Hayyyyy. Isang buong araw na naman ng nganga sa apat na sulok ng kwartong ito kasama ang bipolar na boss ko. Hayyyy. Ang lalim nun ahAno kayang pwedeng gawin? Ahmmm. Syempre magtrabaho. Parang tinatamad ako ngayon. Bakit kaya??
Alam niyo yung feeling na parang may bad elements dito
"Schedule." Ha?? Anong schedule sinasabi niya??
"Ano pong gagawin ko sa schedule niyo?" One word lang sinabi niya eh. Alangan maintindihan ko diba?? Baka ipasunog pala niya o ipaprint
"Tell me" dapat sinabi mo agad hayyy...yun lang pala eh
"You don't have any meeting sir, all of it was can----" wait wala akong cinancel dito ah!!!
O___O
"WAHHHH SIR!!!! WALA AKONG CINANCEL. PROMISE!!! SIR. WAHHHH SORRY. GAGAWAN KO PO NG PARAAN. PROMISE. WAHHHHH!!!" Wala talaga yun eh.
I double check ko yung computer pero wala eh. Pinukpok ko na nga yung monitor kaso wala talaga. Tiningnan ko rin yung folders. Ilalim ng lamesa. Yung sofa pero wala talaga eh. T___T
"Sir...ahuhuhu. sorry. Pero wala talaga akong cinacel dun eh. Wah!!!" Tumawa siya bigla. Ano ba yan. Wala ko sa mood para makitawa eh
"Haha. I canceled it all" ha??? Pinaghanap niya ko tapos wala naman pala akong dapat hanapin?!?! Pero,pinaghanap niya ba ko??
"B-bakit?"
"We have a date. Remember?"
Mall
"Gutom na talaga ako"
"Where do you want to eat?" Yess. Nagaaya na siya kumain
"Greenwhich!^_^" masarap daw pizza dun eh saka lasagna
"No. We'll eat here" sinimulan na niya kong hatakin. I mean kaladkarin papasok sa isang formal dining na restaurant
"Hindi ako nakaformal na suot." Buti pa siya kasi nakasuit siya eh
Pero kinaladkad na niya ko agad papasok
"Kevin may fifill up-an" pero iniwan na niya ko at naupo. Gentleman talaga kainis
Pagtapos kong magfill up pumunta na ko para maupo kaso hindi manlang niya pinagayos ng upuan. Yung sa panood. Kaso wala tinitigan niya lang ako. Aish!
"What do you want to eat?"
Tinuro ko na lang sa waiter yung gusto ko kasi di ko alam yung basa dun. Mukha namang masarap yung inorder ko. Makakakain na rin ako
"Not that. This one and this one for two" ano ba yan?!?! Nagtanong pa siya kung siya rin naman yung masusunod!
Dumating ma yung order pero nakasimangot oa rin ako. Sino ba naman di maiinis diba??
May appetizer munang binigay bago yung main dish. Masarap naman sana kaso hindi ko talaga feel yung pagkain. Aist!!
Hindi pa ko tapos kumain pero nagbayad na agad siya sa waiter tapos tumayo. Aba!!! Iniwan ako ditong mag-isa.
Paglabas ko nakita ko siyang nakatayo sa labas at naghihintay. Wow. Siya pa ang galit ha! Sarap ipakain sa pating eh!
Kinaladkad na naman niya ko papuntang arcade ata. Hayyyy.
"What do you want to play?" Sus. Magtatanong na naman tas di na naman ako yung masusunod. Paasa kasi. Kainis!!
Hinatak na niya ko papuntang basketball. Mukha siyang nag-eenjoy pero eto ako nakatayo sa gilid at nakahalukipkip. Hindi naman ako makaupo kasi may mga nakaupo na. Hinatak hatak na niya ko papunta sa kung saan man. Di ko alam kasi wala ako sa mood tingnan yung mga ginagawa niya. Pero nasa arcade pa naman ata kami.
Naramdaman ko naman na kinakaladkad na naman niya ko. Ansakit na ng pulso ko ha!
*0*
Yehey. Cinema. Gusto ko pa naman manood nung Beauty and the bestie!!! Comedy at romance. Ayieeehhh. Yung Jadine andun hahaha. Pati si vice at coco. Maganda ata yun eh.
"What movies are there?" Ayy kala ko ako yung tinatanong. Sasabihin ko na lang mamaya
"Kevin, yung beauty and the b---"
"Two seats for that" ayy kala ko yung gusto kong panoodin
Nakakainis naman to. Date ba to?!?!
May dala na siyang pop corn. Isang popcorn. Meron ding coke in can. Isa lang din. Ano to??? Kanya lang???? Dapat sinabi man lang niya para bumili na lang ako ng para sakin diba???
Nagsimula na siyang pumasok sa loob kaya sumunod na ko. Hindi ko alam kung ano yung palabas kasi wala naman akong pakielam eh. Panget ng panood. Ni hindi ko nga alam yung title eh.
Kotse
Nandito ako ngayon sa loob ng kotse at basang basa. Sa ulan at sa luha. Masakit sa puso. Masakit sa pakiramdam. Mapahiya,masisi, at lahat ng halo halong pakiramdam.
Flashback
Nakatulog pala ako dito sa sinehan. Wait. Tapos na yung movie?? Kokonti na lang ang tao at wala na yung katabi ko. Iniwan niya ko??
Ano ba yan. Naiwan. Hayyy. Paglabas ko nakita ko si Kevin naghihintay sa labas at nakasandal sa pader at may inis na nakaguhit sa mukha niya.
"sorry nakatulog ak---" kinaladkad niya ko papuntang parking lot. Hala. Nakakahiya naman dito yung mga tao pinagtitinginan kami. Buti na lang at nandito na kami sa tapat ng kotse niya. Binitawan niya ko ng marahas. Awtss. Ansakit sa pulso. Feeling ko matatanggal na at hihiwalay yung kamay ko sa braso ko.
"You know what?!?! I've been controlling myself! You always look like you don't care and it's like Im just pushing myself on you! First in the restaurant, you don't eat too much!! Second, in the arcade!! Then in the cinema!! You just slept there!! You don't care on this date!!" Sabi niya na parang nanggigigil at nagpipigil ng galit
"Tapos ka na ba? Bakit ako ang sinisisi mo sa lahat?? Its not my fault. Why do you keep on blaming me and make me look that this is all my fault and you have done nothing. Una sa restaurant ba?? Yung suot ko hindi formal, yung gusto king restaurant hindi nasunod. Pero okay lang kasi baka ayaw mo dun. Pero yung iwan mo ko habang kumakain pa ko tapos pinamukha mo pang kasalanan ko yun?! Lagi mo akong hatak hatak. Oh! Let me rephrase it. Lagi mo kong kinakaladkad! Sa arcade nga ikaw na naman nasunod eh. Ako na nga ang nagbigay sayo baka kasi dun ka masaya. Sa sine!! Akala ko yun na yung time na mapagbibigyan mo ko at ako na ang masusunond sa gusto kong panoodin pero hindi parin pala. Yung pagkain nga para sayo lang eh. Tapos iniwan mo ko at kinaladkad mo pa ko dito!! This is not my fault!!!! Why do you keep on blaming me!!!"
Di ko na napigilan at naiyak na ko ng tuluyan. Tinalikuran ko siya at iniwan dun. Bahala na siya sa buhay niya. Magcocommute na lang ako. May pera naman ako.
Hahaha!! Ang ganda naman ng paligid oh. Umuulan. Nakikisabay sa nararamdaman ko. Maganda yan. Para ipamukha lalo sakin yung nararamdaman ko hahahaha. How fair it is,right?
Kanina pa ko naghihintay ng taxi, jeep, tricycle pero wala. Gabi na rin kasi. Hindi na ko nagabalang sumilong kasi basa narin naman ako eh. Wala na kong magagawa pa
Beep beep
"Hop in" hop in mo mukha mo.
"Hop.in." tinitigan na niya ko ng masama at ramdam ko yung galit niya
"In a count of three"
End of flashback
Andito na pala ako sa tapat ng bahay. Nagdoorbell na ako at hinintay na pagbuksan ng gate. Hindi parin umaalis yung kotse niya. Tss. As if naman may gagawin pa siya dito.
"Sor---" di ko na narinig yung sinabi niya kasi pumasok na agad ako sa loob
---------------------------------------
AN:
Comment naman po please. Kahit isa lang. Ask ko narin kung bakit may lumalabas na ganto:
Ajda1682749wkhe728aje5q7si
Kapag binabasa ko yung preview. Answer naman po. Saka comment po sa nagbabasa. Thank you. :***
BINABASA MO ANG
Ang Boss Kong Bitter
RandomIsang jolly na babae at isang bitter na lalaki....ano kaya ang mangyayari kung maging sila? O magiging sila nga ba? Do you want to know the reason behind his bitterness??? Read 'Ang Boss Kong Bitter' (ABKB)