Kilig overload!!!!^/////////^
One week na lang pasko na...
And......
Wahhhh!!!!!! Nanliligaw na si Kevin mylabs sakin. Ahihihi. Sabi ko nga sa kanya wag na siyang mag-aksaya pa ng oras eh. Kami na agad hahaha. Ang landi ko pero syempre joke lang noh.
Pumayag ako na manligaw siya pero isa lang ang hinihintay ko. Isang sign.
Yung sign na yun, secret ko lang muna haha. Baka sabihin niyo kay Kevin mylabs eh. Edi napabilis yung pagsagot ko sa kanya. Pero syempre, sasagutin ko parin siya kahit di mangyari yung sign.
"Prylx, hintayin mo ko ha." Medyo marunong ng magtagalog si Prylx pero konti lang haha. Inglesero parin.
"Okay." At suplado parin.
Damang dama na ang pasko dito sa office. May mga design echos chuvaness na siya. Pero yung bahay ko hindi pa nadedecorate. Sa weekend na lang siguro.
"Good morning boss^_^" ayan na si inspirasyon ahihihi
"Good morning. " ngumingiti na nga pala siya sakin ahihi. Ano ba yang tawa ko hahaha. Parang naiihi
Kukunin ko na sana yung folder sa drawer kaso */////* may chocolate sa loob.
Betrilliana, quiet lang. Wag titili. Chocolate lang yan. Okay? Hindi ka naman kinikilig dahil lang jan okay?
"WAHHHHHH!!!! OMG! OMG! OH MAMA GULAY! WAHHHHH!!^////////////////^" Ano ba yan! Sabi ko hindi ako magrereact eh!
Bigla akong nakarinig ng bungisngis. Wahhh. Nakita niyang kinikilig ako. Nakakahiya. Ene be!! Tinakpan ko yung mukha ko ng folder. Inhale. Exhale. Inhale ulit. Exhale naman.
"You can show what you feel." Ene be! Geste me be??? Matatadtad ka ng halik kapag I show what I feel.
Lumapit ako sa kanya saka ko siya niyakap ng mahigpit. Hindi pa kami pero anlandi ko na hahaha. Pano kaya pag kami na diba?
"May meeting ka pala mamaya after lunch." Paalala ko sa kanya nung makita kong may meeting sila kasama si Trina.
"Boss, bakit pala wala si Trina dito? Pati yung table niya wala na. Naglayas ba siya?" Baka naglayas kasi hindi na siya mahal ni Kevin mylabs ko mwahaha. Akin lang si Kevin ^0^
"She's not here because she prepares the meeting that will be held later and her table, she changed her office. Lastly, hindi siya naglayas-__-" ay ganun??
"Pwedeng sumama sa meeting?" Sana pwede...sana pwede....
"Yeah, you can." Oh yes! Makikita ko si Trina
"Ahmm. Kevin mylabs--Boss pala, pwede sabay tayong kumain? Hehe" tumango lang siya sakin at pinagpatuloy ang ginagawa niya.
Kwento ko lang guys, si MTB kasi eh. Nagiging cold na siya :'( sinubukan kong kausapin pero lagi siyang umiiwas. Nagsimula yun nung....di ko na maalala pero nagsimula talaga yun eh. Lalo na nung nanliligaw na si Kevin mylabs sakin. Pero bayae na muna. Kakausapin na din ako nun.
"Let's go." Tumayo na si Kevin mylabs kaya sumunod ako. Follow the leader. I mean, follow the poging leader*/////*
Di ko alam kung saan kami kakain pero may napansin ako dun sa Classical Coffee Shop ni Mikka.....o__O
"Wait lang Kevin mylabs ha, may sisilipin lang ako." Wag kayong green ha. Si MTB yung sisilipin ko hindi sisilipan.
Tama nga ^0^
BINABASA MO ANG
Ang Boss Kong Bitter
RandomIsang jolly na babae at isang bitter na lalaki....ano kaya ang mangyayari kung maging sila? O magiging sila nga ba? Do you want to know the reason behind his bitterness??? Read 'Ang Boss Kong Bitter' (ABKB)