First monthsary namin ngayon ni Kevin mylabs eh. Nakakatuwa nga na umabot na kami sa isang buwan. Ang galing ^0^
Pero magagabi na wala paring siyang paramdam. Akala ko nga may surprise siya pero parang wala naman. Nalimutan niya nga ata.
Iniisip ko pa lang na nalimutan niya parang naiiyak na ko. First monthsary namin to eh. Tapos di niya maalala?? Imposible naman yun. Unang beses na monthsary saka niya pa nalimutan? Parang amnesia lang ang peg??
Amnesia
Wahhhh. Naalala ko tuloy yung sinabi ni Prylx na baka may amnesia ako. Pwede ba yun?? Normal lang naman ata na hindi maalala ang childhood at yung ibang memories ko diba? O baka nagiging malilimutin lang ako.
Back to the story, nalulungkot ako kasi walang paramdam si Kevin mylabs. Di niya ba alam na kanina pang umaga ako naghihintay ng bati niya manlang. Kahit isang text lang sana okay na. Maaappreciate ko naman yun eh. Kahit 'Happy 1st monthsary Bae!' na text lang basta galing sa kanya ay okay na okay na.
Bahala na nga siya! Kapag nageksaktong ten na tapos hindi parin siya nagpaparamdam...di ko na siya papansinin forever.
Binabawi ko na. Hindi na forever. Irerephrase ko. Hindi ko na siya papansinin hanggang kaya ko. Hehe. Mahirap ng magsalita ng tapos.
Pero bakit kaya wala siya sa opisina at bahay niya kanina?
Flashback:
Maganda ang gising ko ngayon kasi...
*insert drumrolls here*
Kasi first monthsary namin ni Kevin mylabs. Kaya happy lang dapat. ^__^
Dahil sa masaya ako ay pumasok ako ng maaga at nagbaon ako ng foods. Ang sweet ko diba? Ako pa nagluto nun para super special.Lahat ng bumabati sakin papasok sa opisina ay binati ko din pabalik. Goodmood ako masyado eh. Hehe. Pasensya naman^_^V
"Goodmorning Archan! Masyado ka atang masaya ngayon ah." Si Lawrence pala.
"Goodmorning din^_^. Masaya talaga ko kasi fi-" di ko na natapos yung sasabihin ko kasi biglang may tumawag sa phone niya at nagpaalam na din siya.
Di ko na siya pinansin at pumasok na agad sa opisina. Tenenentenen!
"GOOD MOR-" Ay! Walang tao? Nasan si Kevin mylabs?
"Hellooooo??? Yuhoooo!!!! Kevin mylabs nasan ka???" Chineck ko na rin yung private room pero wala. Saan kaya yun.
Hintay muna ako ng ilang minutes bago umalis. Baka may meeting pala siya na hindi niya sinabi. Pwede naman yun diba? Emergency meeting kaya di niya ko nasabihan agad.
After 50 minutes,
"Ay hello po Ms. Archan, kanina pa po ba kayo dito?" pumasok yung isang staff na di ko kilala pero kilala niya ko
"Opo ate, alam niyo po ba kung saan nagmeeting si boss?" tinanong ko na kay ate kasi baka mamaya alam niya. Antalino ko talaga
"Ay hindi niyo po ba alam? Hindi raw po papasok si sir." at umalis na si ate pagkuha niya ng folder sa may table
Heto naisipan kong puntahan bahay ni Kevin mylabs kasi baka mamaya nasa bahay lang siya. Huhu baka nagkasakit na naman siya tulad dati.
BINABASA MO ANG
Ang Boss Kong Bitter
RandomIsang jolly na babae at isang bitter na lalaki....ano kaya ang mangyayari kung maging sila? O magiging sila nga ba? Do you want to know the reason behind his bitterness??? Read 'Ang Boss Kong Bitter' (ABKB)