Chapter 23

706 27 0
                                    

"Ay kabayo!!!" Nakakagulat naman yan. May batang lalaki kasi na lumapit sakin

Wala namang bata dito kanina ah. Tumaas tuloy yung balahibo ko.

"Bakit baby?" Lumapit ako sa kanya saka ko siya binuhat. Parang 4 years old palang siya.

"Haha. Namyu" lah?? Baby?? Namyu??

Nilabas ko na siya ng kwarto kasi hindi ko naman siya kilala. Kaninong anak to?? Raise your hand!!

Babasahin ko pa naman sana yung letterna nakasulat kaso wala. May sumulpot na cute na cute na baby

Ampunin ko kaya?? Hahaha ang chotchot niya talaga.

"Huy! Archan kanina pa kita hinahanap ah" si Lawrence lang pala

"Lawrence kita mo oh. Ang cute niya" buhat buhat ko parin kasi siya

"Akin na nga. Jared balik na dun sa room mo. Sleep na" binaba niya ung batang cute tapos pinaalis pa niya. Ansama niya!!!

"Lawrence!! Wala na!! Bat mo pinaalis??" Kainis naman to oh.

"Pinapatulog ko lang. Tara samahan mo ko sa Boss mo" kanino kayang baby yun. Aampunin ko na lang hahaha xD

"Kaninong anak yun Lawrence?" Hindi ako pinansin. Naglakad lang siya tapos pumasok sa isang kwarto.

Bastusan?? Nagtatanong ako dito eh. Makapasok na nga lang.

*O*

Ang ganda. May mga painting ni Boss. Puro mukha niya haha. Joke. Syempre hindi naman tadtad ng mukha niya. Kaka-umay yun. Haha

May tumawag kay Lawrence kaya umalis na siya. Sabi niya ako na daw bahala kay Boss. Hala ka!! Wala nga akong alam dito eh.

"Boss anong gusto mo??" Tanungin ko ba naman yung tulog kung sumagot haha

"Magpahinga ka na nga lang" bakit kaya nilagnat si boss??

Binigyan ko lang naman siya ng kape saka frappe ah. Pwede ba magkalagnat ang isang tao kung dahil lang naman sa isang ganun??

Baka pagod lang si Boss. Anong oras na nga ba??

7:38 pm

Patay.. text ko na lang si kuya na male-late ako ng uwi. Gabi na pala. Hindi pa ko kumakain

To:Cobalt

Sorry kuya. Baka malate ako ng uwi. Basta uuwi ako. Byebye

Hindi na siya nagreply kaya lumabas na muna ako ng kwarto ni Boss. Hahanapin ko na lang muna yung kusina

"Excuse me po,pwede pong makikain??" Tanong ko dun sa maid. Nakakahiya naman. Makikikain ako haha....

Tinuro niya sakin yung table na nakaready na pala para sa pagkain ng hapunan

Kakain na lang ako pero nakaka-ano tong mga maids eh. Iba yung tingin eh.

"Ahh. Bakit po??" Tanong ko sa kanila.

Napatingin sila sa likod ko kaya tumingin din ako at nakita ko ang isang adonis na may buhat na cute na baby. Wahh!!! Si Boss ba yan???

Hindi na ko kakain. Busog na ko. Hahaha ang landi ko. Syett. Nakasando and shorts lang si boss tapos nakapantulog na si baby Jared

"Alis jan. Pwesto ko yan eh" pinapaalis niya ko?? Sama naman. Kumakain yung tao eh

"Sorry naman" umalis na ko saka ko inubos yung pagkain ko hihihi

Ang cute ni Jared. Sinusubuan siya ng mga maids. Tapos may milk pa siya. Wahhh!!! Akin ka na lang baby!!!

"Boss kanino po siyang baby?" Tanong ko kay Boss na busy sa pagkain. Gutom??

"Mine"

"Wahhh!!! Akin na lang po!!" Ay nakakahiya. Sinabi ko ba yun??  "Hmm. Sorry po?? Hehe. Joke lang"

Napatawa ng saglit si Boss tapos may binulong na ewan.

Bumalik na sa kwarto si Boss tapos sumunod si baby Jared. Wah. Baby. Come to mommy. Im your mommy now. Muahahaha. Kidnapin ko kaya to??

"Jared. Psst. Jared!" Bulong ko kay Jared. Bulong lang para di marinig ni boss haha

Lumingon siya tapos lumapit sakin. Wahhh. Akin ka na ngayon muahahaha. Binuhat ko siya tapos tumalikod na. Iuuwi kita haha

"What are you doing?" Patay...nakita ni Boss.

"A-Ano. S-Susunod po sa inyo. O-Opo susunod"

"Okay" nakahinga ako ng maluwag dun ah. Bigla namang tumawa ng malakas si Jared

"Ahihihi. Nyah nyah" Feeling ko one year old pala si Jared. O baka two. Basta ang cute niya

"Come to daddy" hala ka. Daddy na siya?? Hindi na siya single?!?!?!

"Anong mukha yan Archan?"

"W-Wala po hehe" nakakahiya. Nakita pa ata niyang nanghihinayang ako haha

Asan na kaya yung mommy niya?

Napalingon sakin si Boss. Wait. Don't tell me na nasabi ko yun??

"Nasabi ko po ba??" Napatawa siya. Patay.

"Haha. Sit here" nakahiga kasi siya tapos katabi niya si Jared. Tapos pinapaupo niya ko sa tabi niya. Wah!!! Im so kinikilig. Ahihihi>___

"Boss may lagnat pa po ba kayo?" Hinawakan ko yung noo niya kaya napaso ako. Ansaket. Naman.

"It's okay. Umuwi ka na" wag naman. Pinapalayas mo na agad ako mylabs??

"Di na po. Gusto ko pa mag-stay hehe. Kung okay lang^__^V" Jared baby. Haha

Hindi naman na siya nagsalita kaya payag siguro siya. Ayy!! Nakalimutan ko yung gamot ni Boss

Kumuha ako ng isang basong tubig saka yung capsule na para sa lagnat.

"Boss. Bangon po muna. Inom kayo ng gamot" bumangon naman siya agad tapos natulog ulit

Ang pogi talaga niya. Matangos na ilong,mahabang pilikmata,pink lips. Haha naiinlove naman aketch. Haha. Ampogi niya talaga!! Kakainis..tapos si Jared nakayakap kay Daddy Kevin wahhh. Sana ako na lang mommy niya. Tapos ako yung asawa niya ahihihi \\^___^//

"Sana ako na lang Mommy mo Jared. Tapos siya Daddy mo hihi" ang haliparot ko naman. Kung ano-ano na tuloy naiimagine ko haha

"Im fine with it :)" what the?!?! Gising siya??

"A-Ahmm h-hehe. S-Sorry p-po" nakakahiya. Feeling ko sobrang pula na ng mukha ko ngayon

"No,it's okay. You're so cute!!" Aray ko naman!! Yung pisngi ko kinukurot niya. Pero oks lang haha. Kinikilig ako

Ayoko na magsalita. Kinikilig ako eh.

"Boss matulog na po kayo. Baka lumala sakit niyo" hindi naman siya umangal kaya baka nakatulog na rin siya. Inaantok na rin ako. Kaya byebye world na

"I love you"



-----------------------------------

Thank you guys!!! Support me po!!! Labyah alll :**

Ang Boss Kong BitterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon