Chapter 30

607 21 0
                                    

Ambilis ng araw. Nandito na naman ako sa office at kasama si Boss. Sino pa ba??? Edi si Kevin mylabs. Kaso may iba sa kanya eh. Simula ng magpunta kami sa Baguio hindi na ulit niya ko pinapansin. Ewan ko dun. Nasiraan ata ng bait.

"Hi babe!" Ayan masaya na naman si Boss.

Pano ba naman. Nagkabalikan sila nung mabait na maganda na maputi na lahat na!!! Insekyora na ko. Kainis!!! Ang ganda kasi ni Katrina eh.

Magtetelebabad na naman yang lovebirds na yan. Ganyan naman yan lagi eh. Usap sa phone tapos pagnalowbat yung telephone naman.

Hindi ako nagseselos noh!!! Saka hindi ko naman siya boyfriend. Kainis!!!

"Sir,may meeting po kayo kay Mr.Fuentes after ten minutes"

Pinaalalahanan ko lang siya. Sir na rin yung tawag ko sa kanya. Ayoko namang umasa. Pero WAHH!!! Naiinggit ako eh. Sorry na. Bitter na bitter ba ang dating?? Haha

Lumabas na ko saka hinintay si Boss na matapos sa kakabunganga dun sa girlfriend niyang sobrang ganda at saksakan ng bait.

Nandito lang ako sa labas ng meeting nila. Hindi naman ako pwedeng pumasok sa loob diba?? Edi nagmukha akong tanga nun haha.

After how many hours natapos din ang meeting. Tungkol ata yun sa hotel na bubuksan sa may Batangas. Tapos si Katrina yung magmomodel. Diba?? Talented si girlfriend.

Maka-uwi na nga lang. Tapos naman na yung working hours ko eh.

Grabe lang tong araw na to. Kabitteran ang umiral sakin haha.

Makapag-open na nga lang ng Facebook ko. Kelan ba ko last na nag-open?? Matagal na rin ata haha

35 friend requests

26 messages

67 notifications

Andami ha. Ano bang meron ngayon?? Saglit lang naman ata kong hindi nakapag-online ah

Ian Angelo Nachor Angeles poked you.
A second ago

Creepy much tong lalaking to. Pero may itsura naman siya kaya hindi naman ata to manyak. Sorry for the term pero ganun talaga nasa isip ko

Pop

May nagmessage sakin

Ian Angelo messaged you

Ian Angelo:Hello:)

Hala ka!!! Ano gagawin ko?? Syempre magrereply adik. Pero baka kasi budol budol gang to eh. OA ko ata?? Haha. Mareplyan nga

Betrilliana:Hi?

Taray ng lola niyo. Hi na patanong haha

Ian Angelo:Hulaan ko. May problema ka.

Betrilliana:Pano mo nalaman??

Ian Angelo:I just know. Haha

Betriliana:Creepy mo. Pero thanks sa pagflood likes :)

Ian Angelo: No prob:)

Ano ng sasabihin ko?? Parang gusto ko siyang kausapin pero may feeling na ewan eh. Alam mo yun??

Betrilliana:Kilala mo ba ko?

Ian Angelo:Oo,ikaw si Betrilliana.

Ay tangeks!! Syempre Archan FB yan oh. Bobita ka ba?

Betrilliana: I mean. Personal na kilala

Ian Angelo:Hindi naman haha. Sorry kung weird ako ha xD

Oo nga ang weird niya. Creepy pa kamo. Haha. Nagchat lang kami ng nagchat hanggang sa textmate na kami haha. Galawang breezy mga tol!! Haha.

Nagpalitan na kasi kami ng numbers eh. Pasensya na! Ganun talaga eh. Kung di ka pa kikilos walang mangyayari.

From:Ian Angelo
Alam mo kung anong oras na?

Wala bang relo yung phone niya? Pagtingin ko sa orasan. Wahhh. 2:34 am na. ^0^

To:Ian Angelo
Sorry. Napasarap ata yung usapan natin hehe

From:Ian Angelo
Okay lang:) sorry. May trabaho ka pa naman

Hala ka. Oo nga noh?!?! Nagbyebye na ko sa kanya kasi madaling araw na eh. Nakakahiya rin sa kanya eh.

Di ako makatulog. Bakit kaya?? Si kuya pala hindi ko pa nakakausap.

Kumatok ako sa kwarto ni Kuya. Tulog na ata siya eh. Kaya pumasok na lang agad ako

"Kuya,sorry kung sinuway kita ha. Sorry po kasi ang kulit ko" tulog na tulog si kuya. Nagi-guilty tuloy ako.>__

"Okay lang Archan. Kung jan ka masaya:)" hala ka!! Gising siya!!!

"Kuya naman eh!! Sorry kuya ha. Bakit ba ayaw mo sa Boss ko??"

"Di naman sa ayaw ko sa kanya. Ayaw lang kitang masaktan pa ulit" anong masaktan ulit?? Sinaktan na ba ko ni Kevin mylabs?? Bigla niyang ginulo yung buhok ko. "Nako. Matulog ka na nga. Tabi na tayo dito"

Yan. Makakatulog narin ako haha. Niyakap ko ng mahigpit si kuya. Namiss ko tuloy siya bigla haha. I love you kuya. Sorry kung pasaway ako haha.

Niyakap niya rin ako saka niya pinatay yung ilaw. Kaya lampshade na lang yung natitira.

Masaya rin pala tong araw na to. Kahit bitter ako kay Kevin mylabs may nakilala naman akong bagong friend. At bati na kami ni kuya. Ahihihi. Thank you Lord:))) I awe you one



--------------------------------------

Author's note:

Masyado akong na-inspire ngayon kaya hapoy langs!!!:))))

Ang Boss Kong BitterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon