Chapter 17

816 24 1
                                    

Makikinig na lang muna ako dito sa labas. Kasi parang nay naririnig akong ungol?? O baka naman iyak??? O baka hagulgol?? O baka pasukin ko na lang sa loob para malaman ko. Hay nako!!

"Walangya ka Vin!!" Who's Vin??? Gf niya kaya yun??

Naghahagis si kuya ng mga gamit niya. Nagwawala siya. Bakit kaya???

"Kuya..." parang wala siyang narinig. Ganun ba siya ka-occupied??

"Hmmm. Kuya??" Ulit ko sa kanya at napatingin na siya sakin

"S-Sorry. B-Bat ka a-andito?" Sabi niya sabay singhot.

"Kuya. Andito lang ako. Kung may problema ka" nakakaawa si kuya. Para siyang uhuging bata na inagawan ng candy. Haha joke lang. Seryoso na ulit

"Halika nga kuya. Powerhug" tapos niyakap ko siya ng sobrang higpit. To the highest level

"S-Sige nga" and we live happily ever after. Chosss

"Kung ayaw mo magshare kuya,okay lang naman. Nasa kabilang kwarto lang ako" I said it with my warmest smile. Para hindi ako mukhang weird. Haha

"Wag na. Haha *singhot* Hindi naman *singhot* ganun kalala eh" kuya?? Balewww??

"Sige na nga. Gusto mo tissue? Kelangan mo to kuya. Hahaha" ayan. Laptrip na kami. Parang ayaw na kasi ni Kuya magkwento

"Alis na nga! Epal ka talaga Channy!" Napalayas na naman ako sa kwarto ni kuya.

Makahiga na nga lang. Wala na naman akong gagawin eh. Buong araw na lang ako dito. Hilata tapos higa tapos dapa tapos hilata and paulit-ulit lang.

Wala akong gagawin. Kakainis. Makapag-open na nga lang ng facebook. Last last week pa ata yung huli kong online eh. Asteggg

59 friend requests

12 messages

34 notifications

Wala namang pinagkaiba. Puro paalala lang ng mga bdays,events, at mga chorva. Aba! May nagfloodlikes sakin. Stalker lang ang peg??

Ian Angelo Nachor Arualdez liked your profile picture.

Ian Angelo Nachor Arualdez liked the picture you're tagged in.

Ian Angelo Nachor Arualdez liked your post.

Puro Ian Angelo Nachor yung nag-like. Stalker nga ata talaga to. Weird much ha. Pero parang hindi naman siya stalker kasi may itsura. Baka admirer hahaha. Djk lang xD

Wait...ma-open nga yung account niya....

Parang magkamukha kami. O magkahawig?? Baka nababaliw lang ako.

Baka naman sa angle na camera kaya naging magkamukha kami.

Baka nga....

Habang tinitingnan ko yung mga pictures napapanganga ako. As in "O"

Magkamukha nga ata talaga kami. Yung mga posts niya puro about sa family. Awww. How sweet. Loving son siya.

Kelan kaya dadating yung oras na makikilala na niya ko....Iana<3

Yang post niyang yan ang nagpatigil sa mundo ko....

IAN ANGELO NACHOR ARUALDEZ who are you???



Cobalt's POV

Ayoko ng idamay pa si Archan sa problema ko. Mas okay ng ako na lang. Hindi na dapat niyang malaman.

At maganda na rin na nag-resign siya sa trabaho niyang yun. Dahil hindi ko kayang makita siya kasama ng lalaking yun. Pero baka lalo niyang pahirapan si Archan dahil nakilala na niya ko. Hindi to pwede.

Yang lalaking may malaking atraso sakin. Hindi lang sakin pero kay Archan din.

Sa susunod na makita ko siya, sinisigurado kong hindi na siya sisinagan ng araw.

Hinding hindi ko siya hahayaan na makalapit pa kay Archan.

Ayoko ng makitang mahirapan si Archan. Siya na lang ang natitira kong kapatid. At ayokong mawala pa siya sakin.

Humanda ka. Magsisisi ka na nakilala mo ko,kami..

Vin, just wait and you'll see what can I do....



------------------------------------------------------------

Author's note:

Short??? Hindi naman ata?? Wait for my next update. Ano kaya relasyon nila sa isa't isa???

Please follow, share and comment po

Labyah all:**

Ang Boss Kong BitterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon