Chapter 5

1.2K 38 0
                                    

Hindi parin maalis sa isip ko yung sinabi ni boss kagabi. Naglalakad ako papuntang office na lutang. Hindi yung lumulutang as in ha. Parang wala sa sarili ganun. Kasi grabe hindi ko mahets yung sinabi niya.

"That girl made me"

Sino bang girl?? Eh wala naman akong kilala na girl sa buhay niya. Wala nga akong kaalam alam sa kanya eh.

"Huy! Lalim ng iniisip mo ah" sabi ni Lawrence

"Ay bakla!  Ano ba yan. Nagulat ako dun" hinampas hampas ko si Lawrence

"Hindi ako bakla ha. " defensive niyang sabi

"Rence,favor lang. " Rence na lang para umiksi name nya haha

"Ano yun?" parang nagtataka siya na look

"Kwentuhan mo ko about kay boss" seryoso ako pero mukha siyang nagpipigil ng tawa

"Bakit naman?" Parang hindi na nya mapigil yung tawa niya kasi namumula na siya

"Tumawa ka nga muna! Asar ka naman eh" Kakaasar tong lalaking to

"Hahahahahahahaha" tumawa nga talaga siya. Epal to. Batukan ko to eh

"Magkwento ka na" para itigil niya na yung tawa niya eh nagsimula na ko

"Mamaya ng lunch. Beast mode na naman boss mo. Hahahaha" umalis na rin siya

Pumasok na ko sa office at ano pa bang bago. Beast mode si boss

Pagtripan ko kaya?? Hindi naman ata niya ko mapapansin eh

"Huy! Boss!!!" Sinadya ko talagang informal yung pagsasabi ko. Para pansinin nya ko

"What did you say?" binibitawan niya na yung mga papel

"Boss? What's wrong with that?" Im wearing my innocent face. Hahahaha

"Don't use informal language here." nagpipigil na siya ng galit

"Boss. para yun lang naman eh" nakatayo parin ako sa harap niya haha. Di pa ko pumupunta sa table ko eh. Pagtitripan ko pa siya eh

"I don't care. Do your work now!" hindi niya parin tinatanggal yung mga mata niya sa papel

"Ayoko nga" Hindi ko na mapigil yung tawa ko. Kasi seryoso siyang tao

"Ok. I'll fire you instead" nakangisi at nakatingin siya sakin.

"Sir. Hindi naman po kayo mabiro. Magtatrabaho na po. Eto na po oh" nagmamadali ako pabalik sa table ko. Mahirap na noh

"Ahaha. You're crazy" bulong niya ng mahina. Kaya nga bulong eh kasi mahina. Alangan bulong na malakas pero.....WAIT!!

"Ahaha. You're crazy"

"Ahaha. You're crazy"

"Ahaha. You're crazy"

Nag loloading pa yung utak ko

10%

35%

50%

85%

99%

100%

TUMAWA SI BOSS!!!!! WAHHHH. Magugunaw na ba yung mundo

"WAAAHHHH!! Boss tumawa kayo. Waaahhh. Tumawa talaga kayo!!" tinuturo turo ko pa siya tapos nagtatalon sa tapat ng table niya. Grabe. First time in history. Tumawa siya

Bigla niyang dinampot yung telephone niya tapos may tinawagan ata

"Excuse me. Call some guards please. Someone is---" hindi niya natapos yung sasabihin niya kasi inagaw ko na yung telepono.

Ang Boss Kong BitterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon