"If you don't know, its already 5 pm" wehh??? Ganun ako katagal nagpasikot sikot para iwasan si Kuya guard. Di ko pa natanong name niya.
"Sorry, tanghali akong nagising eh" tumigil siya sa paglakad at pumasok sa elevator. Sumunod din ako kasi binitawan na niya yung kamay ko.
"Bakit?" Tinitigan niya ko sa mata ko...*////* ene be!! Nekekeleg ne nemen eke. ^/////////^
"Hey! You didn't answer my question!" Sorry na ahihihi
"S-Sorry. Nilagnat kasi ako. Remember, nagpa-ulan ako nung d-date natin saka nung nasa park tayo. Hehe ^__^V"
"I'm sorry"
Wahhhh!
Concern ba siya sakin?!?!?! Hinawakan niya yung noo ko at leeg. ^//////^ feeling ko tuloy lalagnatin ulit ako. Umiwas ako ng tingin para hindi na niya ko mahawakan.Pagpasok namin ay nakita ko kaagad si Trina naghihintay at w0w...ang sexy ng suot niya. Red na dress. Basta ang sexy niya!!!! Hart hart ko siya. Parang bagay tuloy sila ni kuya guard.
Sh*t! Si kuya Guard!!!! Naiwan na dun. Hindi pala siya naiwan. Nauna na pala siya dito. Anong ginagawa niya dito?
Hindi narin naman ako nakapagtrabaho kasi diba nga 5 na ko dumating edi tapos na lahat ng meeting ni Kevin mylabs.
Lumabas muna ako saglit kasi titingnan ko sana kung nasan si MTB pero sabi nung kambal ay umalis na daw kanina pa. Di man lang nagtext sakin. Matext nga muna.
To:MTB
Hoy. Di ka manlang nagtext sakin.Hindi siya nagreply. Baka pagod na yun kaya nagpahinga na. Bumalik na rin ako sa office at hinintay si Kevin mylabs kung may iuutos pa siya.
Ring Ring
Sinagot ni Trina yung tawag sa phone niya at nagpaalam din agad.
"Kevin, alis na ko ha" Nagbeso muna siya kay Kevin mylabs KO bago siya umalis. Nagseselos tuloy ako. Di ko pa siya nakikiss eh tapos may nanghalik na sa----!!!!! >_____< Wahhhh. Feeling ko naiinis na ko.
Lawrence's POV
Hahaha. Nakakatawa nga naman. Pinaglalapit ko si Vin at si Riri at ngayong magkalapit na sila ay heto ako naglalasing.
Nandito ako sa bar na pinagtatrabahuhan ni Terrence. Siya narin ang nagserve sakin.
Hindi naman ako masamang tao diba? Nagmahal lang ako ng taong may ibang mahal. Haha natatawa ko sa sitwasyon ko. Pinagseselos ko si Vin para gumawa na siya ng paraan para mapalapit kay Riri. At heto ako ngayon, nagdidiwang!
"Haha! Hoy! Kayong mga nandito! Masama bang magmahal?!?! Ha!!" Tinitigan ako ng mga tao pero wala akong pake. Hindi naman ako nagwawala eh. Nakaupo lang ako at sumisigaw.
"Sumagot naman kayo!!!" Ngayon naman ay naiiyak na ko. Napakawalang kwenta ko!!!! Bestfriend ako ni Vin eh!!
Flashback
"Katrina parang hindi ko kaya yang gusto mong gawin." Sabi ko sa kanya habang nadito kami sa isang coffee shop
"Isipin mo na lang na mapapasaya mo si Kevin at si Archan pag nagawa natin to." Inubos ko ang kape ko
"Sa tingin mo ba ay magugustuhan ni Vin na pinagpaplanuhan natin to? Pinagpaplanuhan yang gusto mo?" Hindi siya sumagot kaya pinagpatuloy ko
"Naging kayo ni Vin noon diba? Naghiwalay kayo ng dahil kay Jared. Hindi ka pumayag na ampunin niya si Jared dahil galing siya sa isang mahirap na pamilya. Nagkaroon ka rin ng scandal at hindi ka kinampihan ng pamilya mo, kahit si Kevin ay hindi ka kinampihan. Sa tingin mo papayag ako sa plano mo? Paghihiganti nga ata ang gusto mong gawin eh. Sabihin mo nga." Tiningnan niya ko ng masama saka nagsalita
"Hindi mo alam ang pinagdaanan ko, Lawrence! Pinandirihan ako ng pamilya ko! Pati si Kevin na inaakala kong kakampihan ako ay wala! Hindi siya naniwala na paninira lamang yun sakin para hindi na ko sumikat! At si Jared, oo ayoko siyang ampunin ni Kevin pero hindi dahil sa mahirap lang ang pamilya niya! Selfish ako! Gusto ko akin lang siya! Pero noon yun! Siguro noon gusto kong maghiganti dahil sa ginawa niya, pero noon yun. Nagbago na ko! Isang taon na rin ang nakalilipas! At dama ko, damang dama ko na nasa puso niya parin si Archan!" Iniwan niya kong nag-iisa habang umiiyak siya
End of flashback
Masakit! Plano lang naman namin ni Katrina na ibalik yung dating Kevin at Archan pero nagustuhan ko si Archan! Sh*t! Mahal ko na nga yata siya eh. Plano lang dapat to! Bakit ganun?!?!?!
Martyr nga ako. Noon pa man martyr na ko eh. Mga bata pa lang kami ako na ang nagbibigay. Sanay na ko at alam kong yun ang ikasasaya ng kaibigan ko. Sana lang ay wag niya ng sayangin ang muling pagsasakripisyo ko para sa kanilang dalawa at sana bumalik na ang dating Riri.
Nasan na ba yung cellphone ko?? Naiwan ko pa ata sa opisina. Leche nga naman!
"Lawrence, hatid na kita." Si Katrina pala
"Di na. Andito naman si Terrence eh." Uminom din siya
"Lawrence, iba pala kapag nagawa na natin noh??? Feeling ko yung plano nating paglapitin silang dalawa ay mali pero tama. Mali kasi pinangunahan natin silang dalawa at maaaring ikagalit nila yung ginawa natin pero at the same time ay tama kasi sila naman talaga dapat diba?" Nag-order pa siya ng isang bote at saka tinungga ito.
"Katrina....nakamove on ka na ba kay Vin?"
"Hindi pa pero on process na. Bakit? Don't tell me na nahulog ka kay Archan." Sinabi niya yun na parang nagbibiro lang pero...
"Oo, gusto ko na nga ata siya. Mahal ko na siya pero wala akong balak manggulo. Magmomove on na lang din ako haha. Nakakatawa nga eh. Hindi naging kami pero magmomove on ako"
"Sorry Lawrence. Hindi ko naisip kung anong pwedeng maging resulta para sayo. Selfish nga talaga ako pero sorry ha. Hindi ako nag-iisip. Para naman sa kanila yun eh. Sa bestfriend mo at sa dati kong bestfriend."
Bae's POV
Nandito ako ngayon sa kama ko at hinihintay kong bumalik si Kuya Guard. Kukuhanan daw niya ko ng gatas eh.
Kung nagtataka kayo kung bakit siya nandito ay naglalaro kami hahaha. Jack 'n poy lang naman tas pag natalo ay tatanungin ka ng nanalo. Ganun lang. Buti nga pumayag siya eh.
Dumating na siya dala yung gatas ko kaya ininom ko na agad.
"Kuya Guard, what is your name?O_o?" Naupo siya sa kama ko habang nakahiga ako at nakakumot.
"Xander."
"Full name!!" Short ng name niya samantalang yung akin halos 11 syllables lahat including my surname.
"Prylx Xander Chua" ahhh. Ganda ng name niya. Hihihi. Prylx. Kakaiba. (Prilks po ang basa dun)
"Then....I will call you Prylx!!!!^___^ You have a beautiful name by the way! And I am Betrilliana Archanny Espinosa, you can call me bae for short or anything you want." Inoffer ko yung kamay ko para makipag shakehands at tinanggap niya naman. Shemay *////* anlambot wahhhhh.
"Okay, sleep now it's getting late." Tumayo na siya pero bago pa siya makalabas ay nag goodnight na ko sa kanya.
To:Kevin mylabs
Goodnight :*Si MTB pala hindi pa nagrereply. Galit kaya siya sakin?? Hindi naman ata. Text ko na nga lang din.
To:MTB
Di ka nagreply ha. Goodnight. :)I can now sleep.
#FeelingContented----------------------------------------------------------
AN:
Yehey!!! Medyo may nagbabasa ng story ko^__^ kahit walang nagcocomment haha. Sige wag na kayong magcomment kung ayaw niyo hahahaha. Hindi ko na kayo pipilitin ^___^V dadating din naman ata yung time na may kusang magcocomment. Hihintayin ko na lang siya or kung sino man:)))))
Thank you sa pagbabasa!!!!! Kasi meron agad nakakaread kahit papano. Yun lang po. I love you all!!!:*****
BINABASA MO ANG
Ang Boss Kong Bitter
RandomIsang jolly na babae at isang bitter na lalaki....ano kaya ang mangyayari kung maging sila? O magiging sila nga ba? Do you want to know the reason behind his bitterness??? Read 'Ang Boss Kong Bitter' (ABKB)