Chapter 25

688 28 0
                                    

"Kuya alis na ko" nakaligo na ko. Bilis noh. Babalik ako eh. Namiss ko agad si Jared. Syempre pati si Kevin mylabs

"San ka pupunta?"

"Kay Kevin po" parang kilala naman ni Kuya haha

"Hindi pwede. Balik dito" luh!! Bahala siya jan. Tatakas ako haha

Andito na agad ako hahahaha. Tumakas talaga ako eh

"Nanang! Si Archan po to" pinapasok naman ako tapos syempre deretso ko sa kwarto ni Kevin mylabs. Wag ng pabebe. Di na uso yun.

"San kayo pupunta Kevin?" Nakapang-exercise kasi sila na outfit. Ang cute ni Jared. Naka shorts at sando tapos may parang headband siya na pang-exercise. Partner sila ni Kevin mylabs. Parehas nakablack saka blue na rubber shoes

"Park. Exercise. Kunin mo kay Nanang yung extrang damit kung gusto mo sumama" syempre naman! Gusto ko talaga haha

Inabot naman sakin ni Nanang yung damit. Sando and shorts din siya. Parehas ng kay Kevin at Jared. Syempre naka rubbershoes ako na-pink.

"Eto yung sapatos Archan oh" inabot niya sakin yung blue na rubbershoes. Kamukha din ng kanila Kevin mylabs.

Kahit ayaw ko ng blue ay kinuha ko na. Wag ng choosy.

"Danda mommy!!" Tumakbo agad sakin si Jared saka niyakap yung legs ko.

Wah!!! Para kaming family hihihi ^/////^ magkakaparehas kami ng suot eh. Ayiee.

Nagsimula na kaming magjogging papuntang park. May sakit parin kaya tong si Kevin??

"Mylabs may sakit ka pa ba?" Tanong ko habang nagjojogging. Napalingon siya sakin bigla. Kaya natigilan ako

"Huh?" Tanong niya sakin. Wait. Ano ba sabi ko??

"Mylabs may sakit ka pa ba?"

Syett!!! Mylabs yung nasabi ko?!?!?!?!

"A-ano. W-Wala" bumalik na lang ako sa pagjogging hanggang makarating na kami sa park

"Daddy!! Aish kwim!!" Ano yung Aish kwim??

"Jared maaga pa eh" parang iiyak na si Jared tapos tinuturo si mamang sorbetero.

Ice cream pala. Haha. Aish kwim daw eh. Bulol pala si baby eh.

Binuhat ko si Jared papunta kay mamang sorbetero. Kumain naman na siya ng almusal kaya pwede na.

"Anong flavor sayo Kevin?" Chocolate samin ni Jared eh. Kay Kevin na lang kulang

"Coffee" sabi ko nga!! Hanggang dito bitter parin haha

Nagbayad na ko saka kami naglakad lakad. Parang familiar nga sakin tong park eh. Pero ngayon lang naman ako nakapunta dito.

"Archan?"

"Lawrence?? Goodmorning!!" Andito din pala si Lawrence oh.

"Ginagawa mo dito??" Baka napadaan lang siya dito sa park kasi may bitbit siyang plastic eh

"Sumama kanila Kevin at Jared." Sabi ko. Saka asan na pala sila mylabs??

"Mommy!!" Ayun pala si Jared eh. Pero asan si Kevin mylabs??

"Haha. Hi Jared. Una na ko Archan" umalis na rin siya pero syempre nagbeso-beso muna kami haha. FC lang

Kevin's POV

Nawala lang ako saglit eto pa naabutan ko??? Bumili lang ako ng inumin tapos may kasama na agad na lalaki si Archan

Andun din si Jared. Buti na lang at umalis narin agad yung asungot na yun. Epal lang. Hindi ba niya nakikitang family bonding to!?!?

"Daddy!!" Tumakbo palapit sakin si Jared habang hawak hawak siya ni Archan

Lubdub. Lubdub. Lubdub

What's that??

Inabot ko sa kanya yung tubig saka kami naupo sa bench. Tahimik lang kami.

"May masakit pa ba sayo Kevin?"

"Wala na. Thank you pala ha" ang galing niya kasi mag-alaga eh

"W-Welcome po" nagbublush ba siya?? Bakit naman?? Dahil first time ko magthank you?? Di naman ata ah


Napagpasyahan namin umuwi. Sabi ko kay Archan dito na siya maglunch. Antakaw niya naman.


"Busog?? Haha" natatawa ako sa itsura niya. Tahimik lang siya tapos namumula.

Sabi ko kay Nanang paliguan na niya si Jared pero nagvolunteer si Archan na siya na daw. Kaya sumama na din ako. Makulit pa naman tong si Jared.

Pumunta sila sa may garden. Saka kinuha ni Archan yung hose.

"Wah!! Mommy!!" Tumakbo takbo si Jared haha. Nakasando and shorts padin silang dalawa. Naka-paa na lang sila ngayon at nagtatakbuhan

Ang saya nila tingnan. Sana lang andito din yung mommy ni Jared. Kaso...wala eh. Pumayag na din akong tawagin niyang Mommy si Archan kasi alam ko namang namimiss niya na yung mommy niya.

"Sh*t!!!" Binasa ako ni Archan!!! Argh!!! Hinabol ko si Archan at saka si Jared. Humanda ka sakin!!!

"Daddy!!! Ahihihi. S-Sorry. M-Mommy's fault!!" Sabi ni Jared nung nahuli ko na siya. Haha. Kinikiliti ko kasi siya eh. Tinigilan ko na siya saka ko hinabol si Archan.

Lubdub. Lubdub. Lubdub

Eto na naman yung puso ko eh

Tumigil siya sa pagtakbo tapos nag-evil smile siya. Ano gagawin niya???

"Argh!!!" Tinutok niya sakin yung hose. Aish!!! Basang basa na ko.

Kinuha ko si Jared saka ko siya pinangshield. Tawa naman siya ng tawa.

"Tama na yan mga bata! Eto na yung towel niyo" sabi ni Nanang. Binalutan ko si Jared ng towel baka kasi sipunin siya

"Sorry Kevin. Baka lagnatin ka ulit" concern siya masyado eh.

Nakatulog na rin agad si Jared. Napagod ata. Uuwi narin pala si Archan. Pumayag naman ako kasi alam kong pagod na din siya.

"Thank you pala Archan. Sa pag-alaga sakin saka kay Jared" ngumiti siya tapos umalis narin.

Bakit ganun??? Parang nalungkot ata ako ng umalis siya. Baka naman pagod lang din ako. Makatulog na nga lang.

---------------------------------

Yey!!! Medyo mahaba?? Hahaha yun lang sasabihin ko. At saka ang haba ng POV ni Kevin. Haha

Ang Boss Kong BitterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon