Chapter 48

134 10 0
                                    

Kevin's POV

"WHAT THE HELL ARE YOU DOING HERE KEVIN?! YOU WILL NEVER BE WITH ARCHAN AGAIN!" nagising ako bigla nang may humila sa pagkakahiga ko at F*CK may dugo ako sa labi

"WHO THE HELL ARE YOU?!" ow shit kuya pala ni Bae arghhh I just woke up come on what do you expect

"WHO AM I?! ARE YOU SERIOUS SYLVESTRIS?! GET OUT OF MY HOUSE NOW! AND DON'T YOU DARE TO GO BACK EVER!" hanggang ngayon masama pa rin ang tingin niya sakin kahit di ko naman kasalanan yung mga nangyari noon

Nakalimutan kong kasama ko nga pala si Bae at umiiyak na siya but she looks mad. She is so mad to the point na mukang naiiyak na siya.

"Kuya what are you doing?! Boyfriend ko na si Kevin! Please let me be happy with him. Please" mahinahon lang ang pagkakasabi ni Bae habang hawak ulo niya

"NO BETRILLIANA! LISTEN TO ME OKAY?! I WILL NEVER LET THIS MAN BE WITH YOU AGAIN!" bakit nadadamay na si Bae sa galit niya, it is between us. No need na idamay pa si Bae sa hindi namin pagkakaintindihan noon

"I'm sorry Bae, stop crying na okay? Aalis na lang muna ako." sabi ko habang pinupunas yung luha niya dahil na rin siguro sa gulat niya na sinigawan siya ng kuya niya

"Cobalt, I will now go but don't drag Bae to our misunderstanding. Let's talk about it some other time" yayakapin ko sana muna si Bae bago ako umalis kaso

"No! No Kevin! You stay here with me please. And kuya please let us be" lalong lumakas iyak ni Bae

"Makinig ka sakin Betrilliana, Kevin will be no good for you okay? Trust me everything will be repeated. I don't want you to---" nagsasalita siya habang niyuyugyog ang katawan ni Bae

"Cobalt, stop it." pinutol ko na ang sasabihin niya dahil napagusapan na namin noon na huwag nang ipaalala pa ang lumipas. Baka makasama sa sitwasyon ni Bae

"Betrilliana listen to your kuya ha. Ayoko lang na masaktan ka ulit. Si Kevin ang dahilan kung bakit hanggang ngayon hindi mo maalala ang naka---" naputol ang sinasabi niyang nang biglang himatayin si Bae habang nakahawak pa rin sa ulo niya.



Cobalt's POV

"This is all your fault Kevin! Bakit ba kasi bumalik ka pa sa buhay niya?! Masaya na siya, nakakarecover na siya kahit papaano. Hindi ka ba naaawa sa kalagayan niya. 20 years na ang lumipas simula nang maaksidente siya pero hanggang ngayon, hanggang ngayon Kevin! Hindi pa rin bumabalik mga alaala niya" ayoko na talagang makasama pa siya ulit ng kapatid ko

"Cobalt pakinggan mo naman yung side ko. Hindi ko sinadya yun. Bata pa ako noon at alam ko sa sarili ko na hindi ko ginusto yung nangyari." kahit ano pang sabihin niya, siya ang dahilan kung bakit may amnesia si Archan at hindi man lang naaalala ni Bae na itong lalaking to ang dahilan ng lahat


"Hmm" 

"Hhmmm" lumingon ako at nakita ko gising na si Archan. Nilapitan ko siya agad pero naunahan na ko ni Kevin

"Bae. Are you okay? Wait I'll call the doctor. Wait okay?" natataranta pa boses niya eh siya naman may kasalanan ng lahat ng to

"Archan I'm sorry ha nasigawan kita at nadala ka pa ngayon sa hospital" sabi ko habang hawak ang kamay niya

Dumating naman agad yung doctor at chineck ang vitals ni Archan. Okay naman daw lahat pero she needs to rest daw mentally dahil nga sa mga nangyari. At dahil na rin nga raw may amnesia siya kaya hindi pa siya gaanong makagrasp ng mga nangyayari.

"Archan, andito lang si kuya ha" umupo ako sa tabi niya at si Kevin naman palakad lakad. Hindi ata alam gagawin


Simula nung bata pa si Archan, inaalagaan ko na siya nang mabuti. Una sa lahat dahil sa siya ang kasiyahan ng magulang namin. Kung hindi siya dumating sa buhay namin nila mommy at daddy, baka nadepress na sila lalo na si mommy. Kung gaano ko siya inaalagaan, biglang dadating tong lalaki na to at sisirain lahat ng masasayang pangyayari sa buhay namin.

Bata pa si Archan ay may kalaro na siyang mga bata rin dito sa may neighborhood namin. Lagi sila magkakalaro dahil magkakalapit lang naman ang mga bahay namin. Vivi, Riri, at Rere pa nga tawagan nila noon. Tama kayo sa naiisip niyo, si Kevin at Lawrence ang mga kaibigan ni Archan. Lagi niya nakikita yung dalawa na magkalaro at naiinggit siya. Iniiyakan pa niya para makalaro sila at hindi naman mapigilan ni mommy kasi nga gusto niya ibigay lahat kay Archan.

Hanggang sa lagi silang magkalaro at inaasar na ni Lawrence yung dalawa eh kay bata bata pa nila. Tinanong ko siya dati kung gusto niya ba si Kevin at ayun nga. Crush niya daw hahahha nakakatuwa maalala yung batang Archan. Pero dahil sa taong gusto niya, naaksidente siya. Nilalayuan siya ni Kevin dahil nandidiri siya na may gusto sa kanya si Archan. Hinabol siya ni Archan hanggang nabunggo siya ng isang kotseng nagover speeding sa loob ng village.

Masyadong mabilis ang pangyayari. Nacoma si Archan nang isang taon. Sa sobrang lala ng aksidente ay inabot siya ng isang taon na coma at sa awa ng Diyos nagising naman siya. Pero di na niya kami kilala. Hindi niya na alam kung sino siya.


"BAE!! WHAT'S HAPPENING?!?!? DOC!! DOC!!!" biglang nagsisigaw si Kevin

"HEY ARCHAN!! LOOK AT KUYA! ANDITO LANG AKO! ANO NANGYAYARI? BAKIT MO GINAGANYAN ULO MO?" pinupukpok ni archan yung ulo niya habang sumisipa yung paa niya. Buti at dumating naman agad yung doctor at may tinurok sa kanya

"Nag-inject lang ako ng pampatulog sa kanya. Let her rest for a while. And wag muna kayong magbanggit ng anything related sa past niya. Baka dahil dun kaya sumasakit nang sobra ang ulo niya." 

" Salamat po Doc" sabi ko kay Doc habang paalis na siya

"And, mukang babalik na ang kaniyang mga alaala based sa mga actions niya. Sumasakit nang sobra ulo niya kasi may nagbibring up ng memories na matagal na niyang nalimot dahil sa brain injury. Be gentle with her." at umalis na nga si doc

This is too much for Archan to handle. Ayoko na magtago pa ng sikreto sa kanya. Matanda na siya pero andami pa niyang hindi nalalaman tungkol sa sarili niya at sa pamilyang kasama niya.


Bae's POV

Sobrang sakit ng ulo ko. Parang hinahati sa dalawa tapos pinupukpok ng martilyo. Aaahhhhhh hindi ko kaya yung sakit. Pero nabawasan na yung sakit kumpara naman nung una.

Wait.

Nasa ospital ako? Si kuya nakaupo sa tabi ko at tulog. Ilang araw na ba kong nasa ospital? Hindi ko alam eh. Paglingon ko sa sofa sa dulo, nakahiga si Kevin mylabs ko. Kawawa naman baka napagod sakin

"Aaahh" tatayo na sana ako kaso napaupo ako. Sumasakit talaga ulo ko bakit ba ganto to?


"Vivi paglaki ko maging boyfwend kita haa" sabi nung batang babae nakadress na pink

"Anong boyfwend?" sagot naman nung batang lalaki busy na naglalaro ng kotse

"Basta yung kasama ko kakain sa fancy dinner like mommy and daddy hihi" sabi ulit nung babaeng bata

"But I don't know that" sabi ng batang lalaki habang nagtataka yung muka

"And let's watch movies together ha Vivi!"

"Isama niyo naman akuuuu" sumingit yung isa pang batang lalaki at inakbayan yung dalawa pang bata


"Aww" napapikit ako sa sakit at kinakapa ko kamay ni kuya kung nasan na kasi gigisingin ko siya

"Kuyaa.." mahina lang boses ko sana marinig niya. Hindi ko na talaga kaya

"Archan!" may kakaibang boses ang tumawag sakin. Nanlabo na paningin ko at hindi ko na nakita kung sino mang tumawag sakin




Ang Boss Kong BitterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon