Cobalt's POV
Nagpahinga na muna kami ni Channy. Nakakapagod kaya tumakbo sa mga nagpapapicture samin. Kaya eto. Nakahilata kami ni Channy sa kama namin. Mag-gagabi na rin pala.
"Ambilis ng oras nohh??kuya??" Oo nga. At bukas uuwi na agad kami
"Channy,kelan ka nga pala magpapa-ayos ng kotse mo??" Remember may gasgas yun?? At ampangit nun tingnan
"Kuya patulong naman. Di ko alam kung saan magpapa-ayos eh" itong kapatid ko talaga may pagka bobita...
"Channy alam mo ba kung ano ang business ng family natin??" Tinanong ko talaga siya kasi naman....
"Hindi eh. Saka anong connect nun??" Bored niyang sabi sakin
"Aba!! Bobita ka nga Channy!! Sports car ang business natin. Tayo ang nagpoproduce ng 70% na sports car sa buong mundo-_-" baliw talaga tong kapatid ko eh
"Weh??? Kuya,joke time ka ha!!" Aba't hindi pa naniwala sakin. Sa pogi kong to. Di pa niya naisip na ipaayos na lang kay dad yun-_-
Knock knock
Archan's POV
Pumasok sila dad at mom na may suot suot na swimming attire???
"Mom magsiswimming tayo??" Gabi na po mga kababayan at malamig ang simoy ng hangin sa lugar na ito kaya't hindi ko malaman kung bakit ngayon pa??
"Yes! Night swimming!" Sabi ni mom at nagpunta sa cabinet ko para maghalungkat ng swimsuit. Buti na lang may dala akong pink na swimsuit hehe
"Dad!! Anong ginagawa niyo sa cabinet ko??" Yung reaksyon ni kuya akala mo kung ano eh.
"Cobalt naghahanap lang ako ng swimming attire para sayo. Kasi baka magbikini ka eh" at napuno na ng tawanan ang kwarto namin haha
"Mom sunod na lang kami ni kuya sa pool. Mauna na po kayo" sabi ko kay mom at pinagbuksan ko na sila ng pinto ni dad
"Channy patingin nga ng susuotin mo" inabot ko sa kanya yung bikini ko na color pink
"Palitan mo." Binato niya pabalik sakin yung damit.
"Ayoko nga!! Blehhh!!" At nagpalit na ko ng bikini. Tinakpan ko naman ng tela yung legs ko eh. Yung parang net na ewan. Basta yun na yun!!
Bumaba na kami ni kuya at andami atang tao dito sa pool. Tinawagan ko si mom pero hindi niya sinasagot
"Kuya nasan sila mom?" At ang tino ng kuya ko kasi tulala siya
"Kuya!! Kuya!!!" Winagayway ko yung kamay ko sa mukha niya para magising naman siya
"Ha?? Ay ano?? Ayun oh!! Sila mom at dad!" Weird talaga neto ni kuya.
Iniwan ko na muna yung phone at towel ko sa may cottage at magsi-swimming na sana ako kaso may biglang bumuhat sakin at...
"DAAADDD!!! WAG NIYO KONG IHAHAGIS!! WAG PO!!!" At ayun nakaramdam ako ng sobrang lamig na tubig. Parang nakainom pa ata ako eh. Yuck!!
Bahala nga sila jan!! Lumangoy na lang ako palayo sa kanila. Kasi tawa ba naman ng tawa sakin. Dapat i-enjoy namin to kasi uuwi na kami bukas at may trabaho na ulit ako.
Langoy dito langoy doon lang yung ginagawa ko hanggang sa may naramdaman akong humihila sa paa ko pababa.
Wahh!! Sino yun??? Papatayin niya ba ko??? Pinadyak padyak ko yung paa ko tapos sinipa sipa ko siya para makalayo siya sakin
"Sino yun??" Tanong ko pagka-ahon ko sa tubig. At nakita kong wala naman sila dad at mom. Nakita ko silang nag-iihaw. Si kuya naman nasa cottage at naglalaro ata ng phone
"Ayy. Sorry po. Akala ko kasi yung kaibigan ko" mukha naman siyang sincere at parang pamilyar siya sakin??
"Parang nakita na kita noon" sabi ko sa kanya
"Ha?? Hindi po ah. Ako pala si Joerence" sabay abot niya ng kamay
"Archan." Inabot ko naman yung kamay niya at nag sorry ulit siya.
Pumunta na lang ako kay kuya kasi parang ayoko na mag swimming. Pagtitripan ko na lang muna siya hahaha
TING!-----tunog ng bright idea
Kumuha ako ng dalawang plastic cup na may tubig galing sa pool. Hahaha. Ayaw pa kasi magpabasa ni kuya eh. Nagpo-phone lang siya kanina pa
"Kuya!" Paglingon ni kuya binuhos ko sa mukha niya yung tubig hahahaha at yung mukha ni kuya hindi maipinta hahaha
"ARCHAN!!!" Hinabol ako ni kuya. Ambilis niya tumakbo. Tumalon na lang ako sa pool at tiningnan ko si kuya kung nasan na siya
"Hala. Nasan na yun??" Bigla na lang may humatak sakin papuntang malalim
"Ikaw Archan!! Lagot ka sakin!!" At hinatak niya na ako sa malalim na part
Another bright idea...
"Wahh. Tulong. Kuya. Di. Ako. Maka. Hinga" lumulubog na ako ng unti- unti hanggang sa makaramdam ako ng kamay sa bewang ko na inaangat ako
"Hahaha. Huli ka kuya!!! Kala mo ha!! Bleh blehh!!" At ayun si kuya. Nagwalk-out
Laptrip talaga yung kuya kong yun. Tinawag na ko ni mom at dad kasi kakain na daw.
"Mom ansarap naman ng inihaw niyo" mapaparami ata ako ng kain neto ah
"Anak. Dahan dahan lang." Grabe to si dad. Dahil nahiya ako ng konti ay nagdahan dahan ako kumain
"Mom, dad yung kotse ni Archan na mustang nagasgasan pala." patay ka Archan.
"Ako na bahala dun" hayyy. Akala ko kung ano na. Ambait naman ni dad. Inhale. Exhale.
"Magpahinga na kayo Archan at Cobalt pagtapos niyo kumain. Kami na bahal ng mom niyo dito" gentleman kasi si dad eh. At dahil pagod ako ay sinunod ko na sila
"Pahinga na po ko mom at dad. Good night po" umakyat na ko sa kwarto namin ni kuya
Nakakapagod yung araw na to ah. Pero ang saya kasi sama-sama kami. Baka bumalik na rin sila sa America eh. Hayyy....
Makapagpahinga na nga..
--------------------------------------
Author's note:
Ayieee. Nagsisipag si author. Sana nagandahan kayo. Bawat mami-meet ni Archan ay may magiging role. Pero syempre extra lang yung iba hahaha
Labyah:*
BINABASA MO ANG
Ang Boss Kong Bitter
RandomIsang jolly na babae at isang bitter na lalaki....ano kaya ang mangyayari kung maging sila? O magiging sila nga ba? Do you want to know the reason behind his bitterness??? Read 'Ang Boss Kong Bitter' (ABKB)