan kasi ang interview para walang manggagaya ng sagot..ano to?? Exam?? Haha
After 1937391739652437919 years ay tinawag nadin ako..
"Betrilliana Archanny Espinosa come in" sabi ni Ms.Leila ata kaya pumasok na ko
Tatlo silang magtatanong ata sakin at hawak nila yung papel ko
"Ms.Espinosa as I can see you came from a rich family,then why will you apply here?" Sabi nung isa. Habang chinecheck ang papel ko
"Ma'am I want to apply here so I can be independent. I want to prove my mom and dad that I can live a life with my own feet." yun naman talaga yung totoo
At sa tatlong yun ay isa lang ang nagtanong...sayang effort ko dun pero tatawag na lang daw sila kung tanggap daw ba ako o hindi.
Baka nga di ako matanggap kasi mayaman na ko. At secretary ng manager nila yung magiging boss ko.
Hayyyy. Hilata all day long na lang ako neto sa bahay. Naglalakad na ako pababa samantalang pinaguusapan ako ng mga empleyado dito.
"Ang ganda nya noh?"
"Artista ata yan eh"
"Baliw! Bat mapapadpad dito ang artista eh kumpanya to!"
"Ay oo nga noh."
"Nakakatibo siya"
"Ang simple lang nya noh"
"Ang sexy"
At natapos rin sila sa paguusap kasi nasa sasakyan na ko
Dumaan muna ako sa mall kasi wala naman akong ginagawa..kundi ang magdamag sa mansion.
Nagikot ikot lang ako tapos kumain. Paglabas ko ay may mga batang gusgusin akong nakita. Kawawa naman sila. Sira sira yung damit nila tapos puro dumi sila. Nagsilapitan sakin at nilahad yung kamay na parang humihingi sakin.
"Ateng maganda penge naman po ng pera. Wala pa po kasi kaming nakakain ng mga kapatid ko eh" sabi nung pinakamatanda ata sa kanila
Dahil sa naawa ako ay nagbigay ako sakinalang lahat. Lumingon lingon muna ako kasi baka may makakita sakin.
"Ateng maganda bakit lingon po kayo ng lingon?" Sabi nung medyo bunso ata
"Baka kasi may makakita na nagbibigay ako ng tulong. Ayoko na may nakakaalam na tumutulong ako. Baka kasi sabihin nila nagyayabang lang ako" lumilingon lingo parin ako
"Napakabait niyo naman po talaga"sabi niya sakin
"Salamat. Magiingat kayo ha at magpakabusog. Aalis na ako eh" pero wala naman akong pupuntahan
Talagang naaawa ako. Naglalakad na ko palayo..nang biglang pumasok sa isip ko na ipagshopping sila!!!
"Wait!!! Mga bata!!"sigaw ko habang pabalik sa kanila
"Bakit po ateng maganda??"sabi nung cute na babae
"Ipagshoshopping ko kayo"sabi ko ng may masayang ngiti
"Sige po sige po"
"Salamat po talaga"
"Makakaligo na din ako"
"May magagamit na tayong bagong damit"
Nakakatuwa yung mga bata. Masyado silang excited. Nagtatatalon talon sila at tuwang tuwa na parang first time nila.
"Ano nga pala mga pangalan nyo?"sabi ko habang nakayuko. Maliliit sila kesa sakin eh
"Ako po si Anna Marie"
"Joshua po ako"
"Kristina po sakin"
"Ako po ti Lala"
"Lara po pangalan nya,bulol po siya eh. Ako po si Lucas."sabi nung pinakamatanda
"Sige...magpunta muna tayo sa Cr para maghugas kayo ng kamay"sabi ko at umalis na..
Papasok pa lang kami sa mall ay hinarang na sila ng guard. Bale nasa likod ko kasi sila eh
"Mga bata alis jan! Bawal kayo dito!"sabi ni guard
"Kuya guard kasama ko po sila" medyo inis ako kasi grabe yung trato nya ha
"Ay sorry po ma'am" nahihiya tuloy siya
"Lucas sumunod lang kayo sakin ha" nagpunta na ako sa cr ng girls. Bata pa naman sila kaya okay lang na pumasok yung boys
"Ate ano pala ngalan mo po?"sabi ni lala este lara pala haha. Medyo mahina pa siya sa words
"Betrilliana Archanny Espinosa...ate archan or ate bae for short" hinihingal hingal pa ata ako
"Ang haba man po ate. betshilayna alshani etpinosha" hingal nyang sabi hahahaha
"Ate archan na lang itawag nyo sakin. Labas na tayo para makabili na tayo" nagpunta na kami ng department store
"Wow!"
"Andanda aman"
"Ang astig nun"
Andami nilang sinabi. Nakakatuwa talaga kaoag ganito. Wala kasi akong batang kapatid eh. Hayyy....emo mode
"Lucas at Joshua pili na kayo. Lara,Kristina at Anna pumili narin kayo. Sasamahan ko naman kayo eh" tumakbo na agad silang lahat
Grabe lang ha. Iniwan pa ko-.-kaasar lang haha. Tuwang tuwa silang lahat. Nagsilapitan na sakin bitbit yung mga damit nila
"Tara na. Bayaran na natin. Tulungan ko na kayo" kinuha ko na yung iba nilang dala.
"Salamat po!!"sabay sabay nilang sabi
Bale taglilimang pares ng damit siguro kinuha nila. Tapos mamaya bibilan ko sila ng sapatos.
"Good evening po ma'am"sabi nung cashier. Pero evening na?? Ambilis ah
"Magkano po lahat?" Kumuha na ako ng card ko
"6,758.25 pesos po ma'am"sabi niya habang binabalot yung mga damit
"Eto po. Pakihiwalay po yung mga damit nila. Thanks po" inabot ko na yung card ko
Paglabas namin ng department store ay nagpasalamat na sila sakin
"Mag-ingat kayo ha!sa susunod gusto kong makita na suot nyo yang mga yan ha. Ingat kayo" at isa isa na dilang nagtakbuhan pauwi sa kanila
Sumakay na ko ng kotse. Nakakatuwa naman yung mga bata. Sa simpleng bagay ay napapasaya ko sila.
-----------------------------------------------------------------
Author's note:
Sana po subaybayan niyo to:)))
Comment for suggestions...
BINABASA MO ANG
Ang Boss Kong Bitter
RandomIsang jolly na babae at isang bitter na lalaki....ano kaya ang mangyayari kung maging sila? O magiging sila nga ba? Do you want to know the reason behind his bitterness??? Read 'Ang Boss Kong Bitter' (ABKB)