Chapter 13

857 26 0
                                    

Archan's POV

Di ko namalayan na nakatulog pala ako ng isang buong araw. Wala kain kain. Ganun ba ko kapagod??

Makalabas na nga at kumain. Pero time check muna tayo. 6:00 am palang. May one hour pa ko para pumasok sa trabaho

"Good morning mom, dad. Si kuya??" Kumakain na sila mom

"Nasa kwarto pa ata niya. " sabi ni mom at inubos niya na yung pagkain niya

"Kumain ka na Archan at magjo-jogging muna kami ng mom mo. " at umalis na nga sila.

Hindi naman sila sweet sa lagay na yun ha??? Matanda na nga sila eh. Hahaha. Bayae na nga lang

"Mga ate...kumain na po ba kayo?? Sabay na po kayo sakin!!" Parang nahihiya pa ata sila.

"Manang, ate. Dali, baka lumamig na yung pagkain" at ayun nagsilapitan na sila. Naguusap sila at OP ako haha

"Salamat po sa pagkain. Kuya Robert pagtapos niyo kumain pakihanda na po yung kotse ko" umalis na rin ako at pumunta sa kwarto ni kuya

Knock knock

"Kuya, si Archan to. Pasok na ko ha??" At pumasok na ko. Hindi naman ata bawal eh. Haha. Wala namang nakasulat sa labas na 'Warning:May dragon sa loob' haha

Kawawa naman si kuya. Tulog pa siya. Namiss ko talaga si kuya ko. Iiyak na ko. Haha. Joke lang

"Kuya,siguro pagod na pagod ka nohh??" Umupo ako sa kama niya at hinawak-hawakan ko yung buhok niya

"Alam mo ba?? Syempre di mo pa alam. Pero namiss talaga kita. SUPER to the highest level. Sana dalasan niyo nila mom at dad yung pag bakasyon dito" at hindi ko na carry. Nahiga na rin ako sa kama niya haha.

"Kuya. Usog ka nga ng konti. Mahuhulog na ko dito" sabay tulak. Ambigat netong kuya kong to

"Wahhh!!!" Dinaganan niya ko gamit ang legs niya. Ambigat!!!

"Kuya!! Ambigat ng legs mo!! Tatayo na ko!" Tapos bigla niya kong niyakap na sobrang higpit

"Good morning Channy! Miss din naman kita eh" aysus. Kilig naman si ako.

"Kuya naman eh! Bangon ka na habang may fudz pa" At pinakawalan niya na ko sa yakap niya

"Geh. Labas na. Labas. Maliligo na ko" ang sweet niya ha! Itulak ba naman ako palabas ng kwarto. How sweet!-_-

Makaligo na nga lang rin. Di pa pala ako naliligo hahaha. Nakalimutan ko ata??

Ano kaya maganda isuot ngayon?? Magdress na lang ako. Ayun!! Black dress tapos black na wedge. Tapos balck din na sumbrero. Yung parang pang beach

Paglabas ko palang ng bahay ay yung mukha agad ni kuya ang nakita ko

"Channy, sino patay??" Seryoso naman siya sa sinabi niya

"Wala po. Iinisin ko lang yung boss ko haha. " at ayun. Hindi niya nagets.

"Bahala ka nga. Hatid na kita! May dadaanan din ako eh" palusot mo eh. Gusto mo lang talaga ako ihatid

"Bat ganyan mukha mo Channy??" Halata ba sa mukha ko?? Haha. Sorry naman

"Wala. Sunduin mo din ako mamayang gabi ha. Tara na" at pumasok na ko sa kotse.

Tahimik lang kami ni kuya. Hindi ko alam kung bakit.

"Deretso ka lang kuya tapos liko ka" hindi naman siya nagsalita. Weird niya ha

Nakarating na lang kami at lahat hindi parin siya umiimik

"Kuya. Problema mo?? Meron ka ba ngayon??" Imbis na matinong sagot, ang nakuha ko ay isang batok

"Aray ko naman. Joke lang kuya. Baba na ko. Ingat ka. Bye" lumabas na ko agad. Mahirap na no!!

"May patay??"

"Ayaw naman niya sa itim"

"Ganda parin niya"

"Weird lang"

Tsismis all around na naman. Hayy nako. Kelan kaya tatahimik ang buhay ko. Haha. Parang celebrity lang ang peg.

"Sino to??" Sabi ko dun sa kamay na nagtatakip sa mata ko

"Hello? Sino nga to??" Kapag yan hindi pa ko binitawan!! Aanuhin ko yan

"Grabe ka naman Archan! Hindi mo ko kilala??" At binitawan na niya ko

"Sorry naman Lawrence. Ikaw nga lang pala kilala ko dito haha. Nakalimutan ko eh" natawa pa ko sa sarili ko ha. Totoo naman eh. Si Lawrence pa lang friend ko dito eh

"Anyare sayo Archan?? Sino patay??" Tapos tiningnan niya ko from head to toe. Antaray ni kuya??

"Yung boss ko. Haha. Alis na ko. Beast mode pa naman yun" and we say our final goodbye. Haha chosss. Parang last will and testament naman haha

Pasok na ko sa office ni boss na bitter. Yeahh. Bitter. Bitter. Bitter.

"Good morning Boss!! WAHHHH!!!!"


--------------------------------------------

Author's note:

Too short or exact lang?? Mukha naman siyang mahaba eh.

Share, follow and comment naman po.

Labyah all:***

Ang Boss Kong BitterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon