Chapter 1

2.1K 52 0
                                    

Author's note:

Sorry po kung hindi man kayo magandahan sa story...this is my first time po kasi kaya sorry sorry...I hope mag-enjoy parin kayo. At sa mga same names at events na mababasa niyo ay hindi ko sinadya, coincidence lang po.

-----------------------------------------------------------------
Bae's POV

Haaaayy....wala na talagang tatalo sa kaboringan ng bahay na tooo...wala si mom at dad. Laging busy sa work. Punta Korea tapos lipad sa New York. Buti sana kung kasama nila lagi ako para enjoy enjoy ako dun.

Wala naman akong trabaho at graduate na ko.
Tapos si kuya naman busy dun sa business nila mama.. mga maids lang kasama at kabonding ko. Kasi busy mga friends ko.

Nakalimutan ko magpakilala hahahaha..Ako nga pala si Betrilliana Archanny Espinosa. Bae for short haha (bae as in b-e-y) trip ata nila mom at dad name ko eh hahaha. Pero mas mabantot yung name ni kuya hahahaha. Di ko na sa sabihin kasi parang ewan lang. Nakagraduate na nga pala ako sa Ateneo. May pera kasi kami kaya ganun. Pero wala akong mga awards na nakuha. Graduate lang talaga hahaha. Buti nga nakagraduate pa saka di naman required ang may awards eh hehe >_<

Back to the topic...nakakabagot dito. Ayoko namang pasukin yung business namin kasi di ko feel. Para kasing ewan lang. Graduate kasi ako bilang PE teacher hahaha tapos business hahawakan ko parang ang weird lang.

Nagtry ako noon sa isang private school for experience pero grabe lang!!!

Napakaarte ng mga brat na yun. Kesho daw mainit. Kesho iitim sila. Kesho-kesho-in ko talaga yung mga yun.

Kaya hindi ko na tinuloy..nag 1 year experience lang ako dahil di ko carrybells yun.

As of now, team bahay lang ako....

"Ate Rose! Patimpla po ng gatas! Thanks po!" Wagas makautos noh hahaha. Ganyan talaga.

"Ito na Archan. May trabaho ka na ba?" Close talaga ako sa mga kasama namin sa bahay. Sila na lang kasama ko alangan sungitan ko pa diba. Ang epal lang pag ganun haha. At Archan ang tawag sakin ng mga maids. Ayaw nila ng bae haha

"As usual ate! Wala! Kaasar lang talaga.."sabi ko ng may halong inis.

"Diba may internet naman kayo..dun ka na lang maghanap" si ate na may convincing smile

"Hindi rin nama---OO NGA!!! Ang talino mo talaga ate Rose!!!" sabi ko na may sparkling eyes pa.

Tapos nun umalis na siya at naglaptop na ko. Grabe lang...hindi ko yun naisip. Nakakaasar hahahaha. Ang boba ko lang. Kainis.

Nagsearch na ko ng pwedeng applyan. Gusto ko sana yung malapit lang at yung naka-aircon para hindi huggard yung magiging itsura ko.

Hanap

Hanap

Hanap

Ayun!!

May vacant daw sa isang hotel...wait bakit ganun??? Janitor pala hinahanap.. ang sh***t lang ha!!! Kaasar!!

Hanap ulit

Hanap lang

Eto sure na!!

Sa isang company naghahanap ng secretary!!! Hahahaha kung sinuswerte ka nga naman..

Nag-apply ako through internet pero magpupunta parin daw ako bukas sabi ni Ms. Leila. Ang bilis makahanap..yung business nila mom ayaw ko pero yung sa iba gusto ko hahaha.

Pero mas masaya kaya yun. May thrill sa buhay. Kasi kapag kila mom, may favoritism kasi anak nila ako. At nagbibigay lang sila ng pera sakin. Nakakahiya naman kasi 20 yrs old na ko pero palaasa parin ako.

Mabuti na to para magtyaga naman ako at wag umasa sa iba. Pero syempre di ko muna sasabihin kay mom kasi baka ma beast mode siya.

Matutulog na ko..baka magka eyebags pa ko bukas..

Wala pa pala akong susuotin..
Ayy yung dress na lang na pink tapos black na doll shoes okay na siguro yun?? Bahala na nga.
Makatulog na nga lang

Kinabukasan

"Archan!!! Bangon na iha!!! Diba magpupunta ka na sa Sylvestris Company!!" sino ba yung sumisigaw. Ang aga aga pa eh

"Ano po bang problema jan?!?!" inaantok antok pa ko...

"Archan mag-aapply ka ngayon diba" sabi ni manang na niyuyugyog na ako

"Anong alay sinasabi mo manang...ang aga aga tap-----MAG-AAPPLY NGA PALA AKO!!!" bigla akong nagising. Grabe lang to ha. Alay alay pa kong nasasabi eh apply pala yun.

Nagmadali na ko at may pagkain na nakahanda sa lamesa.

"Kuya Robert paki ready na po yung kotse ko. Thanks po" Siya yung driver kaso minsan lang. Kasi nagsosolo ako minsan

"Archan ano po bang gagamitin nyo?"nagmamadali siyang kumilos

"Yung jaguar na lang po thanks" nagmadali na akong ubusin yung pagkain. Lima kasi kotse ko eh. Puro sports car kasi mahilig ako dun at regalo sakin ni dad yun tuwing bday ko haha.

"Manang kumain na din po kayo dito. Aalis na po ako" tumatakbo na ko paalis ng mansion.

Nagmadali na ako kasi 7:35 na eh 8:00 yung usapan. Mahirap malate kasi mag-aapply pa lang ako. Nakakahiya naman.

Pagpasok ko dun sa Sylvestris company ay napamangha ako..grabe to. Ang laki nung parking lot to the point na wala na akong maparking-an.

"Excuse po kuya guard, san pa po vacant na parking lot?" grabe to ha andami palang employees dito

"Sa may row 5 po ma'am. Ang ganda nga po pala ng kotse niyo...pati kayo" sabi ni kuya guard pero di ko na masyadong marinig kasi malelate na ko 5 minutes na lang noh...

"Sige po thanks!!" pinaharurot ko na agad yung jaguar ko.

Nagtatakbo ako papasok buti na lang at nakaflats ako ngayon at medyo mahaba yung dress ko.

Pagpasok ko sa elevator ay may nakasabay ako lalaki na gwapo hehehe eng lende ke nemen...kaso parang badmood. Nakatuxedo at mukang business man. Hangyaman nya haha

Pero nagmamadali na ko kaya inunahan ko siyang lumabas sa elevator kaya lang nasagi ko siya

"What the?!?" sabi ni sir pogi na badmood

"Sorry po sorry po" Di ko naman sinasadya eh. Nagmamadali lang. Sorry naman

Umalis lang agad siya at hindi na ko pinansin

Sino kaya yun??? Parang ang dark ng aura. Kala mo kakain ng buhay na tao eh...

-----------------------------------------------------------------

Author's note:

Sana nagandahan kayo sa first chapter. Suportahan niyo po sana to hahaha. Mandatory yan haha

Ang Boss Kong BitterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon