Chapter 16

802 28 0
                                    

Ang hirap talaga kapag walang ginagawa. Dahil nagresign ako ay wala na kong papasukang trabaho. Kakainis. Katangahan ko kasi ang umiral eh. Kainis.

"Anak,ano ginagawa mo??" Si mom at dad pala

"Wala po to hehe" nekekeheye nemen

"Nako...kaya pala inuuntog mo yang ulo mo sa pader" wahhh!! Dad naman eh. Sinabi mo pa. Di ko na nga sinasabi para hindi malaman ng mga readers eh!!

"Hehe. Magjo-jogging po kayo?? Sama ko" wala naman akong gagawin eh. Kawawa naman ako

"Sige. Palit ka na ng damit mo"

"Hintayin ka namin sa labas"

Nagpalit na ko ng sando at shorts. Yung pang-exercise na outfit. Nagpony tail na rin ako at nagdala ng face towel. Syempre hindi mawawala ang earphones. Para soundtrip. Haha

"Tara na mom" na-una sila mom at dad sa pagtakbo kaya ayun. Nahiwalay ako sa kanila

Pero nakakatuwa sila tingnan. Ang sweet sweet nila. Parang walang problema. May forever nga talaga. Basta wag bitter

Nakakapagod din pala magjogging. Umupo muna ako dito sa park. Ang daming bata. Mga naglalaro,naghahabulan at kumakain. Ang saya nila tingnan.

Hanggang sa may nakita aking batang lalaki na umiiyak at nakadapa. Tumakbo ako palapit sa kanya para tulungan siya

"Are you okay?" Kaso may nauna ng lumapit sa kanya. Kaya bumalik na lang ako sa upuan

"Yes mom" sabi nung batang nadapa. Hayyy. Memories nga naman.

Parang nage-emo tuloy ako dito. Hahaha. Makabili na nga lang ng ihaw-ihaw.

"Manong magkano po yung isaw??" Andaming pagpipilian. Hmmm. Sarap sarap

"Limang piso lang" ang mura pa nung isaw

"Anim na piraso po tapos limang bbq" natatakam talaga ko. Ahihihi

Yess luto na!! Kain kain din pag may time hahaha. Ansarap talaga lalo na kapag may suka na maanghang

"Magkano po lahat??" Mauubos ko na yung mga pina-ihaw ko pero hindi pa pala ko nagbabayad haha

"75 lahat. Anlakas niyo po kumain" nakakahiya kay manong

"Hindi naman po. Masarap lang talaga. Keep the change po" nagpasalamat si manong

Inubos ko muna yung mga pina-ihaw ko tapos umalis na rin ako. Kaso bago ako makarating sa bahay ay may nakita akong lalaki na balot na balot.

Yung tipong naka-all black. Naka shades,cap,jacket at pants. Ayaw naman niyang magsuot ng ITIM sa lagay na yan.

"Excuse me,sino po sila??" Nagulat pa si kuyang naka-black sa present ko

"Ah... Ahmm. W-wala. B-bye" sabay takbo paalis. Takot sakin. Ganern?? Multo ba aketch....

Makapasok na nga lang..

"Ano to??" May naapakan akong parang pin??Pin sa labas ng gate namin. Ano yun??

Iana

Ano yun?? Parang kamukha ko yung nasa pin tapos may name na 'Iana' pa dun.Matago na nga lang.

"Manang. Andito na po ba si kuya??" Sabi ko pagpasok ko sa sala

"Nandun siya sa kwarto niya"

Okayy bakit kaya?? Ayaw magpakita lang ang peg...bahala nga siya. Problemado ata eh

------------------------------------------------------

Author's note:

Walang kwenta ata yung update ko sorry na po. Tapos ang iksi pa. Sorry. Badmood ako ngayon eh

Please follow,share,comment

Ang Boss Kong BitterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon