Chapter 46

1.2K 33 20
                                    

New Year na agad!!! At dahil wala si mama at papa ay sasama ako sa mga kaibigan ko. Kaso parang hindi pwede kasi si MTB ay kasama ang gf niyang si Mikka. Yep, sila na without lettingme know. Kung di ko pa sila tinanong about sa kung anong plano nila ngayong new year eh hindi ko pa malalaman.

Yung kay Jessica at Terrence naman ayun. Nagliligawan. Inaya niyang magdate si Jessica. Sa bar sila nagkakilala. Kasi nagtatrabaho si Terrence sa bar niya. I don't know their story yet.

And si Joerence and Patricia sila na talaga dati pa. Hindi lang nagkekwento.  Remember nung sinabi ni Joerence na nag-away sila ng gf niya? Siya yung gf.

Kaya ayun!! May kanya kanya silang buhay. Si Kevin mylabs, hindi naman nag-aaya ng gagawin namin. Baka nga busy sa work yun eh. Marami kasing nagleave sa trabaho dahil nga Pasko at New year.

Hayyy. December 31 na ng tanghali. Si Kuya, sa barkada at magbabagong taon. Lonely? Buti sana kung andito manlang si Pry---

"PRYLX!!!!!!"

"Why? What happened!?" Bumaba siya galing sa second floor at hingal na hingal.

"Sorry. Hehe. Naalala kong andito ka eh. Where will we celebrate our new year??" ^____^ sana naman ay hindi siya busy.

"Sorry, but your brother wants to see me." Ayyy!!!! :((( Epal naman tong si Kuya eh. Kung kelan wala akong kasama saka hinahablot si Prylx....

"Okay, go ahead." Umakyat na ako agad at nagpunta sa kwarto.

To:Kevin mylabs
Wala ka bang plano para mamaya?

3...5...10 minutes na pero hindi pa rin siya nagrereply. Baka nga busy siya sa work niya. Kasi lagi naman yung nagrereply agad eh.

Nagbabad na lang ako sa bathtub for how many minutes at nagbihis narin ako. Hindi ko alam kung bakit nakadress ako ngayon. Sabi kasi nung intsek maswerte daw ang Blue ngayong taon (echos lang po yun) tapos maganda din daw kung ang sapatos ay may parang tali tali. Kaya nakablue dress ako at white sneakers. Bagay naman siya kung may pupuntahan ako kaso...nganga.

Makatulog na nga lang.

Ikaw parin pala ang hanap hanap~

Parapap~

Na kahit magpanggap di matatago~

Na ang yong yakap~

Ang hanap hanap parapapap~

"Helloooo.." inaantok pa ko. Sino ba tong tumatawag?

[Be ready in 3 minutes.]

Call ended

3 minutes pa naman daw eh. Tutulog na lang ulit ako....

Ikaw parin pala ang hanap hanap~

Parapap~

Na kahit magpanggap di matatago~

Na ang yong yakap~

Ang hanap hanap parapapap~

"Hellooo. Sino to?" Kanina oa may tumatawag ha. Di ba nila alam ang salita wag mang istorbo?

[Kevin.] Bigla akong napabangon sa kama at tiningnan ang caller.

"Sorry. Bakit Kevin mylabs? May kelangan ka?" Wala na ba siyang trabaho?

[Tsk. I told you a while ago that I will be here in 3 minutes and it seems like I'm disturbing the sleep of my princess.] Nakakahiya. Nakikita niya ko?? Sinuot ko agad yung sneakers ko at kinuha ang wallet ko.

"Bababa na ko. Wait lang talaga. Sorry ha." Pinatay ko na yung tawag at dali daling nagsalamin. Okay na yan. Konting suklay na lang.

"Grabe ka naman Kevin mylabs! San nga pala tayo pupunta?? At---" same kami ng color ng damit!!! Nakalong sleeves siyang blue!!!! Meant to be forever na ba kami??

"Secret." Sabi niya habang nakangisi

"Damot. Oo nga pala. Yung regalo ko sayo, bakit hindi mo suot?" Tiningnan niya ako at binalik ang tingin sa kalsada. Mahirap na, baka mamatay ng maaga

"Hindi ko kayang mag-isa. You better help me." Sus. Yun lang pala. Tinuro niya yung regalo kong wala ng balot.

Isang necklace at bracelet lang naman na panlalaki ang regalo ko sa kanya. May nakasulat na Kevin sa necklace. Bale, Kevin yung mismong pendant nung kwintas at yung bracelet naman niya ay oang masculine.

Inabog niya sakin yung kanang kamay niya at sinuot ko iyon. Sinuot ko din sa leeg niya yung kwintas.

"Do you know why I gave you my right hand for the bracelet?" Tanong niya pero umiling lang ako

"Because I want you to be alwayshere, right beside me." Wahhh kinikilig na naman ang lola niyo!!!

Nandito kami ngayon sa MOA. At masaya yun!!! Kasi hindi pa ko nakakapanuod ng fireworks display dito! Balita ko nga may labanan ng fireworks display eh. Iba't ibang bansa ang naglalaban.

Nakapwesto na kami ni Kevin mylabs ng bigla siyang nagpaalam na bibili ng pagkain. Wag daw akong aalis kasi baka maagawan kami ng upuan.

"Miss may nakaupo na ba dyan?"

"Ah opo. Meron na. Dun na lang po kayo sa bandang likod. Meron pa ata." Sabi ko dun sa lalaking lumapit.

"Eh panget na yung view dun, miss." Eh anong pake ko dun?

"Talagang magiging panget ang view dun kasi mabubugbog kita pag hindi mk pa tinigilan ang asawa ko." Wahhh!!! Asawa daw!!! ^//////^ Ene be!!!

"Buti na lang dumating ka Kevin mylabs, kung hindi baka napakitaan ko na yun ng martial arts." Natawa naman siya sa sinabi ko pero tumigil din

"Betrilliana, I don't want to see you smiling with other guys. Except me. Okay?" Selos ba siya? Kasi kung oo, kinikilig na ko!!!

"What about hugging???" o____O curious lang ako kung pwede

"I don't think that it's a great idea. If you want to hug someone, then you can freely hug me." Siya nagsabi kaya niyakap ko siya agad. Ambango niya talaga

Boom!! Boom!! -----fireworks display

"Ang ganda dito Kevin mylabs. First time ko dito." Sabi ko habang nakaakbay siya sakin

"Yeah. You're beautiful." Ano daw?? Di ko marinig

"Ha???" Biglang nagsalita yung emcee at magsisimula na ang counting ng 10 seconds

"3....2......1...." tinanggal ko yung pagkakaakbay sakin ni Kevin mylabs at nagtatalon. Baka sakaling tumangkad ako.

"Happy New Year Kevin mylab!!!^___^" sabi ko sabay halik sa pisngi niya. Tumawa na naman siya. Nagiging comedian na ba ko?

"Inuna mo pang tumalon bago mo ko batiin haha." Kaya siya tumatawa dahil don? Tsk. Babaw.

"Mahirap na noh. Baka hindi ako tumangkad."

"Tumangkad ka man o hindi, you will always be here in my heart." Guys. Ene be nemen te!! Nekekemetey eng keleg!!

Napagpasyahan na niyang ihatid ako sa amin.

"Goodmornight na Kevin mylabs!! Ingat ka!! Sweetdreams!!!" Aalis na sana ako at papasok sa gate ng bigla niya kong iharap sa kanya at halikan.

OMG!!!!!

Nagkiss na naman kami!!!!!!!! Slowmo pa nga ata tong halik namin eh. Wala akong ibang magawa kundi ang kiligin!!! Pagmulat ko ng mata ko ay bumungad sakin ang nakangiting si Kevin mylabs.

"Yeah. I will have a sweetdream." Then he winked. At umalis na.

"Prylx! Kanina ka pa jan?" Nakita ko si Prylx na nakatabi sa akin

"Why?" Seryoso naman niya. New year na new year tapos nakabusangot ang mukha.

"Happy New Year!!!" Niyakap ko siya at tumalon talon

"Kelangan mong tumalon para tumangkad ka. Tara. Let's sleep na Prylx!^__^"

Ang Boss Kong BitterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon