Chapter 28

687 29 0
                                    

Kevin's POV

Nakakainis. Bakit ba kasi ganito yung pakiramdam?!? Puch* naman. Argh!!!

Kanina sa restaurant andaming tumitingin sa kanya pero di ko na lang pinansin tapos ngayon hinanap ko siya sa buong hotel. Nilakad ko pa lahat. Hindi ako nag-elevator kasi chinecheck ko bawat floor tapos pagpunta ko dito sa party may kalandian lang pala siya!!

Ano naman kung may kalandian siya?!?! Arghh!!! Naiinis ako. Pinakilala pa niya sakin. As if may pakielam naman ako.

Makaalis na nga lang. Bahala siya sa buhay niya. Naiinis talaga ako. Baka makasuntok pa ko dito eh. Nakakainis

"Asan na kaya si Kevin mylabs??" What the?!?! Kevin mylabs?? Ang corny naman. Sino ba yun??

Sh*t. Andito si Archan!! San ako pupunta???

"Kevin!!! Andito ka lang pala eh!!!" Lumapit siya sakin. Kung tumakbo kaya ako?? Anu ba Kevin!! Umayos ka!! Kainis!!

"Ano naman?" Pasensya na kung masungit. Naiinis ako eh

"Grabe ka naman kay Joerence. Kanina iniwan mo ko sa restaurant tapos ampanget ng ginawa mo kay Joerence tapos ansungit mo pa! Ano ba problema mo?!" Sinisigawan niya ba ko?? Naiinis na nga ko tapos ganyan pa siya

"HINDI KO ALAM!!! HINDI KO ALAM ARCHAN!!!" sumisigaw narin ako. Pinipigilan ko yung galit ko pero hindi ko na kaya.

"Eh bakit ka sumisigaw?!?!" Nagpipigil na ata siya ng iyak niya kasi humihikbi siya

"Sorry. Sorry" nagsorry lang ako sa kanya ng nagsorry. Niyakap ko na din siya. Bakit ko ba ginawa yun? Bakit ko siya pinaiyak??

"Sorry din" sabi niya tapos kumalas siya sa yakap ko

Click!

Napalingon kami ni Archan dun sa camera. May nagflash kasi eh

"Sorry po. Ang ganda po kasi ng pose niyo eh" nilapitan ko siya tapos tiningnan ko yung picture. Nakayakap kami sa isa't isa.

"Okay lang. Basta bigyan mo ko ng isang kopya" pumayag naman siya. Lumapit sakin si Archan saka nagtanong

"Bakit daw tayo pinicturan?" Nagtataka siya

"Di ko alam eh. Tara na"

Hinawakan ko yung kamay niya. Nagulat pa ata siya. Pero hinigpitan ko na lang yung hawak ng kamay niya. Hindi ko alam kung bakit ko yun ginawa pero yun yung nararamdaman ko eh. Parang ansaya na ng pakiramdam ko ngayon


Archan's POV


Syetttt. Holding Hands While Walking ang peg namin!!!! Kinikilig ako. Wah!!!!! Nagulat talaga ako pero carrybells na yan. Nakakakilig eh. Hihihi^////////////////^


Omeghedddd. Nekekeleg telege eke. Hanggang bones. Kaso pupunta na ata kami sa room eh. Hayyy. Byebye holding hands na ba?? Wag muna. I need a brilliant plan..

Ting!

"Kevin dun muna tayo sa may bench" yes. Mapapatagal pa muna kami.

Naupo kami syempre Holding hands parin hihihi. Susulitin ko na. Kasi ngayon lang to noh. Hahaha. Ansarap ng hangin. Malamig. Sinandal ko yung ulo ko sa balikat bi Kevin mylabs tapos pinakinggan ko lang yung tibok ng puso niya. Bakit kaya ambilis ng tibok ng puso niya??? Nilalamig ba siya??

Lubdub. Lubdub. Lubdub

Shit. Ako naman yung bumilis ang tibok ng puso. Paglingon ko kasi nakatingin pala sakin si Kevin. Wah!!!^/////^

Nahihiya ako. Nakita pa ata niya kong namumula. Pero shitt. Lang.

Kinikilig talaga ako eh. Hanggang buto. Feeling ko makakatulog ako. Pero dapat wag. Kasi susulitin ko pa nga tong moment namin eh.



Kevin's POV

Nakatulog na ata siya. Hayyy. Buti na lang okay lang sa kanya yung holding hands. Hindi ko na siya binitawan.


"Archan"

"Archan" hala. Tulog na ba to??

Tulog na nga. Ang sarap siguro ng tulog niya. At nasa balikat ko siya. Saglit lang tapos bubuhatin ko na din siya. Mga five minutes lang


Lumalamig na masyado. Ipapasok ko na siya sa loob. Sinakay ko siya sa likod ko saka ako nag-elevator.

Pano yan?? Iisa lang yung kama?? Dahil mabait naman ako dun na lang sa kama si Archan. Dun na lang ako sa sofa. Malaki naman eh. Kinumutan ko na siya tapos tiningnan.

Archan,ang ganda mo pala. Di ko alam kung bakit ako nagkakaganito sayo. Parang iba na ko. Parang hindi na ako yung lalaking masungit na sinasabi mo. Bakit ganun??

Lubdub. Lubdub. Lubdub

Ayan na naman yung puso ko. Parang may karerang pupuntahan.

Makatulog na nga lang baka napagod lang ako. Ambigat kasi niya eh.

Knock knock

Gabi na tapos may kumakatok pa.

"Yes?" Pagbukas ko sa pinto yan agad pambungad ko

"Eto na po yung picture. Dinagdagan ko na din. " sabi niya tapos umalis agad. Magpapasalamat pa naman dapat ako kaso umalis na eh

Matingnan nga yung picture. Lima ata to eh. Ngayon alam ko na kung bakit umalis siya agad. Kasi andami niyang kinuhang pictures namin

Yung una yung magkayakap kami tapos yung magkaharap kami, magkaholding hands,yung nasa bench,at yung buhat buhat ko siya. Maitago na nga. Baka makita pa to ni Archan eh

Goodnight. Ang saya ng araw na to

------------------------------

Sorry na po. Cliche ba masyado?? Newbie here!!!

Labyah all!!:***

Ang Boss Kong BitterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon